TIBG: Sixteen

213 16 8
                                    

Then, I Bid Goodbye HiImFebby
TIBG: Sixteen

Coleen POV

We cancelled our trip immediately para isugod si Matlen sa ospital. Lahat kami ay nag-aalala kung anong nangyari sa kanya. She's doing fine for the past few days kaya naman lahat kami natakot ng bigla na lang siyang mawalan ng malay.


"Matlen! Matlen!" Tinapik-tapik ni Marvin ang pisngi ni Matlen habang nakakandong ito sa kanya sa passenger's seat but still he got no response from her. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko, I'm worried about my friend, I'm nervous. Seeing Matlen unconcious, parang nadrain ang dugong dumadaloy sa buong katawan ko. Cold sweat began to appear in my forehead and my hand began to tremble. Naramdaman ko naman ang kamay ni Brian sa kamay ko, doon lamang ako napanatag.


"Thank you Prince." Inihilig ni Brian ang ulo ko sabalikat niya.


"Relax Princess. Magiging okay din si Matlen." I gave him a weak smile and he planted a kiss on my forehead.  Seeing Matlen suffered a while ago, yung pagdaing niya sa nararamdaman niyang sakit ay parang biniyak ang puso ko. Isang kapatid na ang turing ko sa kanya kaya natakot ako ng husto. Sana lang talaga, maging okay siya.

Ng makarating kami ng ospital, agad na binuhat ni Marvin si Matlen papasok ng ospital. Nagsilapitan naman ang ilang nurse para asikasuhin kami.

"What happened to her?" May lumapit na isang doktor sa amin at tiningnan niya si Matlen.


"Doc,  nahimatay po siya pero bago siya tuluyang mawalan ng malay, she mentioned of something like a terrible headache and then she lost her conciousness after that." Brian let go of my hand and I faced the doctor infront of me. Nag-handsign naman siya sa isang nurse at agad na may dumating na stretcher. Inihiga ni Marvin si Matlen doon para dalhin sa emergency room.

We stayed outside-- Me, Brian, Aeron, Marvin, Bj, Kenneth, Hanna and Zyril. Matyaga kaming naghihintay para sa doktor at doon ko na lang naisipan na tawagan si Tito.

"Marvin, dala mo cellphone mo?" Tumango lang siya  at kinapa ang cellphone sa kanyang bulsa. Kinuha ko iyon mula sa kamay niya at nagsimulang i-dial ang Number ni Tito Alfred.

[ Hello Marvin! Napat---- ] Ngunit hindi ko na pinatapos si Tito at bigla na akong nagsalita.


"Tito, this is Coleen." Unti-unti ng nagbe-break ang tono ng boses ko. Pakiramdam ko kasi anytime, tutulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

[ Oh hija, napatawag ka? Kasama mo ba ang anak ko? Kamusta na siya? Yung strawberries ko! ]

"Tito, naisugod po namin sa ospital si Matlen. Andito po kami ngayon." Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at diniretso na si Tito Alfred. Wala ako ni-isang marinig na ingay mula sa kabilang linya at ilang sandali pa ay narinig ko ng isang tunog ng nabasag na baso.

[ Anong nangyari sa kanya? ] His voice is getting shaky. Para tuloy naramdaman ko na naman ulit ang tensyon na naranasan ko kanina ng makita ko si Matlen sa may pintuan namin.

"Iniintay pa po namin ang doktor Tito. Bigla na lang po sumakit ang ulo niya at nawalan ng malay."

[ Pupunta  agad ako diyan. Please let me know kung ano ang pinakabagong balita tungkol sa anak ko. ] Pinutol na ni Tito ang pag-uusap namin, namalayan ko na lang din na tumutulo ang mga luha ko. Brian rushed to my side and wiped the tears on my cheeks. Agad ko siyang niyakap at tyempo namang lumabas na rin ang doktor.

Then, I Bid Goodbye (On-Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon