~GD 17~Jiyong's Insight
Nakasalampak ako sa couch habang nagbabasa ng news online. Ilang months na ang nakalipas after ng debut ni Leana jagi, sobrang dami na ngayon ng mga nakakapansin sa kanya. Sunod-sunod ang mga schedules niya. Photo shoot dito at doon, commercials dito, acting doon.
"Hyeongbu!" tawag sakin ni Kimchi na kakapasok lang ng recording studio.
Nag-angat ako ng tingin at nginitian siya. "Kimchisaeng! What's up? Kanina pa kita hinihintay."
Naupo siya sa tabi ko at sumandal sa balikat ko. "Sorry na-late ako, natagalan ako sa dance rehearsal namin ni Youngbae oppa."
Tinapik ko siya sa ulo. "Arasseo! Magpahinga ka muna tapos mamaya start na tayo."
Mag re-release ako ng bagong album at feature siya sa isang kanta.
"Anong binabasa mo?" sabay sulyap niya sa screen ng phone ko.
"Binabasa ko lang 'yung update tungkol kay Jagi.." I said.
"Ahh.." she said. "She is a hit! I heard marami raw nagkakagusto sa kanya. Yari ka!" pananakot pa niya sakin.
Bumuntong hininga ako. "It was hard. Gusto ko ng aminin sa lahat na akin siya. Ako ang nagmamay-ari sa kanya. Ako ang boyfriend niya at pakakasalan ko siya. But I can't.." malungkot na nag-pout ako.
Tumuwid ng upo si Kimchi at pinisil ang ilong ko. "Joke lang hyeongbu. Himnaeyo~" she cheered for me. "Kilala ko si ate, hindi ka ipagpapalit nun kahit kanino. Wala kang dapat alalahanin. And about sa wedding proposal mo sa kanya," siya naman yung nag-pout. "Sorry ha? Kasi dahil sa announcement namin ni Yook kaya hindi matuloy ang wedding proposal na gusto mo.."
Pinisil ko rin siya. "Awwww.. it's okay. Kinausap din ako ni Appa sabi niya mag-ingat daw kami ni Jagi sa pagtatago ng relasyon namin. Kung gusto ko raw suportahan ang career ni Jagi dapat hindi lumabas sa public ang about samin."
"Aiyooo~~ nahihirapan ka na ba? Bakit naman kasi bigla na lang nag-showbiz si ate. If I only knew it would be like this sana napigilan ko siya dati na mag-audition,"dagdag pa niya.
I sighed. "It's okay, gusto ko naman na maging masaya siya sa career na pinili niya. Kekeke! Tama na nga mag-record na tayo."
Tumayo ako at lumapit sa computer sa table. "Kabisado mo na ba 'yung part mo?"
"Kinabisa ko siya kagabi habang nagbya-byahe..I'll try my best hyeongbu,"pumasok na siya sa recording room.
Mabilis natapos ang practice namin dahil fast learner naman si Kimchi.
***
Leana's Insight
"Aiyoo~ salamat!" nag-bow ako sa sikat na swimmer na umaming may gusto sakin.
Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. Six months na since nag-debut ako. Until now hindi ako nawawalan ng schedule. Sobrang busy ako lalo na at may bago akong drama na tine-taping. Supporting actress ang role ko sa drama na romantic-comedy ang genre.
Si Jiyong at ang buong Big Bang ay sobrang busy rin sa kani-kanilang solo promotions. Hindi na nga kami nakakakain ng sama-sama. Last time pa nung nag celebrate kami dahil sa debut ko. Si Kimchi at Yook ay hindi pa kinakasal. Sobrang dami nilang projects kaya wala pang time mag prepare. Kami naman ni Jiyongie ay sa tawag na lang madalas mag-usap.
BINABASA MO ANG
G-Dragon Balls (HIATUS)
RandomBIGBANG SERIES is a FAN-FIC story of the five kings. This series is composed of five different love stories of G-DRAGON, T.O.P, SOL, D-LITE AND VICTORY. This first series will release all the BOOK 1 stories. Book 1 story of G-DRAGON entitled "G-DRAG...