GD 5

69 2 0
                                    




GD 5

Leana's POV




There is one thing everybody wants to feel.. that is to be loved without begging for it.



Habang nakatitig ako sa mukha niya ngayon natatakot ako na baka matagpuan ko na lang yung sarili ko na nagmamakaawa sa pagmamahal niya.

Hindi naman siguro siya marunong mang gayuma 'nu? Kaya lang bakit ang tindi ng tama ko sa kanya? Bakit hindi ko maunawaan yung nararamdaman ko para sa kanya. Paano naging posible na makaramdam ako ng ganito. Napakabilis ng lahat, siya na agad yung gusto ko.

Ramdam na ramdam ko sa puso ko na siya na yung gusto kong iuwi sa'min.


Hindi ko 'to naramdaman kahit sa una kong naging boyfriend. Kasi lahat ng nangyari sa'min ng una kong minahal eh tama. Lahat parang planado. Dumaan pa kami sa matagal na ligawan bago ko siya sinagot. Nahulog yung loob ko sa kanya kasi niligawan niya ako. Kasi pinaghirapan niyang mapaibig-ako. Bakit sa kanya ang unfair?

Bakit kay Jiyong napakaiba ng nararamdaman ko? Lord I know it's your plan. I will put my trust in you and just follow everything that my heart dictates.




"K-kanina ka pa ba gising?" sabi ng naalimpungatang nilalang.




Pwede bang maging kami kahit magkaiba kami ng lahi?



Posible naman yun di ba? As long as nagkakaintindihan kami at iisa ang nararamdaman namin. Lahat posibleng mangyari.



"Hmmn. Medyo..naaliw akong pag masdan ka eh," nahihiyang amin ko.






Salamat sa kanya na nagsilbing nurse ko. Dito pa talaga siya nagpalipas ng gabi. Ngayon maayos na ulit ang pakiramdam ko.



"Ipagluluto kita ng breakfast tara sa kitchen," sabay alalay niya sa'kin.



Tahimik lang ako na sumusunod sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako. Nata-touch kasi ako. Dyeske!




Ito na nga ba sinasabi ko eh, konti na lang hindi na ako makakapag pigil masasabihan ko na talaga siya ng I love you. Baka hindi ko na siya pabalikin ng South Korea.




"Gwapo talaga ako kahit na bagong gising. I can't blame you if you stared at me that way," he said and gives me his priceless smile.





"Bear with me please!" I said.



Pinanuod ko siya habang nagluluto ng umagahan namin. Naiisip ko tuloy na para kaming mag-asawa sa ginagawa niyang yan. Gusto ko nang totohanin 'to.



Heto na talaga 'to wala ng bawian.



Pagkakain namin ay naligo ako habang siya naman ay nagligpit ng kinainan namin.



Wala eh, siya talaga gumawa ng lahat. Kakagaling ko lang daw kasi sa sakit. Amsweet niya talaga.









Simple lang naman ako manamit, naglagay lang ako ng lipstick at light blush on.



Naka-jeans ako at polo shirt na black tapos nakabalot sa leeg ko yung grey na shawl.





Nag spray ako ng paborito kong pabango and kinuha ko yung sling bag ko na nakasabit sa likod ng pinto.




Inaya ko siyang magsimba.





Sabi niya sasaglit lang daw siya sa hotel na tinutuluyan niya tapos ayun magsisimba na kami.











G-Dragon Balls (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon