Chapter 9

481 15 0
                                    

Kanina pa ako nagdo-doorbell sa bahay pero walang sumasagot at walang nagbubukas ng gate. Wala ba si mama? Saan naman kaya siya pumunta? Tsk. Hindi ko pa man din dala 'yong susi para mabuksan 'tong gate.

Napatingin ako sa kasama ko. Pareho kaming mukhang mga basang sisiw. Hindi pa rin kasi tumitigil ang ulan pero mabuti nga at humina-hina na ito kaya nakauwi na rin kami.

"Buhatin mo 'ko," utos ko kay Enzo na nagpakunot sa kaniyang noo. "Aakyat ako sa gate."

"Ha?" tanong niya pa pero agad ko na siyang hinawakan sa balikat. "Dali, lamig na lamig na ako," dagdag ko pa habang tinatapik nang mahina ang kaniyang balikat. "O-okay."

Pumuwesto naman siya at idinikit ang magkabilang kamay niya bago inilahad ang mga ito na siyang papatungan ko ng paa para makaakyat sa gate. Para kaming mag-e-exhibition sa cheerdance sa lagay namin. Kumapit ako sa kaniyang mabuti. Aba, malakas pala ang isang ito. Sinilip ko siya at nakita kong napaiwas siya ng tingin.

"Tumingin ka sa 'kin. Paano mo ako mabubuhat nang maayos? Taas mo pa ako, hindi ko abot," reklamo ko.

"Inosente ka lang ba talaga? O hindi mo alam na naka-skirt ka?" sagot niya naman sa akin. Napanganga ako. Kaya ba siya hindi makatingin sa akin dahil makikita niya ang—okay!

I bit my lips. Shit. Why am I so careless?

Humawak ako sa bato nang makaakyat na ako sa pader ng gate namin at mabilis na kumapit at umupo roon. "Hintayin mo 'ko d'yan, pagbubuksan kita," sambit ko bago ako tumalon. Para akong naging isang akyat bakod sa sarili naming pamamahay. Nasaan ba kasi si mama? Tulog ba siya? Sana pala si Enzo na lang ang pinaakyat ko. Bakit hindi ko 'yon naisip? Hindi rin ba naisip ni Enzo 'yon? Sabagay, masyado akong nagmamadali kanina.

Tiningnan ko siya at nakatulala siya na parang timang. Nakahawak pa siya sa kaniyang ilong habang nakabaling ang ulo sa kanan niya. Anong meron? Agad ko namang binuksan ang gate para sa kaniya. "Pasok ka na," pagyayaya ko. Nilingon niya naman ako at doon ko nakitang namumula ang pisngi niya.

"Wala ba ang mama mo? Kung bumalik na lang kaya ako sa ibang araw?" tanong niya pero hinila ko na siya sa loob.

"Hindi ka naman makakabyahe nang ganiyan ang itsura mo. Mabuti ang bahay namin walking distance lang sa school," paliwanag ko. Hindi siya umimik.

"Sandali, kukuha ako ng tuwalya," sambit ko kay Enzo at iniwan siya roon sa bukana ng pintuan. Tumango na lang siya. Minsan, para siyang kaawa-awang bata, minsan para siyang matanda kung umasta. Isa ba siyang baliw?

Walang presensya ni mama sa paligid ng bahay. Kahit sa kwarto niya ay wala siya roon. Saan naman kaya siya gumala?

Dumeretso ako sa malapit na c.r. tsaka kumuha ng tuwalya para iabot na rin kay Enzo na ngayo'y nakaabang sa labas ng pinto ng mismong bahay namin.

"Oh," sambit ko. Kinuha niya iyon at hindi ko inaasahang mahahawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kaniya. Shit. Ang puso ko, kumakaripas ng takbo.

"S-sorry," sambit niya. Agad akong nakaramdam ng pagkailang. Bakit parang biglang uminit ang paligid? Alam ko lamig na lamig ako kanina, ah. "Ikukuha n-na rin kita ng pamalit. Sandali lang."

"Sunny," tawag niya sa akin na nagpatigil sa paglakad ko. Utang na loob, ang puso ko, mukhang lalabas na.

"B-bakit?" Hindi ako lumingon sa kaniya dahil ayokong makita niyang kinakabahan ako. Bakit kasi wala si mama? Malamang, matutuliro ako ngayong dalawa lang kami rito sa bahay. Bakit ko ba kasi siya pinapasok pa rito? At bakit ba kung ano-ano ang naiisip ko?

"N-nasaan ang c.r. niyo?" mahinang tanong niya.

"Nandoon sa kaliwang dulo!" pagturo ko.

Pagkatapos no'n ay nagmadali akong umakyat sa kwarto ko para kumuha ng maayos na damit na pwedeng maipahiram kay Enzo. Nang makakita ako ng simpleng black t-shirt at loose jogging pants ay dinala ko na 'yon sa baba. Naglakad ako patungo sa c.r. kung nasaan naliligo si Enzo. Shit shit shit. Hindi ko mapigilang mag-isip. Nakahubo't hubad ba siya maligo? Teka! Bakit ko ba 'yon iniisip? Ang landi at ang manyak ko naman!

I Love You First (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon