Chapter 17

502 11 0
                                    

Nagising ako sa tunog ng cellphone sa paligid. Someone is calling. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko roon sa dulo ng kama si Enzo. Hawak niya 'yong phone niya at may kausap.

"No, I forgot to set up a camera. No, I did what I needed to do. So, stop messing with me anymore."

Napapikit akong muli. I acted like I did not hear anything. Hindi ko alam ang context ng narinig ko so I won't be concluding things.

Naramdaman ko ang halik niya sa noo ko. Iminulat kong muli ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang mukha ni Enzo. He is smiling from ear to ear.

"Good morning," bati niya saka ako hinalikan sa labi.

"Morning," sagot ko.

"Does it feel sore down there?" pag-aalalang tanong niya sabay haplos sa pisngi ko.

Tumango ako. "It feels weird."

Tumawa siya. "I overdo it again. I'm sorry."

"Kaya nga, eh. Parang ayokong maniwalang first time mo," komento ko.

"Why?" Ngumisi siya tsaka pinagmasdan ang katawan ko na puno pa rin ng pagnanasa. "Am I that good?"

"Tsk. Ang yabang, ha?"

Napakamot siya sa batok na para bang nahihiya. "My brother called me and he said, the car is fixed. Should we go back to the city now?" pag-iiba niya ng usapan.

"Sure, baka nag-aalala na rin si mama dahil hindi pa ako umuuwi," tugon ko.

"Don't worry. Nasabi ko na sa kaniyang uuwi na tayo ngayon."

Nasabi rin ba niyang may nangyari sa amin? Napakagat ako sa labi ko habang pinipigilan ang kilig dahil naaalala ko ang nangyari sa aming dalawa. I never thought that something will happen to us. Hindi ko rin inasahan na hindi naman pala ito ganoon kasama. Sa una lang pala talaga at pagkatapos ay hahanapin na ng katawan mo.

Tumango ako at nagbihis. Kumain muna kami sa kalapit na restaurant bago nagdesisyong umuwi.

Hinawakan niya ang kamay ko habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa manibela. I still can't believe that I gave myself to this guy and he is mine now. Kapag naiisip ko ang nangyari, hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Hindi ko pa rin makalimutan ang bawat eksena, posisyon na ginawa namin, maging ang mga salitang namutawi sa aming mga labi habang nag-iisa ang aming mga katawang lupa. I never thought that Tagaytay would be this memorable for me.

Ilang oras lang ay nakarating na kami sa bahay. Katulad ng ipinangako niya ay humingi siya ng paumanhin kay mama dahil ngayon lang kami umuwi. Nang makaalis na si Enzo, panay naman ang usisa sa akin ni mama kung may nangyari ba sa aming dalawa ni Enzo. Syempre todo kaila ako.

Kinabukasan, excited akong pumasok sa school dahil ngayon din ang araw kung kailan ipe-present 'yong project namin. Imagine, dalawa kami ni Enzo sa harapan ng klase, ibinibida ang isa't isa. Pakiramdam ko, marami akong masasabi. Nakilala ko maging ang tinatago ng uniporme niya.

Pero nawala ang saya sa mukha ko nang hindi ko siya makita sa loob ng klase. Hinintay ko pa siya hanggang matapos ang morning class, pero hindi siya pumasok. Nasaan kaya siya?

"Oh, bakit ka malungkot?" tanong ni Daisy nang makarating kami sa cafeteria. Nagkibit-balikat lang ako. "Nag-break na ba kayo?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi, 'no! Hindi kami magbe-break!"

"Talaga? Bakit? Na-sort out mo na ba 'yong feelings mo sa kaniya?"

Napaisip ako. "Hmm... I think I'm getting there."

Pinalo niya naman ako. "Ano ba 'yan? Pero kapag ibang lalaki ang bilis bumigay, ha?"

"Alam mo? Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko sa 'yo! Sabi mo, real feelings are hard to confess kaya hindi agad ako naniwala kay Enzo. Tapos sasabihin mo, bakit hindi ako naniniwala gayong he's giving everything and nate-take ko siya for granted. You advised me to think about my feelings, but you're pressuring me. Ano ba talaga?" inis kong asik sa kaniya.

I Love You First (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon