Chapter 3

788 22 16
                                    

"Wala kaming kasalanan. Hindi kami dapat nandito."

"Kailangan naming kunin ang statement niyo. As you can see, 'yong hotel na 'yon ay isa sa mga binabantayan namin dahil sa mga pimps at madalas ding lugar ng kalakalan ng drugs. So we have to be sure kung may kinalaman ba kayo o wala."

"Eh, ilang beses ho ba naming uulitin sa inyo na inosente kam? We're just having fun!"

"Probably you are, but then I came into the scene, so your plans didn't work."

"Pwede ba huwag kang makisali rito, Enzo? Masyado kang pabida, eh! Bakit ba nangingialam ka sa 'min ni Sunny?"

Naalimpungatan ako nang marinig ko ang pangalan ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang magulo at maingay na mundo sa pulisya. Bakit ako narito? Anong ginagawa ko rito? Kanina lang nasa hotel ako. Bakit?

Iniikot ko ang mga mata ko and there I saw Nathan with some other guys pero ang ipinagtataka ko ay bakit naroon si Enzo. Anong nangyayari?

"Bakit naman hindi? You were about to do something to her. Kung hindi pa ako pumunta roon ay siguradong may ginawa na kayong masama sa kaniya."

Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila. Anong meron? Bakit sila nagtatalo? At sinong 'her' ang tinutukoy nila? Ako ba?

"Are you sure? What makes you think that way, Enzo? Aren't we supposed to do such things because we like each other?" tanong naman ni Nathan habang nakangisi.

"So why did you put sleeping pills in her drink? Kung gusto niyo nga ang isa't isa at gusto ninyong may gawin bakit kailangan mo pa siyang painumin ng pampatulog?" tanong ni Enzo na kababakasan ng inis sa tono ng kaniyang pananalita.

Nararamdaman kong nagiging intense na ang usapan nila dahil kahit sino ay walang gustong magsalita, walang gustong sumabat kahit ang ibang mga lalaking naroon na ngayo'y natatandaan ko na ang mga mukha. Mga kaklase ko rin 'yon! Barkada ni Nathan!

"Did I? Nakita mo bang nilagay ko?" mayabang na tanong ni Nathan. Hindi pa siguro nila napapansing nagising na ako.

"The police said na naroon ang fingerprints mo sa baso."

"Tama, nakita sa baso na nilagyan nga ng sleeping pill ang inumin ni Miss Sunny at may finger prints mo rin, Mr. Nathan," sabat ng pulis. Doon ako nagulat nang banggitin ng pulis ang pangalan ko.

"Tama si Mr. Enzo. May masama nga kayong gagawin sa kaklase ninyong babae. Na-confiscate din namin ang mga hidden cameras sa buong lugar," dagdag pa ng pulis.

Nakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko.

Ako ba ang tinutukoy nila?

Bakit may hidden cameras na naka-install sa kwarto?

May balak ba siyang gawing masama sa akin?

Sa pagkakaalala ko sa nangyari...

May inabot nga sa aking baso ng tubig si Nathan. Kung gano'n, nilagyan niya ng pampatulog ang inumin ko? Kaya ako nawalan ng malay?

"Bakit hindi ka pa magsabi ng totoo? Wala na ring silbi kung magpapalusot ka pa, Nathan. Kayong dalawa lang naman ang naroon sa kwarto."

"Pwede ba? Huwag kang mangialam dito!" sigaw nito.

Tumayo na si Nathan at tinapatan si Enzo. Halatang galit na ito dahil namumula na ang mukha niya. Napalunok ako. Hindi ko akalaing magagawa ito sa akin ni Nathan. Akala ko'y gusto niya ako. Akala ko, magpapatulong siya sa assignment.

"Ano bang alam mo? Kahit itanong mo pa kay Sunny ang nangyari! Wala akong ginawang masama sa kaniya!" bulyaw nito.

"Tama, wala siyang kasalanan."

I Love You First (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon