TIBG: Twelve

250 35 14
                                    

Then, I Bid Goodbye HiImFebby
TIBG: Twelve

Breathe in, breathe out. Matlen, this it.

Stay focused and relaxed.

Nagsimula na ang finals namin at syempre todo aral din muna ang ginawa ko. Masyadong importante ang grades ko para pabayaan pa. Ayoko rin naman na madisappoint sa'kin si daddy eh.

"Omg. I'm gonna die, I'm gonna die." Napatunghay ako at nakita ko si Coleen na ipinapaypay ang kamay niya sa mukha niya. Masyado naman siyang tensed. Hindi ba niya alam ang technique kapag nag-eexam? Oh, tingin kayo sa taas.

I rolled my eyes heavenward and faced the test paper in front of me. This is it Matlen. GO!

After one and a half hour, ipinasa na namin ang test paper at nagsimula namang mag-take na ng exam sa computer. Leshe ang hirap nagfefeeling major dinaig pa ang accounting. Bwiset! ( ̄0 ̄)

Lumingon ako sa mga kaklase kong masyado atang tutok sa kani-kanilang papel. Ang iba nakatingin na lang sa kisame na parang doon makakakita ng sagot. Uy, aminin... RELATE KAYO 'NOH?

Yung iba naman, may nakalagay na ballpen sa nguso habang panay ang pag-tap nila sa sintido nila. Hell week na kung hell week, talagang tortured ang utak namin sa tuwing dadating ang araw ng mga exams namin. Hay, buhay estudyante talaga.

"Pare, saan mo nabili yung G-tech mo na 0.20?" The hell, may point 0.20 ba ang G-tech?

"Ah, pare dun kina Mang Carlos." And he emphasized the 'C' sa pagbanggit niya... and then it hit me! They're cheating! Oh jeez, mga kumakapit na sa patalim itong mga 'to. Hindi ko naman sila masisi kasi ang hirap talaga nitong bwiset na computer eh.

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagsasagot ng test paper ko hanggang natapos ang oras at pina-submit na sa'min ng prof. Wala na kaming klase pagkatapos nito kaya makakapagpahinga ako kahit sandali.

"Matty! Ang hirap! Nawindang ang braincells ko!" Sabi nitong si Coleen ng bigla naman siyang kumapit sa braso ko at iwinagayway pa ito. Hindi ito flag ate, hindi flag ang braso ko excuse me!

Hinarap ko siya at ipinatong ang kanang kamay ko sa balikat niya tapos ti-nap ito. "Naiintindihan kita Coleen." Unti-unti namang kumunot ang mukha niya na parang kahit si Picasso hindi siya maiipinta. Kawawa naman ang kaibigan ko, hirap na hirap. (0^◇^0)/

She pouted, ang cute talaga niya!

Hinatak naman niya ako bigla hanggang namalayan ko na lang na tumatakbo kami sa hallway at panay ang tingin sa'min ng mga kapwa estudyante.

"O-oy, san mo ako dadalhin Coleeeeeeeeeeen." Then she pulled me harder. Wengye mapapasubsob ako nito ng wala sa oras. (-_-)

"Tara sa bahay niyo, kakausapin ko si Tito." Namilog naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Huway?

Natanaw ko naman si Brian which is boyfriend na pala nitong si Coleen. I bit my lower lip to stop myself from laughing.

Eh sino ba naman ang hindi matatawa eh halos humahangos na kami ni Coleen sa pagtakbo dito sa hallway tapos sasalubungin niya kami ng naka-open arms siya na parang gustong magpa-power hug.

"PRINCEEEEEEEESSSSS!" Tawag nito kay Coleen. Napangisi na lang itong babae na humihila sa braso ko matapos umiling.

Patuloy ang pagtakbo ni Brian sa direksyon namin. Ay jusko, magkakabanggaan pa ata kami rito.

Pero napahagikhik na lang ako ng lihim ng biglang ilagay ni Coleen ang kaliwang kamay niya paunahan at saktong sa mukha ni Brian ang lagapak. Medyo masakit yun pre. Hahahaha!

Then, I Bid Goodbye (On-Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon