A/N: Hiiiiii.. writing again as a breather. Life update, eto buhay parin and ang init parin dito sa Thailand. I published a new story by the way, it is a FAYEYOKO with FREENBECKY because why not, diba.
You look amazing." Nakangiting sabi si Derrick, ang ka-date ni Freen sa gabing iyon, habang inilahad ang kanyang kamay para alalayan siyang makalabas ng sasakyan.
"Salamat," Ngumiti si Freen. "You look good sa tux mo."
Napangiti si Derrick nang ikinulong ni Freen ang braso nito sa braso niya. "Medyo nabigla ako nang tumawag ang manager mo at sinabing gusto mong dumalo sa event na to na mag kasama tayo, hindi pa tayo nag-uusap simula noong Coldplay concert."
"Naging busy ako." Tumawa si Freen. "With the album gaining streams and photoshoots, and everything...I haven't been avoiding you purposely."
"Sana nga hindi." Ngumisi siya. "Akala ng media nagde-date tayo, remember all the headlines? I was hoping to make them true."
Natigilan at na-tense si Freen bago tumawang kinakabahan.
"Maliban na lang kung may ibang tao na sa eksena ng buhay mo? Kailangan ko na bang ilibas ang akong kakayahan?" Pang-aasar ni Derrick na mahigpit na nakahawak sa braso niya habang paakyat sila sa hagdan patungo sa red carpet.
"Hindi." Mapaglarong inilibot ni Freen ang kanyang mga mata. "Pero salamat sa pagpunta ngayong gabi."
"Hindi ko papalampasin ang isang pagkakataon na magkaroon ng dinner date kasama ang pinakamaganda at pinaka-talented na babae sa buong bansa." Sabi ni Derrick na talagang maririnig mo ang pagkamangha sa boses niya. "Seryoso, ang galing mo, Freen, pero alam mo na yan."
"Itigil mo nga yang pambobola mo," Namula siya at nahihiyang ngumiti, may nakita siyang familiar na babae at agad niyang naisip si Becky.
----------------------------------------------------------
Umupo si Becky sa couch habang yumakap si Mon sa kanyang kandungan at pinapanood nila ang red carpet sa tv.
"Nuod po tayo ng cartoons?" Tanong ni Mon na nakatingin kay Becky.
"Pagkatapos mo pong maligo." Sabi ni Becky sa kanya, pinasadahan ng daliri niya ang buhok niya. "Parang antok ka na, po, namumula na ang mga mata mo."
"Ang aking mga mata ay brown tulad ng sa iyo." confident na sabi ni Mon.
Tumawa si Becky. "Tama, brown ang mga mata natin, at anong kulay ng buhok natin?"
"Black." Humikab si Mon.
"Tama ka, po." Ngumiti si Becky at hinalikan siya sa noo. "Pwede bang makahingi ng kiss si mama?" Tanong niya sa anak, tumango naman si Mon at yumuko para mahalikan siya sa pisngi. "Oh...maraming salamat, po," nakangiting sabi niya at niyakap siya ng mahigpit. "Mahal kita, Mon."
"Mahal din kita, mama." Namula ang pisngi ni Mon yumakap siya ng mahigpit sa kanyang mama. Nalanghap ni Becky ang pabango ng kanyang anak at napabuntong-hininga sa pagkakontento habang nagsisimulang umindayog siya ng dahan dahan.
Nakita ni Becky si Freen sa screen, professionally posing sa camera. "Napakaganda niya sa red carpet. She looks so confident." Napangiti si Becky. "Tingnan mo, nasa TV si Miss Freen."
Napalingin si Mon sa screen at nanlalaki ang mga mata. "Paano siya nakapasok diyan?"
Tumawa si Becky at pinagmasdan ang kanyang anak. "Magic." She stated.
"Whoa..." Napabuntong hininga si Mon habang nakatutok si Becky sa awkward na pose ni Freen kasama si Derrick.
"Ano ang ginagawa niya?" Kumunot ang noo ni Becky habang nakatingin sa screen. "She's overthinking it." Pinagmasdan niya si Freen na medyo nate-tense nang hahawakan siya ni Derrick habang naka-pose sila.
BINABASA MO ANG
Pasilyo
Fanfiction"Ikaw at ikaw" Si Freen ay nag vovolunteer sa isang charity work, nang makilala niya si Becky at ang kanyang dalawang taong gulang na anak; Nahulog at nasalo nila ang puso ng isa't isa ng hindi inaasahan. Characters: Freen Ferrer Rebecca "Becky" C...