GD 4

79 3 0
                                    

GD 4

"Date: Day 4"

"Hoy! Saan ka na naman ba pupunta at nagtataxi ka lang huh? Paano pag may nakakilala sayo? Naku! Ikaw talaga. Tsaka bakit para ka laging aattend ng seminar sa mga suot mo. Hindi naman ganyan ang fashion ng isang one of a kind GD. Umamin ka nanchichix ka 'nu?" sermon ng manager niya.

Nag spray ako ng pabango at nanalamin.

Simple lang mga get-up ko ngayon. Hindi ako yung fashion icon sa ngayon. Ako si Kwon Jiyong, normal guy, a producer who lives in South Korea.

Walang eyeliner. Walang kahit anong make-up.

Naka- skinny black jeans lang ako at shirt tsaka ako nagsuot ng jacket. Ayokong makita niya ang katawan ko. Baka magulat siya sa mga tattoos ko.

Three days o four days na pala kaming magkakilala. Paapat na araw na namin ngayong magdedate. As in, straight date kami. Asteeg!

Ayun nga, sa loob ng tatlong araw nakuha ko na agad yung ugali niya. Alam ko na kung ano yung mga gusto niya at ayaw. Madali na lang isipin kung paano ako mananamit pag kasama siya.

Hindi ko naman siya masisisi. Yung mga seryosong tao na kagaya niya, hindi na rin talaga nakakapagtaka kung ayaw sa lifestyle trend ngayon. Sabagay, twenty-five na siya eh. Ako naman kaka-twenty-six lang.

Halos maluha ako nung tinatanong ko siya about sa mga likes and dislikes niya. Wazzup yow! Lahat ng ugali ko yun yung ayaw niya. Paano ko pa aaminin sa kanya na ako ang sikat na singer na si GD.

Natatakot akong lalayuan niya ako. Hindi niya ako matatanggap. To think that she's a religious decent person.

Samantalang ako, may relihiyon nga pero mukhang addict naman. Kapag sinearch niya ang name ko sa google natatakot ako sa mga maari niyang matuklasan. Mabasa o makita.

Tapos nakwento niya pa yung about sa past niya na nagbreak sila nung almost six years bf niya. Biktima siya ng isang kasinungalingan.

Alam ko na hindi niya type ang isang GD. Kwon Jiyong ang taong gusto niya.

Pero alam ko naman na lumalalim na yung pagtingin ko sa kanya. Sooner or later kailangan ko na ring ipagtapat sa kanya ang lahat. Lalo pa at magiging busy na ako after this one month vacation.

"Shhhkk. Di ba bakasyon ko naman 'to hyung? Mag liwaliw ka nga mag shopping ka naman para masulit mo tong London," katwiran ko. Sinuot ko yung shades ko. "Gal kke. Haeng syo!" paalam ko.

"Yah~Eodiga? Jiyong-ah.."



*

"Huh? Bakit? What happened? Pupuntahan kita nasan ka ba? Okay, on the way na ako."

Tinawagan ko siya para itanong kung nasaan na pero imbes na ang malambing at malamyos na boses ang marinig ko ay isang nanghihinang tinig ang sumagot.

Masama raw ang pakiramdam niya at may lagnat daw siya. Hiningi ko yung address ng apartment niya para mapuntahan ko siya. Ang alam ko mag-isa lang siyang nag i-stay sa apartment na inuupahan niya. Naka-leave rin siya ng one month para mag bakasyon at magpahinga.

Nadatnan ko siyang pawisan at nakabalot sa katawan ang comforter. Namumutla at mukhang pagod at weak.

"Sheet! Anong nangyari sayo? Kumain ka na ba?" tanong ko sa wikang english.

Pumasok kami sa apartment niya.

"H-hindi pa nga eh.. hindi kasi ako masyadong marunong magluto kaya kadalasan bumibili or nag papa-deliver lang ako. Pasensya ka na kung magulo ngayon dito alam ko pa naman dislike mo ang mga makakalat. Sorry talaga.." humiga siya sa sofa bed na nasa living room.

G-Dragon Balls (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon