A/N: Sorry natalaga mga readers, busy ako nag po-process ng mga kailangan e-process tapos tinatamad na akong mag-update pag dating ng gabi, though nagsusulat pa rin ako ng journal but writing to update this story takes me a lot of courage to take off my laziness :D hahahaha Kaya sorry in advance. Pasalamat kayo sa bago lang nag comment natawa ako sa comment niya... OO, mag-uupdate nah..
By the way, thank you pala if you find this story interesting. I always try to write something out of the conventional talaga kasi maskin ako nag hahanap ng mababasang not sooooo usual. I really appreciate it a lot, you telling me na maganda or even simply reading this. Maraming salamat, po :D
"Mama?" Niyugyog ni Mon ang balikat ni Becky. "Mama, kaywangan kong mag banyo," Tumayo siya at kumatok sa noo ni Becky. "Mama."
"Okay, okay," Inaantok na sagot ni Becky habang nakabukas ang mga mata.
Gising na si Becky pero mas lalo pa siyang yumakap sa malambot at komportableng kama habang nakatitig kay Mon, nakita niya ang maliit na mukha ng kanyang anak na nakakunot noo at tumalon. Agad bumangon sa kama si Becky sa kama at sabay binuhat ang kanyang anak at mabilis na dinala sa banyo. Nangmakarating na sila ay agad na ibinuhol ang tali ng kanyang shorts at hinubad ang pajama shorts, ginabayan niya si Mon at umalis din para bigyan ng privacy. Sumandal siya sa may lababo sabay humikab habang matiyagang naghihintay sa kanyang anak. Naghilamos nalang siya ng malamig na tubig sa kanyang mukha upang mas magising siya ng kaunti, tinitigan niya ang kanyang repleksyon sa salamin at napangiti kung gaano siya ka-refresh, kahit na mayroon pa siyang mga gasgas, hiwa, at pasa mula sa pakikipagaway, makikita mo rin ang mga dark circles sa ilalim ng kanyang mga mata, mula sa kakulangan ng tulog ngunit ang kanyang mga mata ay may matingkad na parang tsokolate nang umagang iyon, mas matingkad pa kaysa sa nakita niya sa mga nakaraang taon.
"Tapos na," Ngumiti si Mon.
Lumingon si Becky at ngumiti pabalik sa kanya. "Buti naman nagising ako."
Becky has been working on sa potty training ni Mon, na mabilis namang nakuha ni Mon, dahil kakaunti lang ang mga diapers niya at hindi niya nae-enjoy ang basa ng kanyang pantalon kung siya ay mag-isa, ngunit gabi-gabi sa shelter ay nilalagyan siya ni Becky ng lampin o di kaya ay binabalutan siya ng plastic shopping bag sa kanyang damit pang-ilalim na puno ng bagong papel at tissue para hindi na niya kailangang bumangon at dalhin siya sa labas para umihi, at talagang mapanganib na baka biglang may kumuha sa kanilang pwesto sa pagtulog sa kalagitnaan ng gabi; tulad ng nangyari noon. Kaya't nang ginising siya ni Mon kanina, napahanga siya at hinayaan niya lang si Mon at may mapagmataas na ngiti sa kanyang mukha. Pagkatapos niyang buhatin siya sa inidoro ay nagpunas na siya, at akmang i-flush ang inidoro nang mapansin niyang may lalagyan ng pamunas si Freen sa ibabaw, napangiti siya at kumuha ng isa para gamitin kay Mon. Pagkatapos ay itinali niya ulit pajama ni Mon. Pagkatapos maghugas ng kamay, at maglagay ng mainit na tuwalya sa mukha ni Mon, nagtoothbrush si Becky, pagkatapos ay pinaupo niya si Mon sa marble counter habang nagsisipilyo siya ng sarili niyang ngipin.
"Maglalaro ba tayo ngayon?" Tanong ni Mon sa kanya, matapos siyang ibininaba ni Becky sa sahig.
"Huwag kang maingay, baka natutulog pa si Miss Freen," Sabi ni Becky sa kanya.
Tumango si Mon at hinawakan ang kamay ni Becky habang inakay siya pabalik sa kwarto. Itinaas niya ang kanyang likod sa kama, at pumunta sa may aparador kung saan may mga laruang ibibigay ni Freen. Tumingin siya sa paligid at kumuha ng isang bag ng mga bloke at dinala ito sa kama.
BINABASA MO ANG
Pasilyo
Fanfiction"Ikaw at ikaw" Si Freen ay nag vovolunteer sa isang charity work, nang makilala niya si Becky at ang kanyang dalawang taong gulang na anak; Nahulog at nasalo nila ang puso ng isa't isa ng hindi inaasahan. Characters: Freen Ferrer Rebecca "Becky" C...