"Hindi ako makapaniwala na mangyayari ito love! Na makakausap kitang muli"
Luhaan na sambit ni Lorraine kaharap si Anthony sa katawan ni Amanda.
"Talaga? Hindi ka ba naiilang kasi babae ang katawan ko ngayon?"
Natahimik naman si Lorraine sabay bumuntong hininga bago magsalita.
"Well, hindi lang ako makapaniwala na sa dinami-dami ng tao eh bakit sa babaeng ito pa"
"Ha? Teka kilala mo ang babaeng ito?"
"Really love? Hindi mo siya nakikilala?"
Napaisip naman bigla si Anthony nang magsalitang muli si Lorraine.
"She is Amanda Alarcon"
"What!? Seriously? Whoa! Kaya pala ang yaman niya, sa totoo lang love ang laki ng building nila pati opisina niya at lahat ng gamit niya, akalain mo bang mayroon siyang sariling billiard pool sa condo niya"
"Yeah right! Yayaman talaga ang mga gahaman at masasamang tao! What can we expect! Hays! Siguro kailangan kong sanayin ang sarili ko at mata ko ngayon kung sa babaeng ito ka lang talaga pwedeng sumanib"
"Hindi ko nga rin maintindihan, sinubukan kong sumanib sa iba pero hindi ko magawa though, may oras na hindi ako makasanib sa kaniya ng kusa tapos minsan bigla ko na lang nakikita sarili ko sa loob na ako ng katawan niya"
"Hmmm mediyo weird and mysterious pero sa tuso at talino ng babaeng ito, for sure alam niya na ang nangyayari sa kaniya kaya kailangan natin paghandaan ito"
"Ano ang plano mo love? Kailangan nating gawin agad kasi baka bigla nanaman akong mawala sa katawang ito eh"
Sa sinabi ni Anthony ay tinignan lang siya ni Lorraine sabay ngumit.
"Ako na ang bahala! Hmmm sa ngayon, gusto ko muna ma-enjoy na kasama kita kahit ayoko ng katawan mo tsk!"
Sambit ni Lorraine sabay yakap ng mahigpit kay Anthony na sinalubong naman din niya ng yakap ito.
Matapos ang pag-uusap nila ay agad na rin nagpaalam si Anthony kay Lorraine na kailangan na niyang umalis bago pa siya maitaboy sa katawan ni Amanda.
Agad na sumakay si Anthony sa sasakyan ni Amanda sabay pinaandar ito agad, habang nasa kahabaan ng biyahe niya ay bigla siya nakaramdam ng sakit ng ulo at alam niya na agad ang ibig sabihin nito kaya naman hininto niya ang sasakyan sa tabi ng kalsada sabay isinandal ang ulo niya nang bigla na lang siyang maalis sa katawan ng babae.
Laking gulat ni Anthony nang nasa likod na upuan na siya ng sasakyan.
"Naalis nanaman ako, ano kaya talaga ang nangyayari? Bakit ako nakakapasok at nakakaalis ng kusa sa kaniya?"
Tanong ni Anthony habang nakaharap kay Amanda na ngayon ay kakadilat lang at gulat na gulat kung nasaan siya ngayon.
Agad na kumilos naman si Anthony sabay labas ng sasakyan at naglakad pabalik sa bahay ni Lorraine.
Naghahabol naman ng hininga sa gulat si Amanda nang makita ang sarili sa loob ng sasakyan niya, napatingin rin siya sa kaniyang damit at nagtatakang iba na ang suot niya.
"Bakit nangyari nanaman ito? Fuck! Am I sleep-walking? Pero I'm here in my car, paano naman mangyayari na sleep walking ito? Oh God, what is going on with me?"
Napapayuko sa manibela si Amanda sa pagkalito at pag-aalala sa sarili niya hanggang sa maisip niya isang bagay sabay napasingkit ang mata at pinaandar ang sasakyan.
Dahil sa halos mag-uumaga na ay hindi na nagawa pa ni Amanda ang makatulog hanggang sa minabuti niya na lang na pumasok sa opisina.
Masaya naman si Lorraine dahil kahit papaano ay nagkaroon pa rin nang paraan para makasama at makausap niya ang kasintahan kahit sa katawan ng babaeng kinamumuhian niya.
BINABASA MO ANG
A Hundred sixty days to your heart
RandomA HUNDRED SIXTY DAYS TO YOUR HEART (BLURB) Ano kaya ang mangyayari kung ang kaluluwa ng yumaong boyfriend ni Lorraine na si Anthony ay kusang sumasanib sa katawan ng babaeng kaniyang kinamumuhian dahil anak ng lalaking sanhi ng aksidente ng kaniyang...