11.) Agent Bullet

236 11 5
                                    

"Yow, Greg! Kamusta?" Bati ni Riley sa kaibigan ng pumasok siya sa isang Flower shop.

"Riley dear! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na Greta ang pangalan ko at hindi Greg? Nakakaimbyerna ka ah! Paulit-ulit na lang." Nakangusong nitong sagot.

"Dumating na ba sila, Greg?" Muli niyang tanong.

"Greta ang pangalan ko!" Nanggigil nitong sabi pero tumawa lang si Riley.

"Oo na, Greta." Pagdidiin niya sa pangalan nito. "Andiyan na ba sila?" Muli niyang tanong.

Umirap ito sa kanya bago sumagot. "Kumpleto na sila at kanina pa silang naghihintay sa'yo. Pumasok ka na sa loob. Naiirita ako sa suot mo." Taboy nito sa kanya.

Tumingin naman si Riley sa suot niya. "Wala namang mali sa suot ko ah!"

"Duh! Loose shirt na pinatungan mo pa ng polo shirt? Rip baggy jeans and rubber shoes? Then, rapper cap? Hindi ka ba kinikilabutan sa suot mo? Para kang lalaki." Reklamo nito sa kanyang pananamit.

"Bakit ikaw hindi kinikilabutan sa maikli mong dress? E, ang laki naman ng braso at binti mo." Pang-aasar ni Riley kay Greta.

"Hello? I'm a girl! Normal sa akin na magsuot ng ganitong damit kasi babae ako. Ikaw lang yata ang abnormal. Babae ka naman pero nagsusuot ka ng panlalaking damit. Nakakairita!"

"Komportable ako sa suot ko at iyon ang mahalaga." Katwiran ni Riley.

"Oo na! Pumasok ka na nga!"

Ngumisi ng mapang-asar si Riley at dahan-dahang lumapit kay Greta.

"B-bakit ganyan ka tumingin?" Kinakabahan nitong tanong.

"Greta,"

"A-ano?" Napalunok ito habang nakatingin sa kanya.

"Kulang ka sa shaves." Malakas na tumawa si Riley ng makitang nalukot ang mukha nito sa inis.

"Nakaka-imbyerna ka! Pumasok ka na nga!" Tinulak siya nito sa backdoor bago malakas na saraduhan ang pinto.

Tumatawang binaybay ni Riley ang makipot na daan para makarating sa kanilang hideout. Sa tulong ng malamlam na ilaw, agad niyang nakita ang mga kasama.

"Kamusta?" Bati niya sa isang babae at dalawang lalaki na naghihintay sa kanya. "Bakit ang sama ng tingin nyo? Hindi naman ako late ah! Nauna lang kayo dumating." Mabilis niyang katwiran sa mga ito pero ang totoo, late talaga siya.

"Bakit hindi ka sumipot sa pagpupulong kagabi?" Seryosong tanong ni Sixto, ang kanilang lider sa Zebra team.

Ang Zebra Team ang pinakahuli sa lahat ng grupo sa Putra Gis Organization. Isang underground organization na sangkot sa iba't-ibang legal at illegal na gawain kalakip ng malaking pera. Sila rin ang pinakamaliit na grupo na may apat lang na miyembro. Nangunguna sa lahat ang grupo ng Alpha, sinundan iyom ng Beta, Charlie, Delta at iba pa.

"Pasensya na, Boss. Napasarap ang tulog ko e," nakangiting sagot ni Riley.

"Bago ka pa lang sa grupo pero kung umasta ka parang ang tagal mo na." Sambit ni Jackie. Ang babaeng palagi na lang highblood kapag na sa paligid siya. "Hindi porke nakapasa ka sa pagsubok ng organisasyon, magagawa mo na ang gusto mo. Alalahanin mong isang grupo tayo rito. Kapag may ginawa kang kalokohan, damay rin kami." Dugtong nito.

"Naku! Paano 'yan? Hindi ko kasi alam kung may ginagawa akong kalokohan habang natutulog. Counted ba 'yon?" Inosenteng tanong ni Riley pero ang totoo, inaasar lang niya si Jackie. Tulad ng gusto niyang mangyari, matalim itong tumingin sa kanya. Kung nakamamatay ang tingin, kanina pa siyang bumulagta sa sahig.

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon