GD 19

51 3 3
                                    
















~GD 19~


Lea's Insight




"Hindi mo ba ako kakausapin?" nakatayo ako sa harap ng bahay niya.

Hindi siya nagsasalita. Hinila niya lang ako papasok sa loob sabay sinara niya yung gate. Nagtitigan kaming dalawa. Tinalikuran niya ako.

Ako ang unang sumuko. Tumakbo ako sa kanya at nag backhug kagaya ng madalas kong gawin.

"I'm sorry Jagi. Inaamin ko kasalanan ko talaga. Dapat nagpaalam muna ako sayo bago ko sinuot yun. Kasalanan ko kasi hinayaan kitang saluhin lahat ng sermon ni Appa. I'm so sorry. Please! Wag mo na akong iwasan. Bati na tayo, huh? I miss you so bad," mahabang litanya ko.

Ilang minuto rin kami sa ganoong posisyon bago siya nagsalita. "What about Taeyang and you?"

"Us? Walang kami Jagi. Ano ka ba? Mangilabot ka nga sa iniisip mo. Hindi kita ipagpapalit lalong-lalo na sa kaibigan mo pa. Aksidente lang na natumba ako kaya nahuli mong nakasandal ako sa kanya," paliwanag ko pa. "I love you. I love you. Bati na kasi tayo, hindi ako maka-concentrate sa work because of you."

Humarap siya sa'kin. Tinitigan niya ako na para bang sinisiyasat niya ang buong pagkatao't kaluluwa ko. Nanlalambot ako sa titig niya parang nahigop ang lakas ko.

"W-why?"

Inilapit niya ang bibig sa tenga ko at bumulong sanhi para tumama ang mainit na hininga niya sa tenga ko. "I love you more than you love me. I miss you like there's no end to it. At mas lalo kang gumanda sa panahong hindi tayo nagkita."


Kinilig naman ako, syempre. Bigla niya akong hinalikan sa tenga at sa noo. "Yaah!" hinampas ko siya sa likod. "Wag kang ganyan baka hindi na kita mabitawan," tukoy ko sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Hmm, that's better," he chuckled.

"Pero seryoso," umagwat ako at tiningnan siya. Hinaplos ko ang pisngi niya niya sabay kinurot ko ng sabay ang magkabila niyang pisngi. "Uri jagi, kiyowo. Aang!"

"Omo!" kiniss niya ako sa labi.

Napakapit na lang ako ng mahigpit sa damit niya. That lips, I miss this sweet kiss.

Naramdaman kong umiinit na ang lahat sa pagitan namin kaya umagwat na ako sa takot na madala kami sa temptation. Nag-pout siya sabay kagat-labi. "Will you marry me now? Para naman maiuwi na kita rito sa bahay ko.."

Tumawa lang ako at pinulupot ko ang braso ko sa bewang niya. "Ikaw talaga Jagi. Gusto mo lang gumawa ng baby GD eh. Tsh! True love waits nga diba?"

Hinawakan niya ako sa ulo at medyo diniin niya kamay niya. "Oo na nga. Pff! I want to marry you so bad. I want to kiss you every minute. I want to be with you in bed, to cuddle you. My wish is to wake-up in the morning seeing your messy hair."

"Me too, sige. Tara pakasal na tayo. Oh kunwari naglalakad na tayo sa aisle. Kunwari araw na ng kasal natin tapos nakasuot na tayo ng damit pangkasal.." nag-abrisyete ako sa braso niya.

Magkasabay kaming naglakad sa garden ng bahay niya papasok sa loob mismo ng magara niyang bahay.

Kumakanta-kanta pa siya ng pangkasal na march sound. "Ikaw Kwon Ji Yong, tinatanggap mo ba si Leana Cipriano bilang kabiyak sa hirap at ginhawa."

"Yes na yes na yes!" hyper na sigaw pa ni Jiyong.

"Ikaw naman Leana Cipriano, tinatanggap mo ba si Kwon Ji Yong bilang kabiyak habang buhay?" tanong ni Jiyong.

Tumango at sumulyap ako sa kanya. "Opo. Promise na promise."

Naghalakhakan kaming dalawa. "You may now kiss the bride.." tapos inangkin niyang muli ang labi ko.

Binuhat niya ako papasok sa loob ng bahay niya at inihiga sa couch. Tinitigan niya ako ng matiim. "From now on, you're my wife."

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ng mahigpit ang kamay ko sabay lapat ng tenga niya sa dibdib ko. Ang lakas lalo ng kabog ng dibdib ko. Nasa ganon lang kaming posisyon, pinakinggan niya lang ang tibok ng puso ko hanggang sa makatulog na siya ng nakaganon.

Napangiti na lang ako habang hinahaplos ang buhok niya. "One day ikakasal din tayo Jagi. And if that happens.. I will be the most happiest person alive. I swear. I so much love you. But for now I know we have to do this..."


♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

G-Dragon Balls (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon