Chapter 6

602 21 0
                                    

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Shit! Ang sakit ng ulo ko! Gaano ba karami ang nainom ko kagabi? Parang mabibiyak. Swear. Hindi na talaga ako iinom kahit kailan. Palagi kong nakakalimutan na ganito nga pala kasakit ang hangover.

Napatingin ako sa harapan. Umaga na pala at dito ako nakatulog sa kotse. Wait! Wala naman akong kotse!

Agad akong napalingon sa kaliwa ko which is the driver's seat at natigilan ako nang makita ko si Enzo na nakasandal sa upuan habang natutulog. How come I end up here?

Pinili kong alalahanin ang nangyari. I thought I was the one who was helping him to walk. Wait. Right, I suddenly collapsed.

I heaved a deep sigh and stared at his face. Why am I feeling my heart ache? And it's as if there's something inside me that makes me feel hard to breathe. Pinagmamasdan ko lang ang mukha niya na para bang pinipigilan ako nitong tumingin pa sa iba.

He is so damn attractive. And every time I look at him like this, I know, I am falling deeper. At para bang gusto ko na lang mahulog nang tuluyan.

I can't believe he's beside me. That I can look at him. I can't believe nahalikan ko ang mga mapupula niyang labi. I can't believe na nayakap ko siya nang mahigpit. Hindi ko alam kung nananaginip ba ako o nangyayari talaga ito. Gusto niya ba talaga ako? Totoo ba? Paano? Paano nangyari 'yon?

I decided to remove my seatbelts and get outside the car. I should leave before he wakes up, pero bago ko pa man magawa ay narinig ko siyang magsalita. "Don't leave me..."

Napatingin ako sa kaniya. Nakapikit siya at mukhang nananaginip.

"...again, please."

But I need to. Hindi ako habangbuhay nasa panaginip na ito. Alam kong isa sa mga araw ay sasampalin ako ng katotohanang kasinungalingan lang ang lahat, na katulad mo rin sila Nathan, lolokohin o pagsasamantalahan ang kahinaan ko. Gusto ko lang naman magkaroon ng taong magmamahal sa akin pero bakit ang hirap palang makahanap no'n? Bukod pa ro'n, bakit ang hirap nang magtiwala?

He suddenly opened his eyes and looked directly into mine. Bigla kong naalala 'yong gabing 'yon... 'Yong gabing sinusundan ko siya. 'Yong gabing nakaisang baso lang siya ng brandy pero nalasing na kaagad siya at nasuka at pagkatapos ay tinulugan ako. It was all coming back to my mind. Those memories that I once hated were still here...in my heart, made a huge impact.

"Sunny," he called me, wearing those smiles like he was relieved that I was on his side. "Thank you for staying."

Umiling ako. "I'm leaving. Thank you for taking care of me kahit na lasing ka na kagabi."

Nakita kong nawala ang mga ngiti niya at nabahiran ng lungkot ang maaliwalas niyang mukha.

"Bakit ka aalis? Ihahatid na kita."

Muli ay umiling ako. "Okay lang ako. Ikaw, umuwi ka na. Kailangan mo nang magpahinga baka may hangover ka pa," giit ko.

"I'm fine. It was you who I am worried about," seryosong sagot niya na may bakas ng pagkadismaya dahil pinagtatabuyan ko siya. "Ihahatid na kita."

Hindi na ako nakaapela nang isuot niya sa akin ang seatbelt na kaninang hinubad ko. Dagli pa akong napalunok nang makita kong magkalapit ang aming mga mukha.

Wala na akong nagawa kung hindi pagbigyan ang nais niya na ihatid ako sa bahay. Napapapikit na lang ako dahil maya't maya pa ring sumasakit ang ulo ko. Nahihilo pa ako sa byahe. I noticed that the car stopped and that was why I opened my eyes. Doon ko nakitang lumabas siya saglit para pumasok sa isang convenience store at pagbalik niya ay may dala na siyang hangover drink.

I Love You First (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon