"Here," sambit ko sabay abot ng mainit na kape kay Enzo. "Thank you," sagot niya at humigop ng kape.
We are currently here at the balcony of our room. He decided to stay for a while to talk to me about some matters. Akala ko sapat na ang pag-uusap namin kanina, hindi pa pala.
Umupo ako sa tabi niya. Pareho naming pinagmasdan ang langit. Malalim na ang gabi kung kaya't mas maganda ngayon ang kislap ng bituin at liwanag ng buwan. Malamig rin ang simoy ng hangin, nanunuot sa buto ko.
"Is she sleeping?" tukoy niya sa kaibigan ko.
"She is. May sakit si Daisy kanina kaya hindi siya nakasama sa akin. Maganda na 'tong nakakabawi siya ng pahinga para bukas, makagala kami nang magkasama," paliwanag ko.
Ngumiti siya. "Best friends day pala bukas," banggit niya.
"Yeah, kaya hindi ka makakasama sa amin," I stated and stick out my tongue to tease him.
Humigop siya ng kape. "Hindi niyo kailangan ng taga-picture?"
Natawa ako sa alok niya. "Marunong ka ba?"
"Of course. Do you want proofs?"
Tumango ako. Inilabas niya ang phone niya bago ipinakita sa akin. Nagulat ako na puro stolen pictures ko ang naroon. Kung hindi ko siya kilala, iisipin ko na talaga na creepy stalker siya. May picture siya kahit no'ng nagde-demo ako ng pre-flight safety sa eroplano!
"Grabe, daig mo pa ang nanay ko sa dami ng pictures ko. Every milestone, kumpleto!" natatawa kong komento sabay hampas ko sa kaniyang braso. Mahina lang naman.
"This is my collection. Limited. Only my eyes can see."
"Baliw ka na!" sambit ko sabay higop ng kape.
"Why? I'm a fan of yours. I've been watching you for so long now. Kasi, wala naman akong kayang gawin noon kung hindi ang tingnan ka." I smiled. He's not a stalker, torpe lang siya.
"So, payag ka na bang sumama ako bukas? Promise, hindi ako manggugulo. Kung kailangan niyo ng taga-hawak ng mga pinamili niyo, I'll do that."
Natawa ako sa sinabi niya. "Sa 'kin, walang problema. Eh, kay Daisy?"
"Papayag 'yan. Hindi ko naman kayo lalapitan. Nasa likod lang ako. Para na rin maprotektahan ko kayo kung sakaling may manamantala na naman."
"Ikaw kaya 'yong nagsasamantala d'yan!" I rolled my eyes.
"Iba 'yong nananamantala sa sumusulit lang ng pagkakataon. You can't blame me, Sunny. Hindi lahat ng tao may pagkakataong makalapit sa 'yo nang ganito kalapit. Paano ako lalayo kung ganiyan ka kaganda?"
Halos maibuga ko ang kapeng iniinom ko dahil sa sinabi niya. "Ewan ko sa 'yo, Enzo!"
Ibinalik ko na sa kaniya ang cellphone niya na parang pagmamay-ari ko sa dami ng pictures ko sa gallery niya. Isa o dalawa nga lang ang nakita kong selfie niya, eh. Hindi pa maayos.
"Ang ganda rito sa Croatia," pag-iiba ko ng usapan.
"Mas maganda ka."
Natawa ako sa sinabi niya. Hindi ba siya titigil? When will he stop flattering me?
Pinalo ko siya hudyat na tigilan niya na ako dahil baka mamaya ito na ang maging kamatayan ko. Mamatay sa kilig.
"Alam mo? May hindi pa ako nasasabi sa 'yo, Sunny."
Kumunot ang noo ko. "Tungkol saan?"
"Tungkol sa unang beses kitang makita at kung bakit nahulog ang loob ko."
Napanganga ako.
"So, may kwento pala kung bakit patay na patay ka sa 'kin."
"Yup." Nanlaki ang mga mata ko sa pag-aakalang itatanggi niya pero hindi. Aminadong-aminado siyang he is head over heels for me. "Hindi ko alam kung natatandaan mo pa pero noong enrolment natin sa high school, nakisingit ka sa pila."
BINABASA MO ANG
I Love You First (PUBLISHED)
RomanceWarning: Mature Content | R18 PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE (2023) Highest Rankings: #30 in Chicklit, #6 in sliceoflife This book was created in the year 2019. Date of Revision Started: June 19, 2023 Date of Revision Finished: June 30, 2023 *...