TIBG: Eleven

278 38 13
                                    

Then, I Bid GoodbyeHiImFebby
TIBG: Eleven

"Matty! Oy Matlen!"

"Wag mo akong istorbohin. Nag-aaral ako, please lang."

"Nag-aaral din naman ako ah? Naman Matty, konting help lang naman oh, nagmamakaawa ako!" Nakakunot-noo kong nilingon si Coleen na kanina pa talak ng talak dito sa tabi ko. Hindi man lang ba siya aware na nasa library kami? Pasalamat nga siya hindi siya nasisita ng masungit naming librarian dito.

"Ang kulit mo rin Coleen 'no? Bakit ba?" Sabi ko sa kanya. Tumayo naman siya at may hinugot na ilang libro mula sa shelf at biglaang ibinagsak sa harapan ko. Kumuha naman siya ng isang libro ng accounting mula sa tambak na 'yun at nagbuklat-buklat ng ilang sandali. Napatigil naman siya sa isang page tapos itinuro iyon.

"Here, I badly need your Eisteinic mind here Matty PLEASE!" Desperada na talaga siya. Nakapikit pa siya na nakapraying hands sa harap ko. Oh well, mukhang kailangang-kailangan na ako ng kaibigan kong 'to. Three days na lang kasi at finals na namin. Sembreak na rin naman pagkatapos pero sadyang kailangan muna naming pagdaanan ang Hell Week bago magpaka-Hayahay.

"Yung ganito dapat ganyan tapos dapat i-ganito mo tapos---ay pwet ng kabayo!" Nagulat ako ng may pumalo ng libro sa likuran ko. Lakas naman ng trip ng taong 'to at likod ko pa ang napagdiskitahan. ̄︿ ̄

Tumayo na ako at akmang sisigawan ko na sana siya pero hindi ko na naituloy. Pagtunghay ko kasi, SIYA ang nakita ko tapos sobrang ngiti pa niya na kulang na lang umabot hanggang likod ng ulo niya yung pag-stretch ng mga labi niya. Creepy, kamukha na niya tuloy si Joker... pero malaki naman ang agwat, ang gwapo kasi masyado ng lalaki sa harapan ko.

"Hi best! Ang daya niyo naman. Bakit si Coleen lang ang tinuturuan mo? Tampo na ako sa'yo." Nag-pout pa ang loko. Nanigas naman yata ako sa kinatatayuan ko at naramdaman ko na lang ang kamay ni Zyril na dumadampi sa noo ko.

"Best, may sakit ka ba? Ang init kasi ng noo mo. Samahan kaya kita sa clinic?" Nawala ang pag-pout niya at nawala ang kwelang expresyon niya at napalitan iyon ng pag-aalala. Naramdaman ko naman ang biglang pagpisil ni Coleen sa kamay ko kaya naman natauhan ako.

Umiling ako sa tanong ni Zy at umupo na din ako. Humila naman siya ng isang upuan at tumabi sa amin ni Coleen.

"Sure ka ba best? Wala ka ba talagang sakit?" Pag-uulit pa niya. Tumango naman ako at mukhang napanatag naman siya sa tugon ko.

Hindi ko kasi maiwasan na hindi mabigla. Sadyang iniiwasan ko pa si Zy ngayon. Sariwa pa kasi sa isip ko ang nangyari nung minsan... yung uhm... ah basta! Yun na yun pero mukhang hindi rin natagalan ang pag-iwas kong 'yon dahil this time, na-corner na niya ako. *face palm*

"Psst, best! Turuan mo rin ako please? Study buddies naman tayo di ba? Di ba?" Nanlaki naman parehas ang mata namin ni Coleen ng bigla na lang mang-yakap sa'kin itong si Zyril. Juskopow! Juskopow!

"Ah--eh, hoy Zyril! Bitawan mo nga si Matty! PDA much na kayo!" Thank you talaga Coleen, thank you! Natameme na kasi ako sa pinaggagagawa ni Zyril. Para na akong tuod sa pagkakaupo ko. Ni-daliri ko yata hindi ko man lang maigalaw.

Sira talaga itong isang ito. Isinusubsob ko na nga muna ang sarili ko sa pag-aaral para lang makalimutan ko siya kahit sandali man lang pero... ihhh. Sira talaga itong bestfriend ko, parang linta kung makakapit. Konti na lang talaga at magmumukha na akong kamatis!

Kumalas naman si Zyril ilang sandali sa pagkakayakap sa akin. Phew! Buti na lang, nasusuffocate na talaga ako. Hindi ko na take ang pressure. Inhale, exhale muna Matlen Antoinette.

"Eh? Bestfriend ko naman siya eh? Di ba best? Walang malisya, friends-friends kaya kami nito!" Sabay akbay naman sa akin. Napasapo na lang ako sa noo. Matapos naman ang ilang araw na pag-iwas ko, ito naman siya grabe kung maka-attach sa akin. Balewala na tuloy yung effort ko. Tsk.

Then, I Bid Goodbye (On-Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon