Napagpasyahan naming sulitin na ang pag-ditch ng klase at lumabas kami ng school sakay ng kotse niya. I remember the first time I was here. That day when I woke up here because I was so drunk the last night. Hindi ko inakalang makakasakay akong muli rito sa sasakyan niya.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko nang makaupo siya sa driver's seat.
"Hmm...May chine-check ako last time na magandang puntahan sa Tagaytay. Gusto mo puntahan natin?"
"Tagaytay?" pag-uulit ko. "Seryoso ka? Ang layo ng gala natin!"
"Ayaw mo ba?"
"Syempre, gusto! Hindi pa ako nakakapunta roon, eh," komento ko. Kapag gala talaga, game ako.
Tumawa siya. "Alright, let's go there."
Tumingin siya sa akin habang nakangiti pero para bang may napansin siya. Nagulat ako nang lumapit siya sa akin.
"What's wrong?" tanong ko. Magkalapit ang mga mukha namin pero parang nasasanay na ako na ganoon siya kalapit sa akin.
"Pasaway ka. You need to fasten your seatbelt."
Kagat ko ang labi ko nang sumagot ako. "Sorry."
Nagsimula na siyang magmaneho. Puro daldalan lang ang ginawa naming dalawa. Nakakatuwa dahil parang komportableng komportable na kami sa isa't isa. At napagtanto ko na malakas siyang mang-asar at pikon pala ako kaya ayon, nakakatanggap siya ng hampas o di naman kaya'y kurot.
Ilang oras lang ay nakarating na kami sa isang coffee shop na sobrang aesthetic ng interior. Ruined Project 'yong name at sobrang ganda dahil kita mo ang lush islands sa Tagaytay. My heart was so overwhelmed. Kahit sobrang lamig sa lugar na ito, Enzo make me feel warm with his hand holding mine.
"After this, if you're still hungry we can visit Bulalo Capital. Para mainitan 'yong sikmura mo," he said. Woah. Hindi naman siya prepared for today? Can I say that this is a date? Of course, it is! We're a couple and we're going out here in an unfamiliar place making treasured memories.
"Sure, wherever you like," saad ko saka ko hinigop ang strawberry vanilla na binili niya para sa akin pero napatingin ako nang matagal sa drinks na iniinom niya. Nakita ko siyang kumurap na para bang ina-assess niya kung anong ibig kong sabihin.
Natawa siya. "Sure, go ahead." Ngumiti ako tsaka ko kinuha 'yong inumin niya at tinikman. "Ano 'to?" tanong ko.
"Iced Caramel Latte," sagot niya.
I pursed my lips and pouted. Muli, natawa na naman siya.
"I don't like strawberry," komento niya na para bang nagmamakaawa na huwag kong pagpalitin 'yong drinks namin.
"Sige na, mas masarap 'yong iyo. 'Di ba hindi mo gusto 'yong strawberry..." Inilapit ko sa kaniya 'yong drinks ko. "Why don't you give it a try? Malay mo magustuhan mo na siya ngayon."
"If I knew you'd act like this, I should have asked what you want," natatawa niyang sabi habang napapailing.
"Well, at least you know that I like strawberries. And I appreciate that. Thank you."
I started to eat Romesco Chicken Penne that he also ordered for me but ended up eating what he ordered for himself which is the Beef Tapa. Natatawa ako kasi nayayamot siya sa akin. Well, gusto ko lang din naman siyang asarin. Hindi ko na naman uulitin 'to.
"Now I know what you are," sambit niya nang makalabas kami sa Ruined Project. Tinatawanan ko pa rin siya. "I am not always like that, Enzo."
"Tsk. Lagot ka sa 'kin mamaya," bulong niya. What?
BINABASA MO ANG
I Love You First (PUBLISHED)
RomanceWarning: Mature Content | R18 PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE (2023) Highest Rankings: #30 in Chicklit, #6 in sliceoflife This book was created in the year 2019. Date of Revision Started: June 19, 2023 Date of Revision Finished: June 30, 2023 *...