CHAPTER 10

29 4 0
                                    

Napapabuntong hininga na lang na naghihintay si Lorraine kay Amanda, hindi niya maintindihan kung nag-aalala ba siya dahil sa katawan nito para kay Anthony or nag-aalala siya dahil wala pa ito or kung kumain na ba ito.

Habang nakaupo sa labas ay nagsalita naman si Anthony sa kaniyang cellphone.

"Love, masiyado ng gabi, mas okay na pumasok ka na muna"

"Pero love, wala pa si Amanda, nasaan kaya siya pumunta, diyos ko anong oras na"

"Maglagay ka na lang ng jacket or balabal sa likod mo para hindi ka lamigin"

"Okay love"

Sambit naman ni Lorraine na halos tamarin nang tumayo, agad na nagpatong siya ng kumot sa kaniyang likod at bumalik sa pagkaka-upo sa labas at napayuko lang.

Halos trenta minutos siyang naghihintay nang biglang mayroon dumating na sasakyan na hindi na masiyado napansin ni Lorraine dahil nakaidlip na ito ng bahagya.

Lumabas si Amanda nang medyo namumula ang mukha ng bahagyang nakainom, napahinto siya nang makita si Lorraine na nasa labas ng pinto na naghihintay sa kaniya, dahil medyo nahihilo ng kaunti ay napaupo siya sa lapag na katabi ni Lorraine na ngayon ay naiidlip habang nakayakap sa kaniyang tuhod.

Napapalingon naman si Amanda sa kaniya at napapatitig.

"Nakakabilib ka noh, ang tindi ng pagmamahal mo kay Anthony...bakit kaya mayroon kagaya mo, iyong nagmamahal ng sobra at bakit kaya mayroon kagaya namin, na mas pinipili ang hindi makaramdam ng kahit ano...hmmm bakit kaya..."

Bulong ni Amanda sa sarili habang nakatingin kay Lorraine na naiidlip pa rin, namumugto ang luha ni Amanda at handa nang humagulgol nang biglang nahinto at napalunok na lang dahil sa biglang pagkagising ni Lorraine.

Napaiwas ng tingin si Amanda at umaktong parang wala lang, halos mabulunan siya nang hindi natuloy at naputol ang paghiyaw niya sana ng iyak.

"Andiyan ka na pala....."

Sambit ni Lorraine na pupungas-pungas pa at bigla naman napatayo si Amanda at tila gegewang-gewang pa na napansin naman agad ni Lorraine.

"Teka, nakainum ka ba?"

Tanong ni Lorraine sabay hawak sa braso nito na nakapagpatingin kay Amanda sa kamay niya pero tinapik nito agad.

"I am and so? Hindi ba pwedeng uminum?"

Pataray na sagot ni Amanda na halos hindi na pantay ang lakad.

"Nagtatanong lang naman ako!"

"Then why? Why are you asking me?"

Natigilan naman si Lorraine sa biglang tanong ni Amanda na halos nakadukwang na ang mukha nitong namumula sa kalasingan.

"Eh kasi...n-naghintay kaya ako sa'yo sa labas!"

"Bakit, sinabi ko ba na maghintay ka? If I know, ginawa mo lang iyon dahil atat ka nang makapasok ang boyfriend mo sa katawan ko! You just do all this shit because of my body!"

Pagtataray ni Amanda habang namimikit na ang mata kay Lorraine na ngayon ay namumuo na ang inis sa kaniya.

"Grabe ka talaga!!! Nag-aalala na nga sa'yo ikaw pa ang ganiyan! Iba talaga kayong mayayaman, ang baba ng tingin niyo palagi sa amin!"

"Wow! 'yung pagiging mayaman ko nanaman ang nakita mo, ano ba 'yan, insecurity? Inggit? Wala na akong magagawa sa parteng 'yan!"

Sambit ni Amanda na may pang-iinsulto at papalakad na paakyat sa kaniyang kwarto nang bigla itong sinipa ni Lorraine sa parteng hita nito kaya naman napayuko ito sa sakit sabay mabilis na akyat ni Lorraine papunta sa kaniyang kwarto at nagkulong.

A Hundred sixty days to your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon