CHAPTER 1

69 6 0
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Ma!!! Pa!!! Bakit...Huwag niyo akong iwang mag-isa!!!"

Matinding iyak ng batang si Lorraine sa eksaktong araw ng libing ng kaniyang magulang. Namatay ang mga ito sa isang aksidente sa daan na pinaniniwalaan nilang ang dahilan ay ang sasakyang ng may-ari ng Alarcon Corporation.

Makalipas ang isang buwan ay balot pa rin ng galit at paghihimutok si Lorraine kaya naman kahit umuulan ay pumunta siya sa mansion ng Alarcon.

"Pagbayaran niyo ang ginawa niyo sa magulang ko! Mga hayop kayo!!! Magsilabas kayo riyan!!!"

Malakas na sigaw ni Lorraine ngunit hindi naman siya hinarap ng pamilya Alarcon tanging ang kasing edad niyang babae na nasa bintanang nakatanaw sa kaniya ang kaniyang nakita na pinakatitigan niya ng masama.

Makalipas ang ilang taon at papasok na sa kolehiyo si Lorraine na hanggang ngayon ay malungkutin pa rin.

"Apo, mag-iingat ka sa pagpasok ah, pasensiya ka na at hindi ka na naming masamahan ng lolo mo sa unibersidad mo"

"Naku La, walang problema, ang mahalaga po eh maayos po kayo at magpahinga na lang po kayo rito sa bahay"

"Oh siya apo, itong baon mo, mag-iingat ka ah"

Bilin ng kaniyang lolo at lola. Agad naman na lumabas na nang bahay si Lorraine papunta sa kaniyang University. Major in Education ang kaniyang kinukuha.

Habang naglalakad ay napansin niya ang sunod-sunod na sasakyang itim na mamahalin na dumaan sa kalsada, agad na kumulo ang kaniyang dugo nang makita kung kanino ang mga iyon.

"Makikita niyo Alarcon, makakaganti rin ako sa ginawa niyo sa magulang ko!"

Seryosong sabi ni Lorraine na ngayon ay nanlilisik na ang mata sag alit. Ilang minute pa ay kinalma niya na rin ang sarili upang maging maayos ang kaniyang pakiramdam sa unang araw ng kaniyang klase.

Nang makarating sa kaniyang unibersidad ay agad naman siyang tumuloy na sa kaniyang unang klase. Mababatid ang saya sa kaniyang mukha nang makita ang mga kaklase.

Nang magsimula ang klase ay alam ni Lorraine na hindi siya magpapatalo sa lahat, aim niya ang makakuha ng scholar upang makatulong sa kaniyang lolo at lola. Agad na nagpasikat ng talino si Lorraine at sunod-sunod ang nakukuha niyang matataas na marka sa mga quiz nila.

Sa sumunod na klase ay agad natahimik ang lahat ng pumasok ang isang studiyante na halos 5'7 ang taas at mayroon din kagwapuhan ang mukha.

"Wow! Classmate natin si Anthony Delavega! Naku ang gwapo niya at sobrang matalino pa!"

Bulungan ng mga kaklase ni Lorraine ngunit para sa kaniya ay wala naman siyang pakilam ngunit bigla siyang nahinto nang marinig na matalino ito. Biglang napapangiti ng tuso si Lorraine pakiramdam niya ay mayroon na siyang makakatapat ng talino sa klase ngunit hindi siya magpapatalo.

A Hundred sixty days to your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon