GD 6
"Day 6: First day as couple"
Jiyong's POV
Nagmulat ako ng mata at agad na hinagip ang phone ko.
I call her.
Parang panaginip lahat ng nangyari sa'min kahapon.
Nag-confess siya sakin. Girlfriend ko na talaga siya ngayon.
Sa sobrang saya ko nakalimutan ko nang aminin sa kanya kung sino talaga ako.
Ang hirap kasi humanap ng tamang timing lalo pa ngayon na kakaumpisa lang namin.
Habang nag pe-pray ako kahapon sa simbahan kasama siya para akong isang bata na mag-co-collapse. I asked him to give me strength para maamin ko na kay Lea lahat.
Pakiramdam ko niloloko ko siya. Hindi naman kasi ako nagsinungaling when I said producer ako kasi producer din naman talaga ako. Kaya lang.. hindi ko pa rin inaamin sa kanya na superstar ako.
Matatanggap niya ba ako?
Bakit ba pakiramdam ko may mali sa pagiging G-Dragon ko. Naglaho ang pagiging conceited ko ng dahil sa idea na baka hindi niya ako magustuhan bilang isang artist.
Ayaw niya nga sa mga forte ko eh.
Kaso dapat na akong magtapat baka masaktan siya pag hindi pa ako umamin ngayon.
Hindi makumpleto ang kasiyahan ko dahil sa isang bagay na yun. Ngayon nagsisisi ako kung bakit hindi ako umamin sa kanya sa unang araw na nagkita kami. Bakit? Bakit?
Samantalang proud na proud akong ipagmayabang sa lahat na ako ang superstar na si G-Dragon. Bakit inilihim ko pa sa kanya.
"Hello Jagiya!" malambing na bati ko sa kanya.
("Hmm. Naalimpungatan ako sa tawag mo. What's that jagiya means it sounds music to my ears.")
"That means baby or honey. Do you like it? I always wanted to call my future-wife as that.."
("Ummn.. should I start making our wedding invitation dyagiya..")
"Kekeke~ andwae. We should do it together. And it's not dya baby it's JA-jagiya.. try it again."
("Eyy.. Jagiya, better?")
"I hope I am beside you now so I can give you my hug. Hmmmmnn. Saranghae Jagiya."
("Stop making me miss you more at this early morning.. Pff. Bumangon ka na at babangon na ako. Magkikita kami ng kapatid ko sama ka ba? Excited na akong ipakilala ka malamang matutuwa yun.")
Ohh yung Kpopper niyang kapatid? Patay baka kilala ako nun, anong gagawin ko.
Pinawisan ako bigla.
Dapat kasi nasabi ko na sa kanya kahapon sana pwede akong sumama sa kanya ngayon. Sana pwede kong ma-meet yung kapatid niya. Eysh. I feel so frustrated.
"I have something to tell you baby.. Hmm. I can't join your date now eh. Pasensya ka na may schedule ako today. Basta, next time babawi ako. Next time me-meet natin kapatid mo. For now, may kailangan kang malaman. I need to tell you something pero gusto ko sa personal sabihin 8pm sunduin kita sa apartment mamaya. Okay?"
("Ano ba yan? Ngayon mo na sabihin baby naku-curious na ako. Magpapaalam ka na ba? Di ba one month vacation ka rin.. Hmm. Okay naman ako sa long distance relationship pero kapag aalis ka na agad hindi pa ako ready. Kaka-ano pa lang nga natin eh.")
BINABASA MO ANG
G-Dragon Balls (HIATUS)
RandomBIGBANG SERIES is a FAN-FIC story of the five kings. This series is composed of five different love stories of G-DRAGON, T.O.P, SOL, D-LITE AND VICTORY. This first series will release all the BOOK 1 stories. Book 1 story of G-DRAGON entitled "G-DRAG...