GD 7

57 2 2
                                    

GD 7

"Day 6: First Countdown"

Lea's POV

"Ano na naman?" Kakatapos lang ng usapan namin ni baby ng tumawag si Kimean.

("Anong na naman eh ngayon lang ako tumawag? Hahaha. Asan ka ba ngayon ate?")

"Malamang bahay, kagising ko lang. Bakit? Oy nga pala may boyfriend na ako bunso. Ayeeh! Magugulat ka pag nakita mo. Korean siya at ang gwapo niya!" excited na pag kwekwento ko.

Hindi ko pa nasasabi kay mama pero alam ko naman na susuportahan ako nun pag nalaman niya.

Silang dalawa nga ni bunso ang todo tulak sakin para mag-bf na ako. Takot na takot na tumanda akong dalaga.

("Weh? Di nga? Baka nananaginip ka pa.")

"Baliw! Seryoso ako dapat nga papakilala ko siya sayo kaso may schedule daw siya ngayon eh. Next time na lang.

("Kyaaaaaaaahhhhhh~ Seryoso? May bf ka na ate? Korean din? Wahhhh~~ ang galing naman. Dininig na ni BRO ang dasal ko. Gusto ko siyang makita! Alam na ba ni mama? Kelan pa naging kayo? Kelan ang kasal? Magiging tita na ba ako? Waah!! Deybak! Daebak! Omo!")

"Nyahaha! Kalma! Inhale~exhale. Ang dami mong tanong basta ipapakilala ko rin siya. Hanggang kelan ka ba dito sa London? Dalawin niyo naman ako dito sa apartment isama mo yang mga pinagyayabang mong grupo. Kamusta naman kayo nung Sungjae ba yun?"

Close kaming dalawa kasi nga kami lang naman dalawa ang magkapatid. Nung nagpunta siya sa South Korea sabi niya sa'kin dati sa skype na may nanliligaw sa kanya yung bias niya daw na si Jinwoon. Jusko! Kilala ko na rin yun kasi humaling na humaling nga siya dun. Sa kwarto niya pag pasok mo animo tindahan ng mga Kpop merch. Puro mga ganon, pati yung pillow niya may mukha pa nung Jinwoon. Ganyan yan kabaliw kapatid ko na yan. To think na nagpaganda pa talaga dahil lang nain-love sa isang lalaking ni hindi siya kilala.

And then, parang isang biro na kinwento niya sakin na nagmeet na raw sila ni Jinwoon. Akala ko masaya na siya okay na lahat until isang gabi nagskype sa'kin niloko lang daw siya. Haysh. Syempre alam ko yung pakiramdam ng maloko kaya naaawa ako para sa kapatid ko. Gusto ko siyang puntahan dun but I can't.

Little by little, pinayuhan ko siya god-fearing naman na bata yang si bunso tsaka alam ko mas strong pa yan sa'kin. Ayun, nagulat na lang ako ng bigla siyang magskype na papunta rin daw siya ng London at may ka-MU na raw siya na bago yung si Sungajae nga. Pinakita naman niya sa'kin sa Skype at totoo namang napaka gwapo nga rin.

("Ayun na nga eh, baka malapit na kami umalis. Okay naman kami ni maknae balak ko na nga ring sagutin. Nate-tempt na ako kung hindi nga lang ako nag-iingat masyado, pero pag punta namin dyan wag kang madaldal ate. Alam mo naman na secret lang yung sa'min. Bawal pa kasi silang makipag-relasyon. Teka, ano ba yan ikaw yung bida ngayon. I'm happy for you ate! Pag nagpropose yang bf mo oo ka na agad ha.. Wahaha.")

"Luka-luka ka talaga. Ako nga nauna mag confess ako pa ba mauuna mag propose. Haha. Oh anong oras pala tayo kita mamaya?"

("Ayysh! Oo nga pala kaya nga pala ako tumawag kasi hindi na naman tayo makakapag-meet. Nagkaroon ng biglaang guesting ang BTOB eh basta siguro bukas na lang. Sama mo na rin yung bf mo ha?")


"Ayyyyy ano ba yan? Cancelled na naman? Nung nakaraan din cancelled ahh. Wag ka na lang sumama sa guesting. Dito ka na lang pumunta sa bahay. Pasyal tayong dalawa."

("Eyyyyh! Hindi pwede ate! Kilala mo ba si G-Dragon? Ang gwapo nun isa siyang korean superstar. Kasama siya mamaya sa mga guest kaya kailangan kong pumunta para makita siya in person. Waahh. Kinikilig ako ang ganda ng mga pangyayari na nagaganap sa'tin dito sa London ate!")

G-Dragon Balls (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon