CHAPTER 7

29 5 0
                                    

"Sandali lang! Anong titira sa isang bubong?"

Kunot noong tanong ni Lorraine kay Amanda na pasakay na ng kotse.

"Hindi naman pwede na ang sitwasyon na ito ay para sa inyo lang! Mayroon din akong buhay at hindi ko hahayaan na maulit uli ang nangyari last night! Wala ni isa sa pamilya ko ang dapat makaalam nito!"

Matigas na sambit ni Amanda sabay sakay sa loob ng kotse ngunit natitigilan naman si Lorraine sa labas kaya naman nasigawan siya ni Amanda na ikinainit na rin ng ulo niya.

"Sasakay ka ba o hindi!?"

"Hindi bali na, baka mahawa pa ako ng ugali mo! Hindi na ako magtataka bakit mukha kang kulang sa aruga!"

Sambit ni Lorraine sabay pabagsak na sinara ang pintuan ng kotse at naglakad palayo, nag-aapoy siya sa init ng ulo ngayon, sumisiklab ang galit na nasa kaibuturan ng puso niya dahil sa pagkawala ng magulang niya dahil sa mga Alarcon.

"Mas gusto ko pang maglakad kaysa sumakay sa bwesit na iyon!"

Sambit ni Lorraine habang naglalakad sa kahabaan ng high-way nang maalala niya ang tungkol sa talisman.

Dinukot niya ito sa kaniyang bulsa at marahan na idinikit sa kaniyang cellphone, naghintay siya kung anong mangyayari pero wala naman kakaiba sa kaniyang cellphone kaya naman aalisin niya na lang sana ang talisman nang biglang naging black ang background nito at nag-appear ang mga salita.

"Love"

Unang salita na lumitaw kaya naman napalingon sa paligid si Lorraine.

"Love? Kasama ba kita ngayon?"

Tanong niya nang biglang nag-iba ang salita na nakasulat sa cellphone niya.

"Oo kanina pa ako nasa tabi mo, bumalik ka na kaya kasi malayo itong lugar na ito"

Sunod-sunod na paglitaw ng mga salita, halos mapaluha si Lorraine dahil totoo ngang nakakausap niya na ang yumaong boyfriend.

"Pwede naman pala ang ganito, baka naman pwede na rin na hindi ka sumanib sa bruhang iyon!"

Inis na sambit ni Lorraine.

"Narinig mo hindi ba, wala tayong magagawa kung hindi maghintay matapos ang nakalaan na araw, sa ngayon kailangan mo pa rin pakisamahan si Ms. Amanda"

"Alam mo naman love kung gaano ko kinamumuhian ang pamliya niya!!!

Biglang sigaw ni Lorraine dahil sa inis nang magbago ang salitang nasa cellphone niya.

"Oo na love, naiintindihan ko naman, pero wala na tayong magagawa, sa ngayon kailangan mo tumira kasama siya, kahit sa katawan niya eh gusto ko pa rin maramdaman ka at mayakap"

Sambit ni Anthony na nakapagpakalma naman kay Lorraine, bigla siya nakaramdaman ng awa sa kasintahan, kahit siya ay gustong gusto rin mayakap at makasamang pisikal si Anthony kaya naman isang malalim na buntong hininga lang ang ginawa niya at sinubukan na i-relax ang sarili.

"Oh sige na nga, payag na ako, makasama lang kita sa nakalaan na araw ay titiisin ko ang presence ng bruhang iyon"

"Thank you love, mamaya mayayakap kita ulit, hindi na ako makapag-hintay...tawagan mo si Ms. Amanda, kailangan mo ng sasakyan, malayo mula rito papunta sa bahay"

Sabi naman ni Anthony at isang buntong hininga muli ang nagawa ni Lorraine, wala siyang choice kung hindi tawagan si Amanda para hingian ito ng tulong.

Bwesit na at napapairap naman si Amanda sa ginawang pagbagsak ng pinto ng kotse niya ni Lorraine sabay salita ng driver.

A Hundred sixty days to your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon