CHAPTER 2

37 7 0
                                    


Tulalang nakatitig si Lorraine ngayon sa cellphone ni Anthony na ngayon ay duguan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tulalang nakatitig si Lorraine ngayon sa cellphone ni Anthony na ngayon ay duguan. Naghihintay sila sa katawan ni Anthony upang maidala na sa bahay nila at lamayan nang may matanggap siyang text sa cellphone mismo ni Anthony.

"Sir, okay na po ang lahat sa park"

Sabi sa text kaya naman naalala ni Lorraine ang sinabi ni Anthony tungkol sa surpresa sa kaniya, agad na tumakbo ng mabilis si Lorraine para pumunta sa park upang makita ang sinasabi nitong surpresa.

Nang makarating sa favorite spot nila sa park ay halos manghina si Lorraine nang makita ang maraming tables and chairs at mga balloon at bulaklak pati ang nakalagay na "Happy Birthday to the woman I love in the whole world, Lorraine"

Namuo lalo ang luha ni Lorraine at napaluhod na sa iyak, kahit marami ang tumitingin sa kaniyang tao ay wala na siyang pakialam at humagulgol lang ng malakas.

"Anthony...!!! Hmmmm Anthony...hindi ito totoo...hindi...Hmmm...sob*sob*...bakit ganito...sabi mo magiging masaya na ako rito sa park...sabi mo aalisin mo ang malungkot na ala-ala ko rito...pero bakit ganito...hmmmm Anthony...hmmmm"

Luhaang sambit ni Lorraine na halos hindi na makabangon sa iyak lalo pa nang umulan ng malakas, nagtatakbuhan na ang mga tao ngunit siya ay naiwan pa rin na nakaluhod sa harap ng mga balloons at bulaklak.

Samantala sa hindi kalayuan ay may isang taong nakatayo at nakatanaw sa kaniya habang pinapayungan ng kaniyang mga bodyguard.

"Hello Dad, inabutan kami ng ulan dito sa park, no worries, kinukuha na po nang driver ang—"

"Hello iha? Are you okay?"

"D-Dad...ang sakit...my heart...its painful"

"Amanda? Amanda!?"

Hindi naman na nakasagot ang dalaga nang manakit ang dib-dib nito at tuluyan nang nahimatay kaya naman sinugod ito sa hospital.

Si Lorraine naman ay basing-basa nang makauwi sa bahay nila, nag-aalalang sinalubong siya nang kaniyang lolo at lola at nang harapin niya ang mga ito ay nahimatay na lang si Lorraine dahil sa taas ng lagnat nito.

Lumipas ang limang buwan at magtatapos na si Lorraine sa kolehiyo na halos hindi na magawang ngumiting muli, hindi na rin naging masayahin ang dalaga at palagi lang na nag-iisa, madalas na rin siyang nagkukulong lang sa kwarto.

Habang si Anthony bilang isang ligaw na kaluluwa ay pilit na kinakausap ang nagkukulong sa kwarto na si Lorraine, lahat ng pagpapagalaw ng gamit ay ginagawa na ni Anthony para maipaalam sa kasintahan na nasa tabi lamang siya.

Durog na durog ang puso niyang makita si Lorraine na halos hindi na ngumingiti at hindi na rin nakikipaghalubilo sa iba. Minsan pa ay nagkakasakit ito ngunit tinitiis lang ang sarili.

"Please naman Love...huwang ka naman ganyan sa sarili mo...ako lang ito, marami pa ang pwedeng mangyari sa iyo, magiging masaya ka pa, please...nasasaktan din ako makita kang ganito...kung mayroon lang ako oras at chance na makasama kang muli at mahawakan...hmmmm sob*sob* hmmm"

A Hundred sixty days to your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon