TIBG: Five

332 92 48
                                    

Then, I Bid Goodbye ⓒHiImFebby
TIBG: FIVE


Matlen POV


Pumasok na ako sa klase ko at nakinig na lang sa mga lectures.


Nakakailang sulat pa lang sa whiteboard ang professor nang biglang lumapit si Coleen sa'kin at bumulong.



"Matlen, mall tayo? Mamayang hapon? Game ka?" Sunod-sunong niyang tanong pero hinihinaan niya lang ng boses. Baka kasi marinig noong prof namin, terror pa naman.



"Mall? Anong gagawin natin 'dun?" Matamlay kong sagot. Gusto ko sanang sumigaw ng pagkalakas-lakas dahil sa biglaan niyang pagkurot sa tagiliran ko pero syempre hindi ko pwedeng gawin 'yun.



Binato ko siya ng naaasar na tingin. Gosh. Ngunit tingnan mo 'to, siya pa ang may gana na mang-irap sa'kin. Seriously?



"Hindi mo ba nakita sa bulletin board?" Saad niya. Agad na kumunot ang noo ko. Ha? Ano naman ang titingnan ko dun?


Normally kasi, hindi naman ako interesado sa mga happenings dito sa loob ng university. Based on me, alagad ako ng library.



"Hindi naman kasi ako dumadaan sa may room ng Journalism Department eh. Anong meron?"



"Umm excuji me manang. Yung annual masquerade ball po. Alam mo po ba 'yun? Natatandaan mo po ba 'yun? Wag mong sabihin na hindi mo 'yun alam dahil nako, ipapatapon talaga kita sa Jupiter." Sabi niya habang palo-palo pa ng lapis niya ang braso ko.



"Teka, kelan ba yun?" Tanong ko sa kanya. Pinigilan ko ang pagpalo niya ulit sa braso ko, tumigil naman siya. Thankfully.



That ball.



Yes! Oo nga pala yung annual masquerade ball na 'yun. How dare I to forget that?!



To be honest, 'yun na nga lang ang ball na nagustuhan ko sa buong life existence ko. Exciting naman kasi eh. Yung tipong nakamaskara lahat ng estudyante, hindi aware kung sino ang makakasalamuha nila sa gabing 'yon (syempre except na lang kung magkakakilala talaga kayo). Free from discrimination, free from people's toxic comments, sayawan at syempre kasama ko sa gabing 'yon si Zyril.



Napangiti ako bigla na parang gago pero nawala rin 'yun agad.



"Ay teka, may girlfriend na nga pala siya ngayon", mahinang imik ko. Bigla akong nakaramdam ng panlulumo, ayaw ko na tuloy umattend ngayong taon. Kainis naman kasi eh.



"Next Wednesday na kasi 'yon."



Tumingin ako sa kanya ng may pagtataka, "Oh? Ang tagal pa naman pala 'nun Coleen eh. Sa susunod na lang tayo mag-mall." Sabi ko sa kanya habang nakapangalumbaba.



"Ha?! No way! Baka kasi mabili na yung nakita kong dress eh!" Gulat ang iba naming katabi sa biglaang pagtaas ng boses niya. Buti na lang busy pa din sa pagsusulat ng kanyang lecture ang professor namin.



Napansin naman niya na nasa kanya na ang atensyon ng halos kalahati ng klase kaya ayun bigla siyang humalukipkip sa tabi ko. "Sumama kana lang kasi Matlen. Busy kasi si Brian kaya wala ako kahit isang pwedeng makasama. Ikaw lang din naman ang kaclose ko." Aniya.



"Please?" Nagpacute pa siya. Gusto ko sanang tumanggi pero hindi talaga kaya ng willpower ko kapag ginagawa na niya 'yan.



Ugh, no choice.



Then, I Bid Goodbye (On-Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon