"So, gusto niyo bang kumain ng tanghalian?" Tanong ni Freen habang naglalakad pabalik sa sala na bahagi ng suite sa hotel na tinutuluyan nila sa mga susunod na araw sa Cebu.
Hawak-hawak ni Becky si Mon, na nakasuot ng matingkad na pink na oberols at puting sneakers, ang kanyang buhok ay nakapusod na may mga ribbon, nakatayo sila sa tabi ng mga bintana sa suite. "Wala kang meeting, o iba pang gagawin?"
"Trying to get rid of me to run loose in Cebu?" Pang-aasar ni Freen habang papunta sa ref at kumuha ng bote ng tubig.
"Hindi." Tumawa si Becky. "Inisip ko lang na ito ay isang business trip for you."
"Yes, it is," Tumango si Freen. "Pero, I don't have to work every minute we are here, at birthday trip din to ni Mon." Kinindatan niya ang batang babae. "At...kailangan nating kumain diba?"
"Cake." Ngumiti si Mon.
Tumawa si Freen. "Kung sinabi ng mommy mo na okay ka kumain ng cake, okay lang din sa akin." Tumango siya sabay kindat sa kanya.
"Medyo nagugutom ako pagkatapos ng mahabang byahe na iyon." Inamin ni Becky.
"Good, nagugutom na din ako." Ngumiti si Freen at kinuha ang kanyang pitaka. "May kotseng naghihintay sa atin sa baba, gusto mo bang magpalit muna o ano?" Tinanong niya si Becky, na nakasuot ng skinny jeans, sneakers, at dilaw na pang-itaas.
"Do I need to?" Tanong ni Becky sa kanya, nakatingin sa suot niya.
Umiling si Freen. "I think you look great, hindi rin ako magpapalit," Idinagdag niya habang naka tingin sa kanyang maong, tshirt, at heels. "May iba kasing gustong mag-shower at kung ano-ano pa pagkatapos ng flight, kaya gusto lang na maging kumportable ka."
"Ang pag-shower ay naging naging bagong paborito kong gawain." nahihiyang sabi ni Becky.
"I can tell, akala namin ni Mon naligaw ka sa banyo kaninang umaga, we have to build a tower with the blocks all alone." Natawa siya nang ibinaba ni Becky ang kanyang anak, at hinimas ang kanyang ulo.
Tumango si Mon. "Gumawa ng malaking tore si Binini Fween." Paliwanag niya habang nakataas ang mga kamay sa taas ng ulo niya.
"Shempre sa tulong mo din." Nakangiting tumango si Freen.
Namula si Becky. "Nalilibang pa ako sa umaagos na tubig kapag naliligo ako at nakakapag-shower na ako ng malaya, hangga't gusto ko. Sorry."
"Huwag kang mag-sorry," Kinawayan siya ni Freen. "Maligo at maligo ka hangga't gusto mo." Dagdag niya sabay ngiti. "Ano ba ang gusto mong kainin?" Tanong niya nang makapasok sila sa elevator.
"Hindi mahalaga." Nagkibit balikat si Becky. "Alam mo naman na hindi kami mapili sa pagkain."
Tumawa si Freen. "Talaga ba?" Nakangiti niyang pang-aasar.
Nang makababa na sila, dinala sila ni Freen sa naghihintay na towncar at pinayagan si Becky na maunang makapasok, at inilagay si Mon sa gitna at mabilis siyang pinatayo. "So nakapunta ka na ba dito sa Cebu?" Tanong niya kay Becky matapos ibulong sa driver ang restaurant na gusto nilang puntahan.
"Ay, oo." Tumango si Becky. "Ilang beses na akong nakapunta dito, since bata pa ako. Si tito ko, dito nakatira, ang kapatid ng tatay ko, si Tito Ryan." Dagdag niya. "I spent my sem break freshmen year sa college out here. And um, right before Brent and I ... ended, this was one of the last trips we took together. May business trip siya, at sinama niya ako."
Dahan-dahang tumango si Freen. "Kaya ba nag-aatubili kang sumama? Ayaw mo bang makita ang tito mo, o masamang alaala ang mga trip mo dito kasama si Brent?" Sinulyapan niya si Mon, sinisiguradong hindi niya pinapansin sila ni Becky, hawak-hawak niya ng mahigpit ang isang Barbie doll at nakatingin sa labas ng bintana, sa sarili niyang maliit na mundo, na natutulala sa mga bagong tanawin para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Pasilyo
Fanfiction"Ikaw at ikaw" Si Freen ay nag vovolunteer sa isang charity work, nang makilala niya si Becky at ang kanyang dalawang taong gulang na anak; Nahulog at nasalo nila ang puso ng isa't isa ng hindi inaasahan. Characters: Freen Ferrer Rebecca "Becky" C...