Then, I Bid Goodbye ⓒHiImFebby
TIBG: SIXKinuha halos lahat ni Coleen ang mga suits na nasa store kung saan nandun kami at saka idinistribute isa-isa sa mga members ng Phantoms.
"Try that. Ako ang magjujudge kung bagay sa inyo", sabi ni niya saka unang itinulak si Denver papunta sa fitting room.
"Can we trust you about this?" Tanong ni Zaphier.
Lumapit si Keita kung nasaan si Zaphier saka ito nagthumbs-up with matching na paglaki ng mata. Sign of approval.
Mukha namang nakumbinsi si Zaphier saka din ang ibang members kaya napagdesisyunan nilang lahat na pagkatiwalaan na si Coleen. May apat na fitting room sa boutique at nauna nang magsukat sina Hyacinth, Denver, Zaphier at Eldian. Naiwan naman sina Kyle, Keita at Jayson kaya naman kasama namin silang nakaupo ngayon.
"I see sparksfly flying", Pakantang sabi ni Jayson. Ito na naman ang mapang-asar niyang side.
Naramdaman ko ang pagtensyon ng katawan ni Coleen sa tabi ko. Lumingon ako sa direksyon ni Keita at nakatingin lamang ito sa pintuan ng fitting room kung saan pumasok si Hyacinth.
"Tumahimik ka nga kahit sandali Jayson. Buong araw na akong naririndi sa boses mo." Saway ni Kyle at ayun sumimangot lamang si Jayson sa kanya. Tumigil naman, hay salamat.
Pagkatapos ng ilang minuto, isa-isa ng nagsilabasan ang ibang members ng Phantoms na nakasuot ng suit.
Halos mapanganga ako sa view. Mukha silang ano... jusko ang hirap i-describe. Basta nakakaspeechless ang visual nilang lahat. Medyo nasira nga lang ang moment of appreciation ko nang nagmoonwalk si Zaphier sa direksyon ko saka ako inakbayan.
Nang makita ni Kyle ang kamay ni Zaphier sa balikat ko, agad niya iyong hinampas. "Hoy bro. Tigilan mo si Matlen, patay ka kay Zyril", aniya ni Kyle at agad na isinurrender ni Zaphier ang kanyang kamay.
"Umaakbay lang eh", naka-pout na sabi ni Zaphier at pumunta na din sa tabi ng kapatid niyang si Eldian.
"What do you think?" Tanong ni Denver.
"Turn around." Utos ni Coleen at sinunod naman 'yon 'nung apat.
"So?"- Eldian
"Looks great on you. But I like to see the other outfits too. Sukat niyo 'yung iba kong binigay. Let's compare later", wika ni Coleen at pumasok na ulit 'yung apat sa fitting room.
"So sinong date mo sa Masquerade Ball, Matlen?" Biglang tanong ni Keita kaya naman napalingon ako sa kanya.
"Wala", at 'yun lamang ang sagot ko. Totoo naman kasi, wala akong date sa araw na 'yun.
"Eh si Zyril?" Tanong niya ulit. Yes, they're used to seeing me with Zyril every Masquerade Ball pero.
"May girlfriend na kasi 'yung tao", si Coleen na ang sumagot gamit ang monotone niyang boses. Hindi man lang niya nilingon si Keita at nakafocus pa din sa paglabas 'nung apat mula sa fitting room.
'Oo nga pala ', Keita mouthed saka pinalo ng bahagya ang ulo niya. Nagmake-face tuloy sa kanya si Jayson.
Kumpara kanina, mas mabilis na nakapagpalit ng damit ang apat. Gaya ng kanina nilang ginawa, umikot ulit sila katulad ng utos sa kanila ni Coleen.
BINABASA MO ANG
Then, I Bid Goodbye (On-Edit)
RomanceGive her your 'Goodbye' and her lovestory will start.