A/N: Ano ba ang gusto niyong mangyari sa story na to? I'll give you little bit of touch sa story na to :)
4 am
Biglang nagising si Freen at nang binuksan niya ang kanyang mga mata nakita niyang nakahiga pa rin siya sa couch ng suite. Si Becky ay mahimbing na natutulog sa kanyang harapan. Tinitigan niya nito at tinapik ang balikat para magising.
"Becky," Bulong niya, bago nilakasan ng kaunti. "Becky!"
"Mon!" Sigaw ni Becky at na biglang napaupo ng tuwid at tumitingin sa paligid.
"She's okay," Mabilis na tiniyak ni Freen sa kanya. "We... um, nakatulog tayo sa sofa. Tabihan mo na ang baby girl mo."
Dahan-dahang kumurap si Becky para ituon ang kanyang mga mata kay Freen. "Ayos ka lang ba?"
"Oo, okay lang ako." Tumango si Freen. "Alam kong sanay kang matulog katabi si Mon at malamang hinahanap ka na niya."
"Oo." Tumango si Becky at dahan-dahang tumayo. "Good night," nakangiting sabi niya sabay halik sa pisngi ni Freen.
"Good night." Ngumiti si Freen, kinusot ang mga mata.
Naglakad si Becky sa kanyang kwarto pero sinulyapan muna niya si Freen bago humiga kasama si Mon, na bahagyang nagising.
"Matulog ka na ulit, Mon." Bulong niya, pinadausdos niya ang kanyang anak sa kanyang dibdib at hinalikan siya sa noo. Pumikit siya ngunit ang tanging naiisip niya ay ang kwento ni Freen.
Humiga muli si Freen sa sofa at bumuntong-hininga, nakatitig sa kisame ng ilang minuto bago tuluyang tumayo at tinungo ang kanyang kwarto. Napansin niyang bukas pa rin ang pinto ni Becky, kaya iniwan niyang bukas ang kanyang pinto. Sa sandaling gumapang siya sa kama, at tiningnan ang kanyang cellphone para sa anumang mga mensahe, nakita niya ang ilang mga text mula kina Rosie, Nam, at Martha. Nagpasya siyang basahin nalang ang mga ito kinaumagahan at matulog nalang muli.
-------------------------------------------
Umupo si Mon sa couch while wearing a pair of purple glitter Uggs, blue jean shorts, at white long sleeve na tshirt na may purple at pink glitter na bulaklak sa harapan. Naka-ponytail ang kanyang buhok na may puting ribbon. Nagkukulay siya sa isa sa mga coloring book na ibinigay ni Freen sa kanyan habang matiyaga siyang naghintay bago sila umalis ng hotel para i-enjoy ang kanilang huling araw sa Cebu. Nasa banyo ng kanyang kwarto si Becky habang nakatingin sa tatlong bag ng makeup na ibinigay sa kanya ni Martha sa kanya, kasama ang dalawang bag ng hair products mula kay Nop. Napangiti siya at pinagmasdan ang mga bag. Hindi niya naramdaman na ibinigay sa kanya ang mga ito ng dahil sa awa, instead she felt like they are old friends that they gave gifts to. Nag-sshare din si Martha ng mga tip sa pagpapaganda. Nag-apply siya ng isang light layer o make up, habang tinitignan niya ang halos ganap na kupas na pasa sa kanyang mukha mula sa away sa shelter. Nagpasya siyang hindi iyon pagtakpan, nais na panatilihin ito bilang isang paalala sa kanyang sarili na sa isang kisapmata ay maaaring mawala ang lahat, it's like an amazing dream na ayaw niyang magwakas, kaya't hindi siya dapat masyadong maging komportable kasi pwede din ito mawala lahat ng kanilang nararanasan. Inilagay niya ang kanyang buhok sa isang ponytail at tumitig siya sa salamin at ngumiti, isang tunay, malaking tunay na ngiti- isang ngiti na matagal na niyang hindi ginagawa.
Naglakad si Freen sa sala na bahagi ng suite at kumindat kay Mon, na abalang nagkukulay, at kinunan siya ng ilang larawan gamit ang kanyang cellphone. Matapos marinig ang sinabi ni Becky na wala siyang anumang larawan ng kanyang anak ay nagpasya siyang kumuha ng marami hangga't kaya niya para magkaroon ng ilang alaala si Becky. Ibinaba niya ang kanyang pitaka at umupo sa sofa sa tabi ng maliit na bata. Na naramdaman ang kanyang presensya at tumingala sa kanya.
BINABASA MO ANG
Pasilyo
Fanfiction"Ikaw at ikaw" Si Freen ay nag vovolunteer sa isang charity work, nang makilala niya si Becky at ang kanyang dalawang taong gulang na anak; Nahulog at nasalo nila ang puso ng isa't isa ng hindi inaasahan. Characters: Freen Ferrer Rebecca "Becky" C...