Chapter 18

487 8 0
                                    

[Warning: This chapter contains a depiction of a sexual scene that may be upsetting for some readers.]

Huminga ako nang malalim bago ko napagdesisyunang umalis na roon. At hindi ko inaasahang mapapadpad ako sa lugar na akala ko hindi ko na babalikan—ang bar.

Katulad ng dati, sumalubong sa akin ang amoy ng sigarilyo at alak, ang walang humpay na malalakas na tugtog, ang mga ilaw na nakabubulag ngunit hindi iyon ang ipinunta ko rito. Dumeretso na ako sa bar counter at umorder.

"Bigyan mo ako ng pinakamatapang mong alak," utos ko roon sa bartender.

"Are you sure, Ma'am? We have Spirytus, a vodka created in Poland which has 96% alcoholic content. Would you like to have a sip first?"

"Basta bigyan mo na lang ako. Kung mamamatay, mamamatay. Tutal, patay na 'yong puso ko," sambit ko sabay hikbi. Sinunod niya naman ako.

Halos lunurin ko ang sarili ko sa alak para mawala ang sakit na naipon sa dibdib ko, pero wala. Nakakarami na ako pero hindi pa rin ako tinatamaan. Nasa wisyo pa rin ako. Sumasakit lang ang ulo ko pero ni hindi umiikot ang paningin ko. Walang kwenta. Hindi ako naaapektuhan. Bakit kasi ang taas na ng tolerance ko pagdating sa alak pero sa sakit, hindi? Bakit kahit anong pilit kong mawala 'yong sakit, nandito pa rin? Kahit anong pampamanhid yata ang iturok sa akin ay hindi maiibsan ang kirot na kumakain sa buong sistema ko.

Napasubsob na lamang ako sa counter at umiyak. Why am I hurting like this? Why do I feel suffocated and disappointed? Hindi ko pa naman siya mahal 'di ba? Hindi pa 'di ba?

Napapikit ako. Unti-unti kong nakikita sa alaala ko ang mukha ni Enzo. How handsome he is, his smile that assures me everything is fine, those eyes—the way he looks at me, the way he shows his affection, his touch which sends shivers down my spine, his warm kisses on my lips, how he whispers how special I am for him under his breath. Takte. Ang puso ko. Bakit ngayon pa?

I bit my lip and repeatedly shook my head. Pero kahit ilang beses akong tumanggi, hindi no'n mababawi ang katotohanang nahulog ako nang tuluyan sa lalaking kasinungalingan lang ang pagmamahal sa akin. How can he assure me that he's trustworthy when he's not? Ginamit niya pa ang mama ko para lang makuha ako at ang pagkababae ko. Ako naman si tanga, nagpatihulog.

I heaved a sigh. Should I confront him? Or should I act like nothing happened? Should I take it as our breakup and act like I never saw him before?

Ilang minuto pa akong nanatili sa ganoong kalagayan habang sinasagot ang mga tanong na kahit anong pilit ko ay hindi ko makuha ang sagot. Hindi nagtagal ay naging klaro ang pag-iisip ko. Tinanggap ko na ang pagkatalo. Kung wala talaga siyang pakialam sa akin, wala na rin akong pakialam sa kaniya.

I picked up my bag and went to the comfort room to put on some make up before I head back to the school again. Yes, drunk. Who cares if I am? Hindi rin naman halatang nakainom ako ng alak kung hindi ako aamuyin. Humingi ako ng gum sa bartender and good thing binigyan niya ako. Ayan, hindi na mahahalatang nakainom ako.

"Sunny? Where are you from? Kanina pa kita hinahanap! Our professors are giving us pointers for the upcoming final exam," bungad sa akin ni Daisy nang makasalubong niya ako sa corridor malapit sa room namin. "Sandali. Bakit ganiyan ang itsura mo? Lasing ka ba?" Sinuri niya ako.

"Hindi ako lasing. Look, nakarating pa nga ako rito, eh," sarkastiko kong sagot sa kaniya tsaka ko siya nilampasan at dumeretso sa room. Agad kong nakita si Enzo. Nakaramdam ako ng galit. He wants this, right? Kasabwat siya nila, 'di ba?

Ibinaling ko ang tingin ko kay Nathan na siyang gulat sa pagdating ko. Tiningnan ko ang pantalon niya tsaka ako ngumisi bago ako lumapit sa kaniya.

Itinuon ko ang tuhod ko sa gitna ng hita niya bago ko hinawakan ang leeg niya. Wala na akong pakialam kung makita ako ng lahat. Hindi ba't siya na rin ang nagsabi na agaw eksena ako? Heto na, ibibigay ko sa kaniya kung anong tingin niya sa akin.

I Love You First (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon