"Paanong hindi mo pa napapanood ang pelikulang iyon?" Tumawa si Becky. "Wala nga akong matirhan pero napanood ko na ito!" Nakangiting dagdag niya.
Tinaasan siya ng kilay ni Freen, habang may ngiti sa kanyang mukha. "Trying to one up me, eh?" Pang-aasar niya. "Fine, manonood ako ng pelikula na ito, ummmm, tignan natin kung nasa Netflix ba ito."
"Hindi mo naman kailangan bilhin pa ito." Umiling si Becky.
"Rent, at parang isang buwan ata ang subscription nito, kaya pwede pa natin ma-enjoy at makakapanood pa tayo ng iba pang palabas." Nagkibit balikat si Freen. "How about we have a movie night, and I'll catch up on all the movies that you've seen and I have not." Iminungkahi niya.
"Hindi natin kailangang gawin iyon." tahimik na sagot ni Becky. "I was just making conversation, ayokong gumastos ka pa ng pera dahil sa amin."
"Well, gusto ko ng movie night, and I win," Ngumiti si Freen. "Paano kung ikaw na ang bahala sa paggawa ng popcorn, at nachos, ohhh... at cookies!"
"Junk foodie?" pang-aasar ni Becky. "Paano at bakit ka nanalo?"
"May ganyan." Ngumiti si Freen. "Kasi..." Tinapik niya ang manibela gamit ang kanyang mga hinlalaki habang sinusubukan niyang mag-isip ng dahilan. "Huwag mo akong tingnan habang iniisip ko ang dahilan bakit, napakadaya neto." Tumawa siya. "Seryoso, pwede tayong manood ng sine o mag movie night sa bahay, hindi naman big deal, alam mo na naman ang kusina diba?" Tanong niya nang matigil sila sa red light.
"I can do some snacks," Tumango si Becky na may ngiti, pakiramdam niya ay pabalik na ang kanyang dating sarili pag nasa paligid si Freen, bawat minuto nararamdaman niya bumabalik ang sigla sa kanyang katawan.
"Sweet, mamili na tayo." Kumindat si Freen at nagpatuloy sa pagpunta sa grocery store.
------------------------------------
Sa sandaling nakaparada na sila at nailagay ni Becky si Mon sa upuan ng cart na nadaanan nila, hawak ni Freen ang kanyang listahan at pinag-aaralang ito ng mabuti. "Kung may nakita kang gusto mo huwag kang mahiya at ilagay mo lang." Kaswal na sabi niya.
"Kung ano ang usual na binibili ay ayos lang." Sabi ni Becky sa kanya. "Sanay na kaming kumain ng mga tira, and trust me hindi kami mapili."
Napatingin si Freen sa kanya, napansin niya ang hitsura ng mga mata ni Becky, isang mas bright na kulay berde kaysa sa napansin niya noon. Huminto siya sa paglalakad at humarap sa kanya. "Pwede ba kitang tawaging Bec?" Nakangiting tanong niya.
"Oo naman." Tumango si Becky.
Tumango rin siya. "Bec, makinig ka, gusto ko maging komportable ka, okay? I want you to feel relaxed at my penthouse, I know it's weird for you, but try it, okay? Sabi ko sayo na ginagawa ko to di dahil I feel sorry for you, gusto lang kitang tulungan."
Sinuklay ni Becky ang kanyang mga daliri sa buhok ni Mon, napangiti siya dahil sa suot nitong headband na may puting bulaklak na binili sa kanya ni Freen sa department store na kinaroroonan nila. Ang unang stopover para sa araw nato ay samahan ni Freen si Becky at Mon na mag shopping, bumili siya para kay ng Mon ng ilang pares ng maong, sweater, long sleeve shirt, sweatshirt, at tshirts. Bumili din sila ng kanyang sapatos sa tatlong magkakaibang kulay, dalawang pares ng sneakers, boots, at tatlong magkakaibang hoodie. Pagkatapos ay bumili sila para kay Becky ng ilang mga items tulad ng damit, na labis ang kanyang pag tangi at protesta. Nagpalit sila sa fitting room ng department store, habang binayaran ni Freen ang lahat.
"Seryoso, kahit anong bilhin mo ayos lang sa amin," Sabi ni Becky sa kanya, pinulot ang Carebear na nalaglag ni Mon at ibinalik iyon sa kanya.
Ngumisi si Freen. "Sooo... kung sasabihin kong ice cream, gulay at pickles lang ang kinakain ko, ano?"
BINABASA MO ANG
Pasilyo
Fanfiction"Ikaw at ikaw" Si Freen ay nag vovolunteer sa isang charity work, nang makilala niya si Becky at ang kanyang dalawang taong gulang na anak; Nahulog at nasalo nila ang puso ng isa't isa ng hindi inaasahan. Characters: Freen Ferrer Rebecca "Becky" C...