Lumipas ang isang araw with the same routine with Anthony and Amanda, hanggang sa araw na lilipat na si Lorraine sa bagong bahay nila, wala siyang magawa kung hindi magsinungaling na lang sa lolo at lola niya na kailangan niyang magtrabaho.
Sa kanto hindi kalayuan sa bahay nila Lorraine, nakaparada ang sasakyan ni Amanda na susunduin siya papunta sa bagong bahay, walang hired driver at si Amanda lang ang nasa driver's seat ngayon.
"Let's go"
Simpleng sambit ni Amanda sabay pinaandar ang sasakyan at tahimik lang sila sa biyahae habang kausap ni Lorraine si Anthony kaya naman panay na ang bulong niya.
"Are you okay love? Sorry dahil kinailangan natin gawin ito"
Mga salitang lumitaw sa cellphone ni Lorraine. Nagsimula naman siyang bumulong.
"Gusto ko naman na rin ito love...don't worry I am okay"
"I love you love...sleep ka na muna"
Nang mabasa ni Lorraine ay bumulong naman siya agad.
"I love you too love. Sige subukan ko maidlip"
Sambit ni Lorraine at nanahimik na lang habang napapapikit na nakasandal. Si Amanda naman ay nagsuot ng shades at tahimik lang din na nagmamaneho habang palihim na napapatingin kay Lorraine.
Halos isang oras at kalahati rin nang makarating sila sa bahay na titirahan nila. Isa-isa naman na binuhat ni Lorraine ang kaniyang gamit at maleta, pati ang ibang damit ni Anthony na sa tuwing gabi ay pwede niyang pabihisin si Amanda nito upang komportable na ang lalaki sa damit na suot niya.
Nang parehas na silang makapasok sa loob, halos manlaki ang mata ni Lorraine dahil sa laki at lawak ng bahay.
"A-Ang laki...tayong dalawa lang ang titira rito?"
"That is not what we supposed to talk about"
Simple pero mataray na sambit ni Amanda na ngayon ay umupo na sa couch in cross arms and legs at nakaharap kay Lorraine.
"Ano ba ang dapat natin pag-usapan?"
"Take a sit"
Umupo naman ng maayos si Lorraine sa kaharap na couch ni Amanda.
"Alright, we need to talk about the rules, I guess Anthony is around naman to hear us and you can talk to him right?"
"Sige lang, tell us what you want to discuss"
Sambit naman ni Lorraine sa seryosong si Amanda.
"Okay, about the house rules, Anthony can use my body sa gabi or dapat oras na nang pahinga ko, I will wear the clothes he intended to wear para hindi ko na kailangan maghubad! Second, tuwing umaga, since ako na ang nasa katawan ko, ako ang masusunod, as much as possible, walang pakialamanan, kaya malaki ang bahay na ito for our each other's privacy and third, Anthony needs to know a bit about my family and mga kakilala ko sa opisina in case may kung ano nanaman or kung sino nanaman ang biglang makakilala sa kaniya while I am not in my body"
"Don't worry, may mga dala akong damit ni Anthony and about sa dapat pag-aralan, kalian naman iyan natin gagawin?"
"Sa weekend wala akong pasok, and also there will be a Friday girl or maid na pupunta rito to clean, and sa food, ako na ang maggro-grocery and if gusto ninyo mamasyal, ayoko sa hindi ko alam na lugar, kung may plano kayong umalis or pumunta kung saan, along dito lang and I need to know bago ako makatulog"
Napapabuntong hininga naman si Lorraine sa lahat ng naririnig kay Amanda na halos puro rules lang niya ang mga ito.
"Hmmm okay..."
BINABASA MO ANG
A Hundred sixty days to your heart
RandomA HUNDRED SIXTY DAYS TO YOUR HEART (BLURB) Ano kaya ang mangyayari kung ang kaluluwa ng yumaong boyfriend ni Lorraine na si Anthony ay kusang sumasanib sa katawan ng babaeng kaniyang kinamumuhian dahil anak ng lalaking sanhi ng aksidente ng kaniyang...