Chapter 21

477 8 0
                                    

Wala na akong nagawa kung hindi ang gumala mag-isa. I was just wearing a simple yellow dress and a cute sneaker, with my camera hanging on my neck while I'm holding my phone and wallet. It was such a very bright day to be alone. I heaved a sigh. Paano ko kaya mae-enjoy 'to nang mag-isa? Tiningnan ko ang phone ko at napakamot na lamang sa leeg. Wait, nasaan ba ako? Dubrovnik?

I used the map app here on my phone to find a restaurant where I could have my breakfast. Kumukulo na rin kasi ang tiyan ko. Almonds lang naman ang nilantakan ko kagabi bago ako natulog nang lagpas walong oras.

Nagsimula na akong maglakad habang pasilip-silip sa telepono ko kung nasaan ang mapang sinusundan ko. Hindi ko naman kinalimutang kumustahin at paalalahanan si Daisy na kumain at uminom ng gamot. And she just leaves me on read.

Ilang sandali lang ay napansin kong parang may sumusunod sa akin but I chose to ignore it dahil marami namang tao rito at baka nag-a-assume lang ako na may sumusunod sa akin. Who would follow me? I am just a tourist! Hindi ako mukhang mayaman o kung ano man! Agaw-eksena ba talaga ang kagandahan ko?

Pumasok na lang ako sa isang restaurant and immediately someone greets me. "Zdravo! Dobrodošli!"

Ngumiti lang ako. That handsome guy led me to my table and took my order. I just ordered tapas and wine which he also recommended as their specialty.

The food was great and exquisite to my palate. How I wish I was sharing this meal with my best friend. Sana gumaling na siya bukas para makapasyal naman kami nang magkasama. Ang hirap kayang mag-isa! Paano na ang mga naiisip kong posing for my pictures?

I did not finish my wine. Ewan ko, trauma na yata ako sa alak kaya hindi na ako masyadong umiinom. Iwas na rin ako sa pagpunta sa bar kahit na bali-balitang maganda raw ang pub dito. Kahit recommended na ng mga piloto namin sa aircraft, ay hindi pa rin ako nagpatukso.

I decided to leave the restaurant after a while of resting. Naglakad-lakad ako and namangha sa kung anong sumalubong sa akin. Ang ganda ng Dubrovnik Old Town lalo na 'yong city walls. Super picturesque. Sayang talaga at wala si Daisy! Nakakahiya naman kasing makisuyong magpapicture, mamaya ang mahila ko hindi marunong mag-english, eh 'di yari na.

My forehead twitches and unconsciously I turn around to check if someone really is following me. Pakiramdam ko talaga may nakatingin sa akin at sinusundan ako. Nagsitaasan naman ang balahibo ko. Grabe, ganoon ba ako kaganda para pag-interesan ng mga Croatian?

Sumalo ako sa daloy ng tao. Sana naman nawala na ako sa paningin ng kung sino mang sumusunod sa akin kung meron man. Nakahinga ako nang maluwag nang makalayo ako. Ligtas na siguro ako.

I checked the map on my phone and decided to go to the Rector's Palace, isa sa itinerary ko for today. I was so amazed when I entered it. It was surely a masterpiece of architecture and bow houses of the Cultural History Museum where the local aristocrats once lived. Marami ring mga naka-display na artifacts. It was so interesting. Somehow, a part of me became so invested in the history of one's beauty. Ngayon, hindi na lang ako basta naka-focus sa gala kundi pati na rin sa cultural practices and trivial things about the certain place na pinupuntahan ko which is very necessary because I am a flight attendant.

Muli akong napangiti nang may sumanggi sa utak ko. I never thought I would be here in this position where all of the things that happened in the past were no longer to be regretted, because it became a part of me. Tama si papa, kailangan ko lang alamin ang halaga ko nang sa gano'n alam ko na kung ano ang tama at maling pagtrato sa akin. Maraming lalaking lumalapit pero hindi muling nagbukas ang puso ko sa kanila. Masyado ko nang mahal ang sarili ko para pumasok sa isang relasyon, magtiwala at masira. Mas okay na akong ganito, mag-isa pero masaya. And, nand'yan naman si Daisy, we can live together forever. Of course, as best friends! Dahil mukhang wala ring balak mag-asawa ang isang 'yon.

I Love You First (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon