Chapter 4

654 22 1
                                    

Kinabukasan, lakas loob akong pumasok sa school at hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa room nang agad akong batiin ni Nathan na parang walang nangyari.

"Sunny! Sobrang nag-alala ako kung bakit hindi ka pumasok ng tatlong araw. Ano bang nangyari sa 'yo? Nagkasakit ka ba?" sunod-sunod niyang tanong sabay hawak sa mga balikat ko.

Napatingin ako sa dako ni Enzo na kasalukuyang nakatingin sa amin...sa akin. Naalala ko na naman ang naging pag-uusap namin noong gabing 'yon. Ang pag-alok niya sa akin na maging girlfriend niya ako. At hindi lang 'yon. Pati na rin ang nangyari pagkatapos no'n—ang mainit niyang halik. Nakaramdam ako ng init sa pisngi ko. Hindi ko maiwasang mapakagat ng labi.

"Sunny? Huy, why are you blushing?"

Ibinalik ko ang atensyon ko kay Nathan habang pinapaypayan ko ang aking pisngi. "H-ha? Ano, w-wala," sagot ko na lang saka umiling at hindi na siya pinansin pa. Akala niya ba nakakalimutan ko ang ginawa niya?

Umupo na ako at napansin kong nakatingin sa akin si Daisy. "You, okay?" Nginitian ko siya bago ako tumango.

Ilang minuto lang ay dumating na rin ang prof namin. "Oh, you're here, Sunny. I am glad you're okay. Alam mo bilib din ako sa 'yo, even if you're sick you managed to do your homework."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinambit ni Professor Amurello. Napalingon ako kay Daisy but she just shrugged. Sa pagkakatanda ko, tatlong araw akong tulog. Hindi kaya nag-i-sleep study ako? Funny. Pero ni hindi ko nga alam na may assignment pala, paano ko gagawin 'yon?

Ngumiti na lang ako kay prof at nakinig sa lesson niya.

"Let's grab some lunch, Sunny!" pagyaya ng best friend ko nang matapos ang pang-umagang klase.

"Yeah right, gutom na rin ako pero pupunta muna ako sa locker room. Magkita na lang tayo sa cafeteria."

Tumango naman siya at naghiwalay na kami ng way. Inalis ko muna ang ilang gamit ko sa bag at inilagay sa locker kasi medyo mabigat kung lahat ay dadalhin ko gayong hindi naman kailangan. Paglabas ko ay may estudyanteng lumapit sa akin. May inabot siya sa 'kin and it is a bottle of almonds. And then there's a note.

Stop taking sleeping pills, please.

I never had a chance to ask who gave it because the boy suddenly ran away. But I immediately had an idea. Alam ko kahit hindi ko naman tanungin, alam ko sa sarili ko kung sino ang nagbigay nito. Mayroon akong hinala. Siya lang naman ang nakakitang may sleeping pills ako. Nagkakaroon din tuloy sa isip ko na si Enzo rin ang gumawa ng assignment ko noong absent ako.

"Oh, ano 'yang dala mo?" tanong sa 'kin ni Daisy nang magkita kami sa cafeteria.

"Almonds," sagot ko.

"Obviously, alam kong almonds 'yan. Sinong nagbigay?" tanong niya pa na para bang naiinis kasi pinipilosopo ko siya. Eh, sinagot ko lang naman ang tanong niya! Bakit kasi ayaw ayusin ang tanong?

"Bigay agad? Hindi ba pwedeng binili ko?"

"Talaga? Binili mo 'yan? Duda ako, ha. Matagal na kitang kinukumbinsing bumili niyan to ease your insomnia pero hindi mo ako sinusunod. May nagbigay siguro sa iyo niyan. Secret admirer?" pang-uusisa pa niya.

Siningkitan ko siya. "Daisy, ha! Mamaya ikaw pala may bigay nito tini-trip mo lang ako!"

"Eh, 'di bigay nga! At saka ako? Bibili at ibibigay sa 'yo? Hello? Bibili ako para sa akin! Bakit ko ibibigay sa 'yo? Mahal ba kita?"

Inirapan ko na lang siya. Alam ko namang mahal niya 'ko. Hindi naman siya susugod sa bahay para kumustahin ako sa pag-aalala nang tatlong araw akong hindi nagparamdam.

I Love You First (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon