Tori's POV
Our second day was fantastic for me. Ang dami kasing nangyari kahapon, and today is our last day - Monday. Maaga kaming gumising, mga 7am lang naman, maaga na 'yon. As usual, kami ang magluluto, iyong iba naglilinis at ang iba chill lang. Nagtapos naman ang second day namin nang mapayapa - nagkausap na kami ni Audrey.
Flashback*
"Guyz bonfire tayo sa labas. ", yaya ni Marco sa amin pagkatapos namin maghapunan
"Sige bah..ihanda niyo ang mga gagamitin natin", utos naman ni Weng..
Nagsipaghanda na ang lahat. Gusto ko sana matulog kasi masakit ang ulo ko. Ang init-init kasi kanina. Nasa labas na ang lahat pero andito pa rin ako sa sala - nakaupo lang habang nakatanaw sa kanila sa labas. Ang ganda nang gabi, ang mga bituin sa kalangitan at ang buwan ang nagsisilbing liwanag sa buong paligid. Maganda ang gabi para mag bonfire. Mejo parang gusto kong lumabas at samahan sila. Sige na nga, pupuntahan ko sila...
"Toriana.", nakatayo na ako nang marinig ko ang tawag na iyon
"Ay palaka! ..Dioys ko naman 'drey, gusto mo ba ako mamatay agad2x.. bat ba naggugulat ka jan?", inis kong sabi sa kanya..
"Sorry naman Tor...", nakangusong paumanhin niya sa akin..
"Naku 'drey, kong hindi lang kita kaibigan ei, tinadyakan na kita jan.", huminahon naman ako sa pagkabigla.
"Sorry ulit.. gusto ko lang naman makipag-usap sa'yo ei.. Alam mo na, katangahan 2.0.", huh, napangiti naman ako sa sinabi niya... tanggap naman niya na tanga siya. .
"Okay, usap tayo..", sabi ko sa kanya sabay upo..
"Una sa lahat, gusto kong sabihin na nagpapasalamat ako kasi naging kaibigan kita. Nandiyan ka parati, handang ipagtanggol ako - kami.. Kahit na minsan sira ulo ka din.. heh..", aba't..ang ganda nang bungad, pero sa huli may pitik!.. pero sige, hayaan ko nalang. Makikinig lang ako sa kanya. Ginagap niya ang kamay ko..
"Sorry, kasi naging matigas ang ulo ko, hindi ako nakinig sa inyo.", feeling ko iiyak na siya.. kaya ginagap ko din ang kamay niya..
"Okay lang naman 'yon drey, nagmahal ka lang naman, hindi naman namin hawak ang puso mo. Pero alam mo naman kong ano ang issue ko diba? Friendship is friendship..",
BINABASA MO ANG
Destined Chatmate [Completed]
NonfiksiNaranasan nyo na bang ma-inlove …...... ….. sa Chatmate niyo?? Sana 'wag nyo nalang subukan.... masakit ei.. .from the skin, to the muscles, to the bones and to the heart. .. wasak na wasak ei.. Parang ang sarap batukan nang CPU, tsaka keyboard, t...