GD 8
Jiyong's POV
Hindi ako makapaniwala habang nakatitig sa picture na nasa harap ko.
Paanong?
Nilabas ko yung phone ko at tiningnan yung picture sa gallery.
Tinitigan ko yun pati yung picture na nasa laptop niya.
Pano niya nakita yun? Bakit nandun yun?
Pinakita ko sa kanya yung picture na nasa phone ko na kasama yung makulit na si Kimchi.
"I-isa ba sila?" naguguluhang tanong ko. "H-how.?" nalilito ako.
"How? Hindi mo manlang ba nakita na magkamukha kami? Ganon ba ako kawalang halaga sayo? Kasi pinaglaruan mo lang naman ako 'di ba? Ni hindi mo napansin na kahawig ko siya. She's my little sister. G-g.. D-dragon. Huh? I hope this was all a dream. Nanahimik ako sa mundo ko ng bigla kang dumating akala ko tayo na eh. Simpleng relasyon lang naman ang pangarap ko. Yung.. yung relasyon na may pagmamahalan at totoo. Of all the girls out there na pwede mong pag-trip-an bakit ako pa? Hindi ako malakas baka nga hindi ko na kayanin 'to eh. Bakit ako pa?" umiiyak na siya ng malakas.
Tinangka ko siyang hawakan pero iniiwasan niya ako.
Bakit nangyari 'to? Ilang oras na lang aaminin ko na sa kanya lahat. Bakit kailangang makita niya yan? Na-late lang ako ng konti. Sana sa bibig ko na mismo nagmula lahat.
"Hindi kita niloko. Sasabihin ko na dapat ngayon. Hindi rin totoo na hindi ko narecognize yung resemblance mo sa kanya nung nakita ko siya. Actually kaya nga ako nagpapicture gamit tong phone ko kasi balak ko siyang ipakita sayo. Akala ko nga nung nakita ko siya ikaw yun eh. I swear! Paniwalaan mo ako please.." sinasabunutan ko na lang yung sarili ko.
Sobrang gulo ng nagyayari. It is so frustrating.
Ayokong magalit siya sa'kin.
Please! Hindi ko siya kayang mawala siya sa'kin.
"Please paniwalaan mo ako!"
"Paniwalaan?! Pitong araw tayong magkasama! Napakadaming araw na nun para sabihin mo sa'kin yung totoong ikaw pero wala kang ginawa. Sabi mo nagbabakasyon ka lang dito! Sabi mo isa ka lang producer!" Ipinakita niya sakin yung music videos ko.
Kung saan mukha akong baliw.
"And what's this? Hindi ako makapaniwala na ikaw yan. How could you act so plain and normal when at the back of all hides the true you! Wala ka manlang bang puso?"
Gusto ko siyang lapitan at pahiran ng luha pero hindi ako makagalaw.
I planned seriously how to tell her everything including my feelings. I even bought a ring to propose. That is how deep my feelings for her is. That is how serious I am with her. Bakit? Pano?
"I-i.. p-please I can't believe how this happen? How she suddenly became your sister? Omo! Jjinja! Jagiya. I'm really sorry kung hindi ako nakapag pakilala ng ayos sayo. I planned to tell you who I really am pero natakot ako kasi.. kasi ayokong isipin mo na niloko kita. Ayokong isipin mo na intensyon kong saktan at lokohin ka-"
"Bakit hindi ba?! Di ba totoo naman na ganon ang plano mo? Well Mr. Kwon Ji Yong or shall I say SUPERSTAR G-DRAGON! Congratulations! You're really the best! YOU'RE THE BEST LIAR IN THE WHOLE WIDE WORLD! HOW DOES IT FEEL? NAKAKATAWA BA AKO? ANG TANGA KO BA? ANG GAGA KO NU? ANG DALI-DALI KONG LOKOHIN! NI WALA NGA AKONG INSTINCT EH. KUNDI PA DAHIL SA PICTURE NANG KAPATID KO SANA PINAGTATAWANAN MO PA RIN AKO NGAYON!!"
BINABASA MO ANG
G-Dragon Balls (HIATUS)
RandomBIGBANG SERIES is a FAN-FIC story of the five kings. This series is composed of five different love stories of G-DRAGON, T.O.P, SOL, D-LITE AND VICTORY. This first series will release all the BOOK 1 stories. Book 1 story of G-DRAGON entitled "G-DRAG...