9.) Captured By Hot Mafia Boss

308 15 4
                                    

"Ito ang panibago mong assignment, Agent Magnificent." Iniabot ni Chief Lorgan ang isang red envelope kay Astley Kate Baniez na mas kilala bilang Agent Magnificent.

Isa siyang secret agent na nagtatrabaho kay Chief Lorgan. Mabibigat na trabaho ang binibigay nito sa kanya na may kinalaman sa underground society. Walang kahirap-hirap naman niya iyong natatapos sapagkat sanay na siya sa mga ganoong uri ng trabaho.

Kinuha ni Astley ang envelope.

"Lucas Estrella?" Kunot-noo niyang basa sa nag-iisang impormasyon sa loob ng envelope kasama ang isang larawan. "Ito lang ba ang kanyang impormasyon?"

Ngumiti si Chief Lorgan sa kanya. Isang ngiti na nagpapahiwatig na bahala na siya sa lahat ng kailangan gawin.

"Matinik ang isang 'yan kaya ikaw na ang bahalang dumiskarte. Hulihin mo sa akto o kaya humanap ka ng matibay na ebidensya na may kinalaman siya sa Underground society."

"Sige Chief, akong bahala." Kumpiyansa niyang sabi.

"Maiwan na kita. May appointment pa ako mamaya. Na sa account mo na ang pera,"

Tumango si Astley at hinayaang lumabas ang matanda sa kinaroroonan nilang restaurant. Dito sila nagkikita ng matanda kapag may panibago siyang trabaho.

Inubos muna ni Astley ang inorder ni Chief Lorgan bago umalis sa restaurant. Sayang kasi kung iiwanan niya. Libre pa naman iyon.

Bitbit ang isang tuhog ng babana cue na binili ni Astley sa nakasalubong na bata, sinimulan niya rin ang trabaho sa araw na iyon. Kinagat niya ang saging pero hinayaan niya iyon sa bibig at dinukot sa bulsa ang isang papel. Listahan iyon ng mga lugar na madalas puntahan ni Lucas Estrella. Nakuha niya iyon sa magaling at pinagkakatiwalaan niyang source. Plano niyang magmasid muna bago gawin ang susunod sa hakbang.

"Mukhang ito na iyon," sambit niya sabay kagat sa saging.

Tinatanaw ni Astley ang mataas na gate sa kanyang harapan ngunit bigla iyong bumukas. Mabilis siyang pumihit sa ibang direksyon at normal na naglakad na parang napadaan lang siya sa lugar.

"Hmm... ang sarap ng banana cue!" Sambit niya habang patuloy sa pagkain.

Inubos ni Astley ang isang tuhog ng banana cue pero hindi niya itinapon ang stick. Mahigpit niya iyong hinawakan ng maramdamang may sumusunod sa kanya. Inayos niya ang suot na sumbrero. Huminga siya ng malalim sabay takbo.

"Ang alerto naman ng mga ito," komento niya ng habulin siya ng limang lalaki.

Bahagya siyang lumingon sa likuran para tingnan ang kanyang distansya sa mga humahabol pero hindi niya inaasahan ang pagsulpot ng isang sasakyan sa kanto. Naramdaman ni Astley ang pagbangga ng katawan sa unahan niyon. Tumalsik siya kasabay ng pagdidilim ng kanyang paningin.

Naramdaman ni Astley ang marahang pag-alog sa kanya. Kahit nakapikit alam niyang paa ang ginagamit para gisingin siya.

"Alam kong gising ka. Huwag kang magpanggap na walang malay," narinig niyang sabi ng isang baritonong boses.

Hindi pa rin gumalaw si Astley. Ipinagpatuloy niya ang pagpapanggap na nahimatay dahil sa aksidente. Totoong nabangga siya ng sasakyan ngunit nagawa niyang bumagsak sa lupa ng hindi nasasaktan. Maraming pagsasanay ang kanyang pinagdaanan bago makarating sa ganitong trabaho kaya maliit na problema ang bagay na iyon. Kaya lang masakit pa rin ang kanyang balakang ng tumama iyon sa unahan ng kotse.

"Kapag hindi ka bumangon, tutuluyan kita." Nagbabantang sabi ng lalaki.

Hindi nadala sa banta nito si Astley at patuloy pa rin sa pagpapanggap. Nang maramdaman niya ang bakal sa kanyang ulo, mabilis siyang nagmulat ng mga mata.

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon