TIBG: Eighteen

101 6 1
                                    

Then, I Bid GoodbyeHiImFebby
TIBG: Eighteen
{Dedicated to: Barredoprincess}

  POV

"Nakita mo ba si Zyril?" Tanong ko kay Coleen na mukhang ikinabigla niya. I glanced at her but she doesn't seem to care, parang may sariling mundo. Problema nito? Lalim ata ng iniisip.

She rolled her eyes dramatically, "Si Zyril na naman?" Nag-pout siya kasabay ng pag-sstretching dahil maya-maya tatawagin na kami para sa pingpong match ng P.E Class namin.

"Ito naman, ano ba kasi ang galit mo doon sa tao? And hey! Nagtatanong lang ako." I gestured her face, "and what's with that face? Ayusin mo nga 'yan, mukha kang ewan."

But she kept on pouting and pouting and pouting and pouting and so on. Hindi ko alam kung tatawa na ba ako o hindi eh, mukha talaga siyang hindi ko maintindihan kung ano... parang alien ba.

"Nevermind the face." Walang emosyong sabi niya habang nakatuon ang pansin sa pingpong table sa unahan.

"Wait, hindi mo pa nasasagot ang tanong ko. Nakita mo ba si Zyril?"

"Zyril, Zyril. Puro na lang Zyril!" Itinuro niya ako gamit ang kanyang daliri habang ang isa niyang kamay panay ang gesture. "Eh si Marvin ba, hindi mo hahanapin?"

I rolled my eyes heavenward, "Eh kung sinasagot mo na ang tanong ko, hindi ka na sana napa-drama pa ng lagay mong 'yan. Pero seryosong tanong nga Coleen, nasaan ba talaga 'yung lalaking 'yun?"

Tinalikuran naman niya ako. Aba at ang lakas ng ganang talikuran ako! "Malay ko ba." Mahina niyang sabi.

Okay, I give up. Hindi rin alam ni Coleen. Its been days since the last time I saw him, and that last time eh 'yung dinala niya ako sa studio. Two weeks before my birthday and so far, siya pa lang talaga ang nakakaisip na malapit na ang birthday ko. This is the first time na mag-advance siyang bumati sa'kin. Dati naman, tuwing madaling araw niya akong binabati. Iba tuloy ngayon ang nararamdaman ko, kakaiba talaga---parang may hindi tama eh, nafefeel ko.

"Miss Burgo, team A! Miss Tena, team B!" Sigaw ng P.E teacher namin sa kabilang side ng gym. Tumayo na agad kami ni Coleen para lumapit sa kanya-kanya naming ka-double at para na rin simulan ang match.

-------

"Hanggang ngayon hindi pa din talaga kita matalo kahit saang laro." Sabi ko kay Coleen habang nagpupunas kami ng pawis dito sa locker room.

Ngumiti lang siya at kinindatan ako. "Ang lampa mo kasi, paano mo ako matatalo?" I pouted. Ang direkta naman niyang magsalita, lampa? Ouch, lampa ba talaga ako?

Makalipas ang ilang minuto, napagdesisyunan na din namin na umalis. Vacant namin sa next at last subject dahil may sakit si prof.

"Daan muna tayo sa music room. Tingnan natin kung nandoon sina Marvin." Mukha namang lumiwanag ang itsura ni Coleen ng marinig niya na binanggit ko ang pangalan ni Marvin. Seriously, mukhang ang babaeng ito ay approve na approve kay Marvin para sa'kin. Pero... pero hindi ko alam kung bakit parang deep inside nabobother ako. Ewan ba sa sarili ko! Nakakalito!

Sa paglalakad namin, nakasalubong namin si Hanna. "Oh here comes the fake queen. Hello there."

I was about to greet her back kahit hindi nakakatuwa ang itinawag niya sa'kin pero agad akong hinila ni Coleen palayo kay Hanna. Inilapit ni Coleen ang bibig niya sa tenga ko upang bumulong, "Don't mind her. Epal lang 'yan. Tara na Matlen."

"Tss, I heard you bitch." Pasinghal na sabi ni Hanna. Hindi ko na lang siya inintindi pa at nagpadala na ako sa paghila ni Coleen. I nearly flinched when Hanna grabbed my free arm and forced me to face her. I wonder what's her problem? Problem with...me?

Then, I Bid Goodbye (On-Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon