CHAPTER 5

23 4 0
                                    

"Diyos ko, nasaan na kaya si Anthony, makakapasok pa kaya siya sa katawan ng babaeng iyon?"

Tanong ni Lorraine sa kaniyang sarili habang naglalakad pabalik-balik sa labas. Naghihintay siya at nag-aalala mula nang komprontahin siya mismo ni Amanda tungkol sa mga nangyayari.

Samantala natitigilan naman si Anthony na nasa katawan ngayon ni Amanda kaharap ang matandang babae na hindi niya kilala, wala siyang nagawa nang bigla itong pumasok.

"Tutulala ka na lang ba riyan? How about offering me some juice or snacks!"

Bulyaw ng matanda kaya naman natatarantang tumayo si Anthony sabay takbo papunta sa kusina ng unit ni Amanda.

"Lintik! Ano naman kaya ang gagawin ko? Ni hindi ko nga alam nasaan na ba ang mga pagkain niya rito?"

Pagmamaktol ni Anthony sa sarili nang maka-isip siya ng idea, kailangan niyang magising ang katawan ni Amanda upang bumalik ito sa senses niya at siya na muna ang pumalit.

Agad na naghanap ng papel at ball pen si Anthony para magsulat ng mensahe kay Amanda once magising ito. Maya-maya ay isang malakas na kurot ang ginawa niya sa braso ni Amanda upang magising ito pero hindi ito gumagana kaya naman naka-isip siya ng mas matinding paraan.

Anthony holds a very small knife na nakita niya sa kusina ni Amanda and ready himself sa binabalak na gawin. Sinimulan niyang hiwain ang gitnang daliri ni Amanda creating a very small wound na agad naman nagdugo sabay patak ng alcohol na talaga naman humapdi.

Ilang minuto pa habang nagsisisigaw na ang matandang naghihintay ay nakaramdam ng pagkahilo si Anthony sabay biglang tumilapon sa gilid ng kusina.

Napaupo siya sa lapag dahil sa pabugsong pagkagising ni Amanda na ngayon ay nagtataka sa sarili niya.

"Ahhww! Shit...what is this?"

Biglang sambit ni Amanda nang maramdaman ang hapdi ng kaniyang daliri. Agad na napalingon siya sa table at nabasa ang sinulat ni Anthony.

"Ms. Amanda si Anthony po ito, may bisita po kasi kayo sa sala, hindi ko po kilala, kaya kinailangan na gisingin ko kayo, ahmm pasuyo na lang po sana kay Lorraine na masabi ang dahilan kaya hindi ako makapunta sa kaniya ng maaga- Anthony"

Nang mabasa ang note na sinulat ni Anthony ay agad si Amanda naglakad papunta sa sala niya at biglang nagbago ang mukha nang makita ang matanda.

Gumuhit ang pagka-irita sa mukha ni Amanda sabay umupo nang naka-cross legs and cross arms sa harap ng matandang babae.

"Where is my drink and snack?"

Taas kilay na tanong ng matanda.

"I don't have any pero ano nga ba ang ginagawa niyo rito? I don't remember we have scheduled to meet here?"

Pagtataray na tanong pabalik ni Amanda.

"Well, gusto ko lang sabihin na wala kang karapatan tratuhin ng ganoon ang anak ko lalo sa harap ng ibang tao sa opisina!"

Napa-rolled eyes naman si Amanda sa sinabi ng matanda.

"Why? He is still an employee of my company, kayo ang nagpumilit kay Dad na ipasok siya sa kumpaniya ko hindi ba? So huwag kang aastang kahit ano na pupunta rito just to nag me! Know your place! Kung ayaw mong mas maging bastos pa ako, umalis na kayo!"

Matigas na sambit ni Amanda sa natigilang matandang babae sabay padabog na tumayo at lumabas ng unit niya. Nang makalabas ito ay halos napabuntong hininga si Amanda dahil sa sobrang kaba niya knowing that it was Anthony who actually entertained her stepmother earlier, agad na tinignan ni Amanda ang kaniyang relo at halos mag-aalas onse na ng gabi kaya naman mabilis siyang lumabas ng pinto sabay nag-drive papunta kanila Lorraine.

A Hundred sixty days to your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon