TIBG: Four

403 93 60
                                    

Then, I Bid Goodbye ⓒHiImFebby
TIBG: Four


Safe naman akong nakarating sa bahay namin.




Kung kanina lang, panay ang pag-iyak ko, ngayon eh medyo okay na. Nasa tapat ng gate namin si Daddy. Halata sa mukha niya ang pag-aalala dahil naka-kunot na naman ang noo niya. Kahit madilim na, kita ko pa rin 'yun.




"Oh, Matlen!" Tawag niya nang matanaw ako sa salamin ng kotse ni Marvin.




Huminto ang kotse ni Marvin sa tapat ng gate namin.




Agad na sumugod papunta sa pintuan ng kotse ni Marvin si daddy. Medyo gulat at may pagkahalong suspicion pa sa mga tingin niya ng lumabas ako sa kotse ni Marvin at hindi sa kotse ni Zyril.




"Daddy", niyakap ko agad siya. Para hindi niya pa mapansin na medyo namamaga ang mata ko. Sobra daw siyang nag-alala sa akin dahil inabot na ako ng ganitong oras sa labas.




Napangiti ako.




Halos eighteen years old na ako pero twelve years old pa din ang turing niya sa unica hija niya.




Napansin naman niya si Marvin na lumabas ng kotse. Tinaasan niya ito ng kilay tapos tumingin ng masama sa'kin. I should prepare a novel later for an explaination on how did I met this guy.




Aside kasi from Zyril, si Kino na study buddy ko sa tutor school ang isa pa na lalake kong kaibigan ang tanging kilala niya.




Tahimik lang na nakatayo si Marvin sa tabi ko.




"Dad, si Marvin nga pala. NFF ko." Tumingin ulit sa akin si daddy saka tumango. Okay, na-gets niya 'yun. New-found friend.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Lumapit siya kay Marvin at parang iniinspeksyon niya ito mula ulo hanggang paa. Nakakahiya tuloy 'dun sa tao. Baka kamo nawiwierduhan niya siya dito sa tatay ko. Tiningnan ko naman si Marvin at saktong nagtama ang paningin namin. Nginitian ako .





Kaya ayan na naman tuloy si daddy, pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa na para ba na may nasesense siyang something na dapat niyang malaman o dapat naming sabihin.




"Okay dad, tama na 'yan. Kaibigan ko si Marvin, wag kang malisyoso haha" Nag-pout naman siya.




"Weh?" Tukso niya, pero tinawanan ko lang siya.




"Oo nga kasi dad. Saka tama na. Baka mawierduhan na sayo ng tuluyan si Marvin", biro ko kay dad at finally lumayo na siya mula sa 5-inch distance niya kay Marvin saka bumuntong-hininga.




Then, I Bid Goodbye (On-Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon