"Raine"
Sa narinig na sinabi ni Amanda ay biglang napabitaw si Lorraine at napatitig sa kaniya na puno ng tanong ang mukha.
"How did you know my nickname?"
Nagtatakang tanong ni Lorraine sa biglang natatarantang si Amanda na halos hindi alam ang isasagot niya.
"Ha?"
Sagot ni Amanda na habang kumabog ang dib-dib.
"Sabi ko, paano mo nalaman ang nickname ko, iilan lang ang sinabihan ko niyan, even Anthony don't know that kasi kinalimutan ko na ang katawagan sa akin na iyan"
"W-Well, it is within your name, Lorraine, Raine...hindi ba, I just felt comfortable lang sa'yo kanina kaya...I said that"
Biglang lungkot ng mukhang sambit ni Amanda na hindi niya alam kung kakagatin ba ni Lorraine ang paliwanag niya.
Tinitigan muna siya ng matindi ni Lorraine bago ito nagsalitang muli.
"Hmmmm okay...akala ko kasi—"
"—nope! I never met you before so I don't know na iyon ang nickname mo..."
"Alam ko naman, ahmmm sorry nga pala kung nainis ako, siguro nakakapagod lang ang ganung eksena, iyong mga taong napapahiya, pinapahiya, kinakawawa, inaapi...kung sana lang meron tayong mga personal superhero na magtatangol sa atin kaya lang kahit meron, iiwan rin naman tayo..."
Malungkot na sabi ni Lorraine na nagpalunok laway kay Amanda, somehow she knows Lorraine's sentiment na kahit gusto niyang amuin ay hindi niya alam kung saan sisimulan.
"But then...not everyone na naaapi sa harap mo, worth it ipagtanggol, ang hirap kasi magtiwala ngayon..."
"Well tama ka, pero hindi rin lahat ng nangakong ipagtatanggol ka, magii-stay, lalo kung babawiin sila ng kamatayan, anong laban ko doon"
Parehas na napabuntong hininga ang dalawa habang nakasandal sa kotse at napatingin sa isat-isa at sabay tumawa. Natutulala naman si Anthony sa dalawang babae nang mapagtanto ang isang bagay at tumitig ng malamlam kay Lorraine.
Ilang minuto pa silang nakahinto sa kotse at sa kalsada nang humarap si Amanda kay Lorraine.
"Ice cream, gusto mo?"
Tanong ni Amanda at parang bata naman na tumango si Lorraine, agad na pumasok ang dalawa sa loob ng kotse sabay paandar ni Amanda papunta sa malapit na convenient store. Sabay nilang pinagsaluhan ang isang gallon ng ice cream na ikina-tawa ng malakas ni Lorraine dahil para silang mga batang gutom sa ice cream.
Nabalot ng kwentuhan at masayang hapon ang dalawa hanggang nakauwi sa bahay nila. Paakyat na sana si Amanda sa kaniyang kwarto nang magsalita si Lorraine.
"Thank you...I had fun"
Simpleng ngiti naman ang tinapon ni Amanda sa kaniya sabay nagtuloy na umakyat, nang makarating sa kaniyang kwarto, unti-unting napaupo siya sa lapag at sumandal sa pintuan nang marahan na inuuntog ang ulo habang nag-iisip.
"Damn Amanda...ano ba ang ginagawa mo...hmmm you can't be like this...hindi pwede!"
Pagsaway sa sarili na halos mamuo na ang luha sa mata, alam niya sa sarili na hindi siya pwedeng maging palagay ang loob sa kahit na sino, lalo kay Lorraine.
Matapos makapagpalit ng damit ay agad nang nag-charge si Lorraine ng cellphone sabay bumaba upang magluto ng dinner, all smile siyang nagluluto nang bumaba si Amanda kaya binati niya ito.
"Uy, malapit nang matapos ang niluluto ko, sabay na tayo kumain ah"
Masayang bati ni Lorraine nang magsalita ito.
BINABASA MO ANG
A Hundred sixty days to your heart
SonstigesA HUNDRED SIXTY DAYS TO YOUR HEART (BLURB) Ano kaya ang mangyayari kung ang kaluluwa ng yumaong boyfriend ni Lorraine na si Anthony ay kusang sumasanib sa katawan ng babaeng kaniyang kinamumuhian dahil anak ng lalaking sanhi ng aksidente ng kaniyang...