The next week
"May hinahanap ka ba?" tanong ni Nam kay Freen habang siniset ang mga pans of fried chicken sa lalagyanan.
"Actually, oo my hinahanap ako. Naalala mo ba yung babaeng may kasamang batang babae? Ang pangalan niya ay Becky." pabalik na tanong ni Freen habang luminga linga sa paligid, habang nag lalagay nang macaroni sa plato ng babaeng nasa harapan niya at pagkatapos ay ningitian niya ito, at nagpasalamat naman ito kay Freen ng taos puso.
"Hindi, eh, sorry," Nam shook her head.
"Ahh-- nevermind," sabi naman ni Freen nang makita niya ang babaeng kanyang hinahanap na papasok mula sa pinto. Agad naman niyang napansin si Becky na may pasa at may duguang mukha lalo na sa may pisngi. "Oh my god!"
Nagmamadaling inilapag ni Freen ang kanyang hawak na sandok at tumakbo papunta kay Becky.
"Becky, okay ka lang ba? Anong nangyari sa'yo?"
"Hi, Freen," sabi ni Becky sabay ngumiti ito sa kanya.
"Anong nangyari d'yan sa mukha mo?" Tanong ulit ni Freen habang inabot ang mukha ni Becky at marahang inilapat ang hinlalaki niya sa parting pisnging may pasa at sugat.
"Mama got hit," pabulong na singit ni Mon.
"Wala lang to, alam mo na kunting di pagkakasunduan dun sa shelter. Dahil nag aagawan sa puwestong matutulugan noong nakaraan gabi," kwento naman ni Becky.
"Maaari ko bang linis ang mga sugat mo?" tanong ni Freen na may pag-aalala sa kanyang boses, at napansin din niya kung gaano din kadumi ang mukha ni Mon.
"Pumunta lang kami dito para kumain," Mahinhing sabi ni Becky kay Freen. "Wala pa kasi kaming kain simula noong nakaraan. Well, si Mon lang talaga yung sinisiguro kong makakakain, pero..."
Freen blinked and looked away nang naramdaman niya ang nagbabadyang pag tulo ng luhang namumuo sa kanyang mga mata.
"Please, come with me," pabulong na sabi ni Freen habang inilahad ang kanyang kamay kay Becky.
Nag-aalinlangang inabot ni Becky ang kamay ni Freen at hinayaan nalang ang babaeng dahil siya sa mesa kung saan si Nam ay nag seserve ng pagkain. Kumuha agad si Freen ng pagkain at mabilis na ibinigay niya ang isa kay Mon at isa naman para kay Becky. Mabilis naman itong kinuha ni Mon at kinagat ang pagkaing ibinigay sa kanya, habang si Becky naman ay dahan dahan kinakain ito na may maliliit lamang na mga kagat, dahil iniisip niya pwede pa itong extrang pagkain nila para mamaya.
"Nam, kailangan ko nang umalis, kaya mo bang ikaw lang muna ang mag-manage dito ngayong gabi?"
Napatingin naman si Nam sa taong nasa tabi ni Freen, at hindi nakalampas sa kanya ang maluha luhang mga mata ni Freen.
"Yes, of course. Ako na bahala dito."
---------------------------------------------
Mabilis na kinuha ni Freen ang kanyang jacket, susi, at ang kanyang purse, at tumungo siya kaagad kung saan naka-park ang kanyang kotse habang si Becky at si Mon ay nakasunod lang sa kanya. Pinagbuksan niya ng pinto si Becky ngunit ito ay tumanggi. Malaking pag aalinlangan talaga ang tumatakbo sa kanyang utak, kaya hindi na muna siya pumasok sa kotse.
"Please, huwag sa hospital, natatakot akong kukunin nila si Mon sa akin," humihikbi na sabi ni Becky kasi hindi na niya mapigilan ang kanyang pag-iyak.
"Hindi... hindi kita dadalhin dun. Pupunta tayo sa bahay ko, kailangan nating linisin ang sugat mo at maghahapunan na din tayo doon," pagpapaliwanag ni Freen.
"Pero kailangan naming makabalik sa shelter kaagad kung gusto naming magkaroon ng higaan sa pag tulog." Becky took a step back nervously.
"I swear, pwede mo akong pagkatiwalaan," Sabi ni Becky. "May extrang kwarto ako para sayo at kay Mon. Pwede kayo ni Mon na manatili doon, it's warm, it's quite... please, hayaan mo akong tulungan kayo."
BINABASA MO ANG
Pasilyo
Fanfiction"Ikaw at ikaw" Si Freen ay nag vovolunteer sa isang charity work, nang makilala niya si Becky at ang kanyang dalawang taong gulang na anak; Nahulog at nasalo nila ang puso ng isa't isa ng hindi inaasahan. Characters: Freen Ferrer Rebecca "Becky" C...