A/N: Tinatamad akong mag update (╥﹏╥)
Pagdating ng almusal, napakaraming pancakes at waffles courtesy by the hotel ang kanilang naging agahan. May kasama pang mga itlog, sausages, at hashbrowns. Naglalaro si Freen to the sea of balloons kasama si Mon habang inihanda ni Becky ang regalo niya para sa kanyang anak sa kwarto.
"Mahuhuli kita din kiya Binini Fween." Natatawang sabi ni Mon habang hinahabol si Freen sa living room portion ng suite.
"Hindi mo ko mahahabol." Sabi ni Freen habang tumatakbo na may malaking ngiti sa labi.
Napatingin siya sa gawi ni Becky at nakita niya itong nakatayo sa may pintuan na nanonood sa kanila. Sinalo ni Freen si Mon sa kanyang mga braso at hinalikan siya sa pisngi. "Happy birthday, Mon. I think your mom has something for you." She then whispered to her and nodded towards Becky.
"Mawami pa pong mga gamit pawa sa akin?" tanong ni Mon.
"Opo." Tumango si Freen at ibinaba siya. "Becky, I'm going to call the car to come get us, we have to leave in another hour for the photoshoot."
Napangiti si Becky. "Sige." Naglakad siya papunta sa sea of balloons at umupo sa sofa. "Halika dito, baby." Tinawag niya si Mon habang nakabukas ang kanyang mga braso para sa kanyang anak na mabilis namanh tumakbo papunta sa kanya.
Napangiti si Becky nang may pagmamalaki, binuhat niya si Mon sa kanyang kandungan at hinalikan siya sa tuktok ng ulo. Inabot muna niya ang maliit na kahon. "Tutulungan ka ni Mommy na buksan ito.""Okay po, mommy." Tumango si Mon at pinagmamasdan niya si Becky habang hawak hawak ng mahigpit ang kahon.
"Hilahin mo yung ribon." Sabi ni Becky sa kanya.
Hinugot ni Mon ang laso na may malaking ngiti, habang pinapanood si Becky na buksan ang kahon. Ito ay may lamang isang maliit na silver na letrang M na palawit sa isang puso. "When I was your age I got my first necklace, just like this one, kaya naisip ko na nabilhan din kita neto. Hindi ito napaka mahal but it's special, it's a tradition in our family. At three years old, makakakuha ka ng pendant na may inisyal ng pangalan mo." Paliwanag ni Becky habang nanlalaki ang mga mata ni Mon sa kwintas at tinitigan ito.
"Maganda." Namula siya, nakatitig dito ang malaki niyang mga mata.
"Sa tingin mo maganda?" Masayang tanong ni Becky sa kanya, namumula at pilit na pinipigilan ang mga luha nang tumango si Mon sa kanya. "Isuot natin sa iyo."
Pinagmamasdan sila ni Freen mula sa pintuan, lumakas ang tibok ng kanyang puso habang nasasasaksihan ang ginawa ni Becky na isagawa ang isang tradisyon ng kanyang pamilya, kahit na itinakwil siya ng parehong pamilyang iyon. Ngumiti siya at sa wakas ay kinuha niya ang kanyang cellphone para gumawa ng mga tawag.
"Ayan, tingnan mo kung gaano kaganda ang hitsura niyan sayo." Ngumiti si Becky, tinapik ang pendant sa dibdib ng kanyang anak at inilibas ang kanyang kwentas din. "See, anong sulat nang suot ni Mommy?" Tanong niya kay Mon.
Seryosong tinitignan ito ni Mon. "May R si Mommy."
"Magaling! R is for Rebecca ang real name ni Mommy." Ngumiti si Becky at pinagdikit ang kanilang mga ilong. "Ikaw ang pinakamatalinong 3 years old baby girl ever."
Namula si Mon at napatitig sa kwintas niya. "Ipapakita ko po kay Binini Fween?"
"Yep, you can show it to her, but I have another gift for you." Sabi ni Becky na tumango sa kahon na nasa mesa, ibinalik niya si Mon sa sahig at natawa nang mabilis niyang pinunit ang balot.
"Oooooohhhhhhhh!" Tuwang-tuwang tumili si Mon nang matapos nyang punitin ang wrapper at nakita niya ang isang pink na Fisher Price doodle pad. "Ito yung nasa TV!"
BINABASA MO ANG
Pasilyo
Fanfiction"Ikaw at ikaw" Si Freen ay nag vovolunteer sa isang charity work, nang makilala niya si Becky at ang kanyang dalawang taong gulang na anak; Nahulog at nasalo nila ang puso ng isa't isa ng hindi inaasahan. Characters: Freen Ferrer Rebecca "Becky" C...