"Meryenda na po kayo! Masarap, matamis at malutong po ang tinda kong turon. Bagong luto po kaya malalasap nyo ang sarap sa bawat kagat. Bili na po kayo!" Sigaw ni Cara habang naglalakad bitbit ang basket ng tinda niyang turon.
"Cara, dumaan ka muna rito! Bibili ako!" Sigaw ng kanyang suki, si Aling Yumi.
Nakangiting lumapit si Cara sa babae.
"Ilan po sa'yo, Aling Yumi?"
"Pagbilhan mo ako ng lima."
Binalot ni Cara sa dahon ng saging ang binili ni Aling Yumi at ibinigay sa matanda.
"Maraming salamat, Aling Yumi. Hanggang sa susunod ko pong pagtitinda." Masigla niyang sabi.
"Naku! Aabangan ko iyan! Lagi naman akong bumibili sa'yo. Ang sarap kasi ng luto mo. Ang sipag mo pa. Ilang taon ka na ba, Cara?"
"Twenty six na po, Aling Yumi."
"Na sa tamang edad ka na pala para mag-asawa. Wala ka bang napupusuan sa mga lalaki rito sa lugar natin?" Tanong ng matanda.
"Makikisig naman po ang mga lalaki rito. Kaya lang, wala pa po sa isip ko ang mag-asawa. Mahirap po ang buhay at gusto ko munang umasenso bago mag-asawa. Para maging maayos po ang buhay ng aking pamilya."
"Paano ka naman aasenso kung pagtitinda lamang ng meryenda ang hanapbuhay mo? Kung mag-aasawa ka, may katuwang ka na sa buhay. Baka may pag-asa ka pang umasenso."
"Saka ko na lamang po iisipin ang tungkol sa pag-aasawa. Masaya naman po ako sa buhay na nag-iisa. Aalis na po ako, Aling Yumi. Medyo marami pa kasi ang tinda ko. Ipapaubos ko po muna." Paalam ni Cara sa babae.
"Sige, mag-iingat ka. Basta kapag nagtinda ka ulit, dumaan ka lang dito ah." Tugon ni Aling Yumi.
"Makakaasa ka po, Aling Yumi. Hindi po kita lalampasan. Paborito kasi kitang suki." Biro ni Cara sa matanda. Tumawa naman ang matanda sa kanya.
Huminga ng malalim si Cara ng makalayo sa bahay nito. Palaging iyon ang sinasabi ni Aling Yumi sa tuwing bibili ito sa kanya. Kung hindi niya ito suki, baka umiral na naman ang katarayan niya. Masyado kasi itong nakikialam sa diskarte niya sa buhay. Palagi pa siyang pinipilit na mag-asawa. Isa lang naman ang gusto niya sa bayan ng Del Hatur. Kaya lang, imposible siyang pansinin ng taong nagugustuhan niya.
"Cara!"
Narinig ni Cara ang boses ni Gem. Tumingin siya sa kaibigan. Tumatakbo ito palapit sa kanya.
"May damit ka na bang isusuot sa darating na sayawang bayan?" Tanong ni Gem ng makalapit sa kanya.
"Hindi ako sasali sa sayawang bayan, Gem. Wala kasi akong isusuot. Luma na ang mga bestida ko. Wala naman akong pera pambili ng bagong damit." Malungkot na sagot ni Cara.
Isang tradisyon sa bayan ng Del Hatur ang sayawan sa bayan tuwing fiesta. Nagaganap iyon tuwing bisperas ng bagong taon. Limang araw na lang bago sumapit ang pista kaya excited ang lahat ng kababaihan sa kanilang lugar.
"Sayang naman. Balita ko lalahok sa kasiyahan si Arlo. Yung crush mo na anak ni Mayor."
"Pagmamasdan ko na lang si Arlo mula sa malayo. Masaya na ako kapag nakikita siya. Isa pa, alam ko naman na hindi ako isasayaw ni Arlo. Ang dami kayang magagandang babae sa bayan natin." Malungkot niyang sabi.
"Ano ka ba? Maganda ka rin naman ah. Wala ka lang believe sa sarili mo. Konting ayos lang sa'yo, hindi na kita makikilala."
"Huwag mo akong bolahin, Gem. Baka maniwala ako." Nakangiti niyang biro sa kaibigan.
"Totoo ang sinasabi ko. Magkaroon ka kasi ng tiwala sa taglay mong ganda."
"Hindi ako nagtitiwala sa itsura ko. Sa diskarte sa buhay ako nagtitiwala. Mas mahalaga iyon para mabuhay na may laman ang sikmura ko."
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES
RandomRead full Story every chapter. 1.) Pestering her Boss 2.) In Love with your Photograph 3.) My First Love Gift 4.) Billionaire's Substitute Bride 5.) CEO's Lady Bodyguard 6.) My Annoying Assistant 7.) My Gay Housemate 8.) The Runaway Bride meets Badb...