GD 18

28 2 0
                                    

~GD 18~

Ji Yong's Insight

"How can you explain this??" sigaw ni appa.

Nakayuko lang ako habang sinesermunan. Noong nakaraang week kasi pumunta kami sa Japan sinuot ko yung leather jacket na kapareho ng binigay ko kay Jagi. After that day si Jagi naman ang dumating sa bansa galing sa shooting sa Taiwan. Hindi ko naman akalain na isusuot niya that day ang leather jacket na binigay ko sa kanya.

Ayun doon na nagsimulang kumalat ang pictures namin na suot ang parehong jacket. Kumalat na ang mga speculation na may relasyon kami ni Jagi. Lahat ng mga videos na magkasama kami naglipana na rin. Lahat ng mga gamit na meron ako at meron si Jagi napansin na rin nila. They really gathered evidence that will prove our relationship.

"Alam mo naman ang status ng career ni Leyana. Noong una pa lang na nag-debut anong sinabi ko sayo Jiyong? Sabi ko ingatan niyo ang relasyon niyo. Malayo ang mararating ni Leyana at hindi ito pwedeng mahadlangan ng mga scandals. Hindi ko tinutulan ang pagmamahalan niyo pero maliwanag kong sinabi na mag-ingat kayo, specially you,"mariin ang tinig na sabi ni appa. "You're the least person I expect to ruin her."

"Chesunghaeyo appa.." nakayukong sambit ko.

Matagal na sandaling nanahimik si appa.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "There may be a positive outcome for this but still don't reveal your relationship. This will be my last warning Jiyong. You may go,"pagtataboy niya sakin.

Nakahinga ako ng maluwag at nagmamadaling lumabas ng office ni appa. He's the CEO of YG Entertainment. I respect him. Nahihiya lang ako sa nangayayari. Nag-aalala ako na baka pati si Jagi masermunan niya. Sana naman wag na, ako na lang.

Agad kong hinanap si Kimchisaeng. Natagpuan ko siya sa recording room kasama si TOP hyung. Sinenyasan ko siyang lumabas sandali. "Hyeongbu! Wae? What's the matter? Napagalitan ka ba ni appa? Suspended ka ba? Ano??" histerikal niyang tanong.

"Hindi pa naman. Nasaan ang ate  mo?" alalang tanong ko. Hindi ko kasi ma-contact si Jagi.

Nalungkot ang mukha ni Kimchi. "Wala siya sa bansa ngayon. Hindi ba siya nakapagpaalam sayo? Kagabi biglaan siyang lumuwas sa London para sa pictorial niya. Naiwan niya yung phone niya sa dorm namin."

Nalungkot at nag-alala ako. Hindi pa naman yun marunong manghiram ng phone ng iba. 'Wala rin siyang dalang iPad or laptop?"

Umiling si Kimchi. "Wala naiwan niya rin. Alam mo naman yun tamad magdala ng mga ganon. Phone lang talaga ang palagi niyang dala kaso naiwan pa."

I sighed. Niyakap niya ako ng mahigpit habang tinatapik ang likod ko. "Ganon ba kalala? Eh di ba marami namang natuwa sa relasyon niyo. May fandom na nga agad kayo eh. Bawal pa rin ba talagang i-publicize?"

Umiling-iling ako. Lumabas TOP hyung sa recording room marahil ng makita na magkayakap kami ng best friend niya. "Anong nangyayari dito?"

Kumalas si Kimchi sa yakap at bumaling kay TOP hyung. "Ano ka ba Tappa? Kahit kelan huli ka sa balita. Try mo namang i-update ang sarili mo. Napapagod na ako ng kaka-explain everytime may ganito."

"Sungit nitong batang to,"siwalat ni TOP hyung.

Iniwan ko silang dalawa na nagbabangayan pa rin. Wala silang kamalay-malay na nakalabas na ako ng recording studio.

Nakasalubong si CL habang naglalakad palabas ng building. "Jiyong, saan ka pupunta? Akala ko may practice tayo?" may promotion pa nga pala kami para sa kanta ko.

"Sorry CL may kailangan lang akong puntahan. Ikaw na lang muna ang maunang mag-practice hahabol ako,"at nagtatakbo na ako pasakay sa kotse.

I tried to call her manager pero unattended. I tried also her stylist and cameraman. Finally, na-contact ko rin ang stylist niya. Agad kong hinanap si Jagi.

G-Dragon Balls (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon