SIMULA
"Ano'ng sinabi mo, Orang? Isinali sa bidding ni Mr. Ong ang lupa niya?!"
Malakas na boses ng ina ni Claire ang nagpahinto sa paglalakad ng dalaga palabas ng bahay. Nagtungo siya sa kusina kung saan niya naririnig ang boses nito. Bahagya siyang sumilip sa nakaawang na pinto at nakita niya roon ang mga magulang niya.
"Oo, Cersie. Hindi na niya ipapa-renew ang kontrata natin. Sinabi iyon kanina ni Mr. Ong nang pumunta ako sa opisina niya para sana pumirma ng bagong kontrata," sagot ng daddy ni Claire.
"Bakit naman biglaan? Fifteen years na tayong resident circus dito at firteen years na rin tayong nangungupahan sa kaniya. May mga regular audience na tayo sa lugar na ito. Ang iba sa mga performer natin ay may permanente nang tirahan dito. Narito na ang buhay nila. Mahihirapan din tayong humanap ng bagong venue. Mahirap magsimula ulit."
"Alam ko, Cersei. Sinubukan kong makiusap kay Mr. Ong, pero buo na ang desisyon niya. Binigyan niya lang ako nang dalawang linggo para ilikom ang mga kagamitan natin. Kung hindi tayo aalis, mapipilitan siyang ipasira ang circus."
"Dalawang linggo? Hindi iyon sapat para ilikom ang mga kagamitan natin at humanap ng bagong lilipatan. Bakit hindi na lang tayo ang bumili ng lupa para hindi na tayo umalis dito?"
"Cersie, alam mong hindi natin kaya ang presyo ng lupa ni Mr. Ong. Sobrang taas ng fify million para sa isang ektaryang lupa. Naging pabaya ako at umasa na hindi niya ibebenta ang lupa. Nakalimutan kong tuso ang matandang intsik na 'yon. Alam niyang pinag-aagawan ng mga real state owner ang lupa niya kaya sumali siya sa bidding para mas mapataas ang presyo. Maganda ang lokasyon nito. Malapit sa pam-publiko at pribadong eskwelahan, ospital, pamilihan at nasa gitna pa ng syudad. Mas'werte tayo dahil tumagal nang fifteen years ang circus natin dito."
"Ano'ng gagawin natin ngayon?"
"Wala tayong magagawa kundi umalis at humanap ng bagong lilipatan, Cersei. Huling gabi na ito nang pagtatanghal natin sa lugar na ito."
Bumuntong hininga si Cersei bago nagsalita, "Huwag muna nating sabihin ang balita sa lahat. Ayokong maapektuhan ang performance nila sa araw na ito."
"Sige," maikling sang-ayon ni Orang.
Umalis si Claire nang makita ang kalungkutan sa mukha ng mga magulang at nagpatuloy siya sa paglabas ng bahay. Natanaw niya agad ang malaki at makulay na top tent ng circus mula sa pintuan nila. Isa siya sa mga performer ng circus at nagtatanghal siya bilang aerial dancer. Sampung taon pa lamang siya nang lumipat ang pamilya niya sa lugar na iyon at lahat ng memories ng kabataan niya ay naroon.
"Hindi ko naisip na isang araw ay aalis ako sa lugar na ito," malungkot niyang bulong bago nagpatuloy sa paglalakad.
Sampung minuto lang naglakad si Claire bago nakarating sa circus tent. Dumeretso agad siya sa backstage. Sumilip pa siya sa labas para tingnan kung marami na ang nakapilang manonood.
"Grabe, ang haba ng pila," namamangha niyang sabi.
Ala-una nang hapon nagbubukas ang circus para papasukin ang mga manonood. Alas-tres hanggang alas-onse nang gabi naman nagtatangghal ang mga performer, pero umaga pa lang ay marami na ang nakapila para makakuha ng magandang p'westo sa loob. Iba't-ibang performance ang ginagawa sa circus kaya nawiwili ang mga manonood at palagi silang pinipilahan.
"Claire! Claire!"
Tumingin si Claire sa babaeng tumawag sa kaniya.
"Bakit nagmamadali ka, Beth? Hinahabol ka ba ng mga shokoy sa aquarium natin?" biro niya sa isa sa mga manager ng circus na naka-assign sa aquarium.
![](https://img.wattpad.com/cover/308562464-288-k230765.jpg)
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES
Short StoryTunghayan ang mga istoryang maghahatid ng kilig at saya sa inyong mga puso. Mga kwentong puno ng pag-ibig, pagtitiwala, at mga pagsubok. Mga kwentong magpapakita sa inyo na ang pag-ibig ay hindi lamang isang damdamin, kundi isang desisyon na may kaa...