Ilang sandali lang kaming bumiyahe at nakarating na kami sa Bulalo Capital. Nagpalit na ang liwanag at ang kadiliman. Napansin kong dumadagsa na rin ang tao sa loo. Makakakain pa kaya kami?
"Let's go inside," pagyaya sa akin ni Enzo. Agad naman kaming may naupuan na siyang ipinagtaka ko. "My half-brother owns this," sagot niya na para bang nabasa niya ang tanong sa isipan ko.
Napanganga ako. Grabe, gaano ba siya kayaman? I mean, ang pamilya niya. Nakabingwit yata ako ng milyonaryo pero how come he's so humble?
"What are you looking at?" tanong niya. Umiling ako. "Don't worry about the bill. It's on me."
Again, my jaw dropped in amazement. How come I am with a guy like him? I mean, what did I do to deserve this?
Hindi kami naghintay ng ilang minuto dahil agad na may inihain sa aming pagkain.
"Pinasasabi ng kuya mo na sa wakas daw ay may dinala ka ng babae rito. Akala niya mamamatay ka nang mag-isa habangbuhay," sambit ng babaeng naghain sa amin ng pagkain. Iba ang suot niya kumpara sa ibang naghahatid ng pagkain. Mukha siyang mayaman at maganda. Hindi kaya siya ang may-ari nito? Pusturang-pustura siya at ang ganda ng ngiti.
"Tell him to shut up."
Natawa naman ang babaeng iyon habang may gulat sa mukha ko. "Bahala nga kayong magkapatid! Ako ang nai-stress sa inyo!" Tumingin naman iyon sa akin. "Enjoy your food, hija."
Ngumiti na lang ako at tumango bilang sagot. Hindi ko naman mapigilang pagmasdan si Enzo habang nagsasandok siya ng mainit na sabaw ng bulalo.
"Why?" tanong niya sabay abot sa akin no'ng sabaw.
"Wala. I just wonder if that's how you show your love to people, mang-asar."
Ngumisi siya. "We were half-brothers on my mother's side. We rarely see each other because we're basically sick of each other. He is older than me dahil anak pala siya ni mom sa ex niya which is eventually nakabalikan ni mom. Pero maybe you were right, that's how I show my love to someone close to me. At mukhang sa kaniya ko namana 'yon noong mga bata pa kami. He always bully me and I ended up bullying him as well."
Somehow, his life became so interesting to me. Nagkaroon ng puwang sa puso ko na gusto ko pa siyang makilala nang buo, nang mas malalim pa. Kinukwento niya palang ang isang parte ng buhay niya, hindi ko na maiwasang humanga sa kaniya. How he talk, how he act, it was very clean and careful.
"Mukha nga," pagsang-ayon ko tsaka ako humigop ng sabaw at muntikan na akong mapamura. Ang sarap! Sakto talagang pampainit ng kalamnan sa malamig na lugar ng Tagaytay. Hindi ganito kasarap ang bulalo sa siyudad!
Napatitig ako sa kaniya nang marinig ko siyang sumupsop ng buto. I was shock and hindi ko alam kung bakit pinanood ko lang siyang kumain. How he lick and suck that bone marrow. Namumula ang mga labi niya at para bang sobrang tagal niya nang hindi nakakain ng bulalo kaya ganadong-ganado siya. Kahit ang tunog ng mahina niyang paghigop ng sabaw ay nagbibigay sa akin ng ibang sensasyon. Nakaramdam ako ng panunuyo ng lalamunan. I need water! Utang na loob! Ano ba 'tong iniisip ko?
Napatakip ako sa tainga. Shit. Isa yatang pagkakamali ang magpunta kami rito. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa utak ko. Bakit nagiging ganito? Kasalanan niya 'to! Siya ang nagsimula nito!
"Are you alright?" tanong niya sabay punas ng pawis sa gilid ng kaniyang noo. Napalunok ako at napatingin sa leeg niya. Gumagalaw ang lalagukan niya. Shit. Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Eh, kumakain lang naman siya ng bulalo! Maghunos-dili ka, Sunny!
Umiling ako. "O-oo naman. Bakit hindi?"
Ngumisi siya tsaka dinilaan ang labi na para bang sinisimot ang sabaw na napunta sa labi niya. Pinunasan niya pa iyon gamit ang likod ng kaniyang hintuturo. Huwag mong sabihing sinasadya niya ito?
BINABASA MO ANG
I Love You First (PUBLISHED)
RomanceWarning: Mature Content | R18 PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE (2023) Highest Rankings: #30 in Chicklit, #6 in sliceoflife This book was created in the year 2019. Date of Revision Started: June 19, 2023 Date of Revision Finished: June 30, 2023 *...