TIBG: Fifteen

278 19 10
                                    

Then, I Bid GoodbyeHiImFebby
TIBG: Fifteen


We stayed here in Baguio for four days already since we arrived here and nothing much happened, just the usual stroll with them. Masyado silang sabik sa bakasyon kaya naman halos inaraw-araw na nila ang pag-gagala dito sa buong lugar. Halos nga yata ng mga pasyalan, nalibot na namin. Nahihiya na rin kami kay Coleen kasi lagi na lang siya ang gumagastos para sa'min samantalang meron naman kaming pocket money but she really insisted. We just all agreed to spend it sa mga souvenirs na dadalhin namin pauwi.

"Let's buy strawberries for Tito Alfred!" Sigaw ni Coleen ng biglaan na lang siyang sumulpot sa tabi ko habang kumakain ako ng oatmeal, buti na lang natakpan ko agad ang tenga ko. Bawat araw ganyan lagi ang aura niya tuwing umaga, nagsisilbi din siyang walking alarm clock para sa'ming lahat. Taray! Instant coffee ang dating. ( ̄﹏ ̄)

Ipinihit ko ang katawan ko paharap sa kanya at saka ako nagsalita. "Wag muna ngayon Coleen, sa last day na tayo bumili nun. Maganda kasi pag fresh yung mga bibilhin natin, kapag ngayon tayo bumili baka masira lang 'yun." She nodded as if she agreed on what I was trying to tell her tapos biglang sumingkit ang mata niya, yung parang tingin na nang-uusisa.

"Hindi 'yun masisira." Lumingon naman siya patalikod sa direksyon nina Aeron, Kenneth at Bj na kasalukuyang tumitingin ng pagkain sa ref. "Ilang minuto lang palagay ko ang itatagal ng mga strawberries na 'yun dun sa tatlong 'yon." Lumapit pa siya sa'kin para bumulong. "Halimaw 'yang mga 'yan eh!"

Bigla akong napa-bulalas ng tawa sa sinabi niya. Muntik ko pa ngang maibuga sa kanya yung kinakain kong oatmeal pero buti na lang at napigilan ko. Phew!

Pinagpatuloy ko na din ang pagkain ko at sumabay na rin sa'kin si Coleen. Ilang sandali naman, nakarinig ako ng ilang ingay na nagmumula sa hagdan kaya napalingon ako sa pintuan ng kusina.

"Hi, good morning guys." Then, it was Marvin still in his pajama. He's so...CUTE! SUPER CUTE! I even caught myself blushing for an instant buti na lang wala ni-isa ang nakatingin sa akin sa mga oras na 'yun dahil nabaling lahat ang attensyon nila sa bagong gising na si Marvin.

He tapped his hair again and again to fix his bed hair tapos biglang napako ang lahat ng attensyon ko sa kanya. Ang gwapo niya talaga kahit bagong gising! Grabe, hindi ko maalis-alis ang tingin ko sa kanya, nagising lang ako ng tapikin ng mahina no Coleen ang pisngi ko. "Oy, Matlen. Okay ka lang ba?" She said in a worried tone.

"Don't worry Coleen, ayos lang ako." I smiled and she sighed in relief.

Lumapit naman sa'kin si Marvin at naupo na din sa isang stool doon kalapit ko, si Coleen ang nasa left side ko samantalang siya naman ang nasa right. He took a bowl tapos kumuha na siya ng cereal at gatas tapos isang apple. I glanced at him a couple of times while we are eating at lagi naman niya akong nahuhuli. Sa mga pagkakataon namang nahuhuli niya ako, wala siyang ibang ginawa kundi ngitian ako kaya pakiramdam ko tuloy, unti-unti na akong namumula sa kinauupuan ko.

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko na nakapatong sa table. Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko sa ginawa niya. "Relax okay? Breathe." And he smiled again. Nahiya naman ako sa kanya kaya ngumiti na din ako pabalik.

I wonder kung narinig niya yung mga sinabi ko the other day. Naah, paano naman niya 'yun maririnig eh di ba tulog siya? But there is a chance na narinig  nga niya! Paano di ba kung nagkunwari lang siyang tulog? Ang daming possibilities, narinig man niya iyon o hindi but this time, I really want to take risk. Just this time and I hope hindi ko naman ito pagsisihan sa huli.

I believe that I'm really starting to get over with my feelings for Zyril. Natutuwa naman ako dahil nababawasan na ang pagiging affected ko tungkol sa kanila ng bruhang Hanna niya but this time, yung feeling na nagiging awkward na din ang mga bagay-bagay sa tuwing kasama ko si Marvin mula ng narealize ko ang feelings ko para sa kanya.

Then, I Bid Goodbye (On-Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon