In the midst of the crowd, I found myself healing. Posible pala 'yun nasasaktan ka habang naghihilom. You can hate your past but still love your present and longing for future. Wala kasiguraduhan ang buhay. I cried and suffered enough this past years and nearly end my own life but who would thought that I can be able to find myself again.
Siguro nga maari mo kamuhian lahat ng tao nanakit sa'yo habang minamahal parin sila. Maari mo hilingin na sana matapos na ang pagdudusa mo habang hinihiling na sumaya.
"Love, should I take the deal?" tanong ng asawa ko habang naliligo.
Kinuha ko ang iilang papel upang i-review ang deal. Napangiti na lang ako habang binabasa ang offer ng isang start-up business.
Ayaw ng asawa ko magpagawa ng palaruan sa condominium niya. Pero pinilit ko siya.
"Hanggang ngayon ba ikaw parin ang kahinaan ni Kuya?" nagulat na lang ako sa nagsalita sa likuran ko. I didn't hear his footsteps!
"Love, who's that?" my husband asked while hurrying himself.
Keighn smirked and shouted to his brother. "Ang bunso mong kapatid!"
I heard my husband groaned in annoyance. Rinig ko ang mabilis na pag-agos ng tubig sa loob ng cr namin.
I heard Keighn chuckled. "Bakit mo ba pinakasalan ang kapatid ko? Tanga 'yun eh," he whispered.
Tinaliman ko siya ng masamang tingin. "Tanga ka din naman, ha."
Umalis ako sa harapan niya at pumasok sa walk in closet. Rinig ko ang pagbukas ng pinto ng cr namin at hindi nga ako nagkamali dahil niluwa nito ang asawa ko na hingal pang lumalabas sa banyo na nakatapis lang.
"That bastard!" he said in annoyance.
"Kuya! May emergency sa main house. May mga binaril na tauhan na-," bago pa niya tapusin ang sasabihin niya ng binatukan siya malakas ng asawa ko.
In a moment, I saw a glimpse of worry in my husband eyes. Hinila niya palabas ng kwarto namin ang kapatid niya.
And because out of curiosity, I silently follow them. Nabigla ako ng makita ko ang asawa ko na sinuntok sa tiyan ang nakababata niyang kapatid.
His eyes are dark and his jaw is aggressively moving. "You idiot! Not in front of my wife. She means a lot to me."
Hindi ko alam kung ano ang dapat ko maging reaksyon.
Kitang-kita ko ang pamumula ng mata ni Keighn at ang nagbabadyang luha sa kanyang mata. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanilang magkapatid.
Agad naman nihila ng asawa ko ang bunso niyang kapatid palabas ng bahay. Mula sa glass wall ng bahay namin ay kitang-kita ko sila nag-uusap, ang kilala kong mapagmahal na asawa ay tila ba sasabog na sa galit habang kiniwelyuhan ang kapatid niya.
Akmang lalapitan ko na sila ng agad tumawa si Keighn at tuluyan umalis sa bahay namin.
"I s-saw what happened, bakit mo sinaktan ang kapatid mo?" tanong ko ng makapasok siya sa loob ng bahay namin.
Agad niya ko niyakap ng mahigpit at banaon ang mukha niya sa leeg ko. Ramdam ko ang pagkapagod niya at unti-unti siya humikbi sa bisig ko. Para siyang hinang-hina sa lahat, naghahanap ng kakampi, at sa unang beses nakita ko ang asawa ko na umiiyak.
"Putang'na, pagod na pagod na ako sa giyerang wala ako alam kung paano tapusin. Kung pwede ko lsng isuko na lang ang lahat at umalis. Love, I want to rest," he whispered while crying.
I hugged him back. Gusto ko maramdaman niya na hindi siya nag-iisa. Na ayos lang umiyak minsan. Crying won't make us weak, because it makes us strong to show the emotion were afraid to. Our emotions are valid.
YOU ARE READING
Hiding The Mafia Boss Son (COMPLETED)
Romance[ Mafia Brother's Series #1] Ioanna Gersava Papuran is lawyer full of principles. She fight for justice but little did she know that her husband is a mafia boss. While handling a murder case, she discover her husband's hidden secret. She left to sav...