Doc Rosie

153 14 0
                                    

A/N: Grabe ang kilig kosa mga photoshoots at behind the scene ng FreenBecky 🤏🏼🤍👀🤭🔥








10pm

Pagkatapos ng tanghalian, sinabihan ni Freen ang kanilang driver na mag drive papunta sa tabing dagat upang makita at maranasan ito ni Mon.

Umupo si Mon sa kandungan ni Becky, nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatingala sa bintana, isang malaking ngiti sa kanyang mukha. May iba't ibang kulay at hugis na pinapakita si Becky. Proud na proud siyang tumango at pinupuri niya si Mon tuwing tama ang kanyang sagot. Pinupuri rin siya ni Freen, lubos na humanga sa dami ng naituro at itinuro sa kanya ni Becky.

Pagkatapos ay nag-relax sila sa rooftop ng hotel. Makikita at mapapansin na nila ang pagod mula sa kanilang flight, habang nanonood ng serye ng mga pelikula na pinili ni Becky, si Mon ay nakatulog na sa kanyang kandungan.

Nag-order si Freen ng room service para sa hapunan nila, at tumanggap ng ilang mga business calls. Pinaliguan ni Becky si Mon at siniguradong maayos at komportableng mahimbing ang tulog niya sa kwarto.

Nasa sariling kwarto si Freen at tinatapos ang isang tawag nang bumalik si Becky sa sala na bahagi ng suite at umupo sa sofa. Tumingin si Freen sa langitngit sa pinto at nakita niya si Becky na nakaupo at tinapos na niya ang tawag, naligo muna siya ng mabilis at nagsuot ng pajama bago sinamahan si Becky.

"Hey, pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ni Freen na napaupo din sa sofa na katabi ni Becky na tumango at nilapag ang magazine na tinitingnan niya. "Remember I told you about my best friend? Well, one of my best friend is a woman named Rosie?" Tumango ulit si Becky. "Well, she's a doctor out here in Cebu, and I was thinking maybe she could check you and Mon out. Matagal na siyang doctor at mayroon din siya mga private practice and it is a family practice for years na din."

"Me..."

Napabuntong-hininga si Freen. "Ako na ang magbabayad, huwag kang mag-alala tungkol sa pera. I love buying you food and stuff, pero mahalaga rin sa akin ang kalusugan mo, ang kalusugan ninyo ni Mon."

"Do you trust her naman diba?" tanong ni Becky. "Protective talaga ako pagdating kay Mon at kung sino ang humahawak sa kanya."

"Napa-check mo na ba si Mon sa doktor?" tanong ni Freen.

"Yes she's been, and I take her to a Planned Parenthood, there's a doctor there that would see me after hours to check her out, pero natanggal siya nung nahuli siya, so medyo matagal na din yung huling check-up ni Mon."

"I wouldn't suggest her if I honestly didn't trust her." Sabi ni Freen sa kanya. "Gynecologist ko rin si Rosie."

"Ang tagal ko nang hindi nakakapunta sa doctor, baka akalain mo ang dumi ko." Mahinang sabi ni Becky, naka-cross legs at bahagyang tumalikod sa kanya.

"Hindi, wala akong iniisip na ganyan," Umiling si Freen. "I can call her and we can go tomorrow morning, may meeting ako ng eleven tapos radio interview, pero pwede naman tayong pumunta ng maaga."

Mabilis na tumango si Becky. "Kung echicheck niya lang si Mon okay lang, mas mahalaga ang kalusugan niya."

"Hindi," umiling si Freen. "Ang iyong kalusugan ay kasinghalaga ng kay Mon, kailangan niya ng isang malusog at buhay na ina."

Pinunasan ni Becky ang luha sa kanyang mga mata at tumango. "Salamat."

"Shit...may nagawa ba ako o nasabi?"

"Hindi." sagot ni Becky. "It's just...God, you're like an angel or something. Nung sumakay ako sa kotse mo that night, I expected you to take me to police station or just drop me off at the hospital, I didn't expect. Nakakatulog ako sa gabi ng payapa, pag nakapikit ako ay alam kong ligtas ang baby girl ko, at walang pangamba o pag-alala na may hahawakan sa kanya, laging  ang yakap ko sa kanya kasi takot akong maagaw o magkahiwalay kami. Kahit papano kaya ko siyang pakainin araw-araw."

PasilyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon