Nagbalik bigla ang ala-ala ni Lorraine nang makita ang taong hindi niya inaasahang makita.
"Parang awa niyo na...tama na...ayoko na..."
"Hahaha! Hindi ba pabida ka kay pres kanina, ngayon, sa amin ka magpabida!"
Sambit ng isa sa mga babaeng studiyante habang hawak at hila-hila ang buhok ni Lorraine na umiiyak nang sobra.
"Wala naman ako ginawang mali...ano ba ang kasalanan ko?"
"Hindi mo alam? Pwes ipapaalam sa'yo ng taong inagrabyado mo!"
Sabay biglang labas ng isang babaeng studiyante na mayroong mahaba at wavy na buhok, wearing her trendy headband lumapit ito kay Lorraine na mayroon hawak na gunting.
Nanlalaki sa takot si Lorraine at nagpupumiglas pero wala siyang magawa kaya naman nagawa ng batang babaeng gupitin ang kaniyang buhok pati ang uniporme niya na halos lumabas na ang kaniyang panloob at walang aw siyang binugbog ng mga ilan pang studiyante na utos ng naka headband.
Halos gumapang sa lupa si Lorraine at hahampasin pa sana ng biglang may dumating na tulong, ilang studiyante ng kabilang school ang sinimulang kalabanin ang mga nananakit sa kaniya at ilang sandal pa ay tuluyan na siyang nahimatay.
Nanginginig ngayon si Lorraine habang yakap ang braso ni Amanda na ikinitaka niya, sa mga titig ni Amanda ay mistulang nagtatanong kung bakit.
"Well, look who's here"
Nakangiti pero sarcastic na sambit ni Barbara looking straight kay Amanda habang naka-iwas naman ng mukha si Lorraine.
"I'm surprise na narito ka pa?"
Sarcastic na tanong naman ni Amanda.
"You really want me out of here huh...well, I ask my dad if I can stay long here to obsereve since kakabalik ko lang from US besides this is also our company—"
"—12..."
Putol ni Amanda sa sinasabi ni Barabara na makikita ang pagkalito sa mukha.
"What 12?"
"Your father only owns 12% and we own 27, so I guess you should know how to act properly here"
"I am not acting anything here"
"Oh really? How about those stupid words you just threw earlier? Ang bilis mo makalimot Barb, but then no worries, sa totoo lang sanay naman na ako sa'yo"
Natigilan si Barbara sa mga salitang binitawan ni Amanda na biglang hinatak si Lorraine na sobrang iwas ang mukha pero bago pa sila makalayo ay biglang nagsalita ito nan akapagpahinto kay Lorraine.
"I think I know you...one of the reasons why I was left here, because of her, your fiancé...her face is familiar"
Nang sambitin ni Barbara iyon ay ramdam ni Amanda ang biglang panginginig ni Lorraine na hindi niya maintindihan.
Dahan-dahang lumapit si Barbara kay Lorraine at pinaharap ito, isang matinding titigan ang ginawa nilang dalawa na halos ilang sigundo ang tinagal sabay biglang pamimilog ng mata ni Barbara nang maalala si Lorraine. Isang malakas na tawa ang inilabas niya na nakapagpagulat naman kay Amanda.
"What's funny?"
"This...I know her...I didn't know na ang pagiging social climber mo eh nag-level up na talaga! This is interesting! You try to ruin my position before to someone that is special to me now you are ruining again my position that is supposed to me mine...mukhang nakalimutan mo na ang bonding natin sa room 8 ah...tama ba Lorraine?"
Mapang-asar na sambit ni Barbara na nagpapanginig kay Lorraine lalo noong pinaalala nito ang nangyari sa kaniya noon na naging sanhi ng pag-alis niya ng school noon.
BINABASA MO ANG
A Hundred sixty days to your heart
RandomA HUNDRED SIXTY DAYS TO YOUR HEART (BLURB) Ano kaya ang mangyayari kung ang kaluluwa ng yumaong boyfriend ni Lorraine na si Anthony ay kusang sumasanib sa katawan ng babaeng kaniyang kinamumuhian dahil anak ng lalaking sanhi ng aksidente ng kaniyang...