Then, I Bid Goodbye ⓒHiImFebby TIBG: Twenty - Four
Third Person POV
Sa opisina ng doktor, kinakabahang umupo si Mr. Burgo kasama ang doktor na tumingin sa anak niya.
"Doc , is there something wrong with my daughter?" He asked, with a worried look on his face.
"She fainted because of stress and fatigue." Aniya ng doktor. Bumuntong-hininga na lamang si Mr. Burgo dahil akala niya may kung ano na talagang nangyari sa anak niya.
"But," muling umimik ang doktor kaya kinabahan ulit siya. "We found something unusual."
"Some of her immune system cells seems to attack the peripheral nervous system which is not normal." Paliwanag nito kaya naman kumunot ulit ang noo niya sinabing iyon ng taong kaharap niya.
"Doc, can you speak in my language so that I can understand you? Ligtas ba ang anak ko o hindi?" Dahil sa tanong niyang 'yon, bigla tuloy siyang kinabahan. Natatakot siya dahil baka hindi ang gusto niyang makuha na sagot ang kanyang marinig.
"For now, kailangan namin siyang i-monitor ng mas mabuti. Pwede na naman siyang umuwi kapag gumising na siya pero you need to do consultations for her after that."
Tumango na lamang si Mr. Burgo sa sinabing 'yon ng doktor. Isinulat na ng doktor ang ilang mga gamot na resetang kakailanganin ni Matlen pansamantala. Hindi man niya alam kung ano talagang nangyayari dito pero ngayon pa lang, kinakabahan na siya.
Pagkatapos ng usapang iyon, sabay na silang lumabas ng opisina. Bumalik siya sa harap ng emergency room at nakita ang kaibigan ng anak na si Coleen.
"Tito, ano po ang sabi ng doktor?" Bungad nito. Lumingon naman siya para hanapin ang dalawang binata ngunit hindi niya ito nakita.
"I'm not really sure hija. He just told me that Matlen needs consultations after she wakes up. Kinakabahan ako kung bakit pa niya kailangan ng mga 'yon. Alam ko namang malusog na bata ang anak ko eh."
Tumango na lang bilang pagsang-ayon si Coleen.
"Teka, nasaan pala 'yung dalawa?" Tukoy nito sa nawawalang sina Zyril at Marvin.
"Ah, lumabas lang po sila Tito Alfred. Nagpapahangin po siguro. Alam niyo na, 'di sila mapakali kanina pa eh. Alalang-alala po kay Matlen." Aniya ng dalaga. Hindi naman maiwasan na may ngiting tumakas sa labi ni Ginoong Burgo.
Mabuti na lang din talaga at may mababait na kaibigang nakilala ang kanyang anak.
Sa kabilang banda, natanaw ni Coleen si Marvin na may hawak na dalawang plastic bag. Unti-unti itong lumapit sa kanila.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.